Chapter 61: Deal

483 12 3
                                    

Phoebe's POV

"Bakla gusto ko talaga malaman kung anong pangalan nong Mr. Perfect huhu." maktol at pamimilit ko na sabihin sakin ni Hannah ang pangalan ng lalaki kung saan tingin ko na love at first sight ko.

"Hannah please,"

Nag-puppy eyes pa ako para lang mapagbigyan niya ang hiling ko. Nalaman ko kasi na kilala niya kung sino yung lalaking gusto ko.

"Nako ate hindi yan gagana sa'kin, kahit maghubad ka pa sa harap ko." maarte na sabi niya.

Kakainis naman. So wala talaga akong pag-asa makilala kung sino ang lalaking yon. Hindi ko nga alam kung babalik pa yon dito sa Gym.

"Kaloka ka, Hindi mo ba talaga napansin?" kanina pa niyang tanong niya sa'kin.

Yan na naman siya sa tanong niya sakin na 'Napansin mo ba?' 'Hindi mo ba napansin?'

Pambihira magtatanong ba ako kung napansin ko. Unti na lang papatulan ko na itong si Hannah.

"HINDI," madiin na sabi ko.

"Well nong una hindi ko rin siya namukhaan. Pero kyah—"

"Sabihin mo na kasi sakin Hannah!" sigaw ko.

Nawawalan na ako ng pasensya. Gusto ko ng i-stalk si Mr. Perfect. Gusto kong malaman kung may syota na ba yon kung wala kasi maga-apply ako.

"Mygad, Wag ka ngang sumigaw, Masisira ang eardrums ko sayo." reklamo ni Hannah habang nakatakip sa tenga niya.

Naiiyak na ako. Si Hannah kasi ayaw sabihin sa'kin.

"Bibigyan kita ng Clue ateng." Naalarma agad ako.

"Ano?" exited na tanong ko.

"Tumingin ka kay papa Dio," utos niya at ako naman itong si desperado, sinunod ang utos niya.

0_0

Nakita ko si Dio na nagpupunas ng pawis, Mukhang kakatapos niya lang magpush-up.

Bumaba ang tingin ko. Shocks ang kinis ng balat niya. Sana all pero ito na talaga. Gosh eight pack abs. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita, kung saan nauntog ako sa malatibay na pader na abs.

Laking taka ko ng hinarangan ni Hannah ang tinitignan ko.

"Ang sabi ko tignan mo, Hindi maglaway ka!"

0_0

Ako na naglaway. Kinapa ko ang labi ko at may kunting basa nga. Kaloka. Sino ba naman kasing hindi maglalaway sa eight pack abs.

"Sa mukha ka tumingin. Nako kahit magbessy tayo aawayin kita pag inagaw mo sakin si papa Dio."

Hindi ko na pinansin ang ilang sinabi ni Hannah, ang ginawa ko lang pinagmasdan ang mukha ni Dio.

Well may pagkamaputi siya, matangos na ilong, singkit na mata at may...kissable lips.

Halos malaglag ako kinauupuan ko ng magtama ang mata namin.

"Wah! ang sakit nito! hindi ko Kerry! nagulat ako ng hilahin ako ni Hannah palayo kay Dio.

"Wag kang mag-alala Hannah, iyong-iyo na si Dio." pangunguna ko sa kaniya. Well nakakatakot kasi aura niya, parang mananapak.

"Sure?" nakapout na sabi niya.

"Sure na sure." paninigurado ko sa kaniya.

"Diba total, slow ka at mukhang malabo ang mata, gusto mong malaman ang pangalan ni Mr. perfect mo, I have a deal with you."

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon