Chapter 49: Surprise

516 18 2
                                    


Hoshi's POV

Nalilito ako ng bigla nagsilapitan sakin sina Lorie at yakapin ako. Kinakislap ng mata ko ang maraming pagkain na nakahanda sa hindi naman kahabaan na lamesa. Napadako ang tingin ko Kay pat at binigyan ko siya ng 'Ano to?' look. Kanina lang kasama ko siya tapos....

"Panigurado magiging masaya ang gabi na'to." bulalas ni Marjorie at kitang-kita mo sa kaniya ang tuwa.

"O–Okay, para san ang lahat nang ito?" awkward na sabi ko habang nakatingin sa kanilang lahat.

"Lahat ng baguhan dito sa resort wine-welcome! noong nakaraang taon sinurprise din kami kaya ikaw naman ngayon Hoshi." si Lorie.

Ah kaya pala. Agad akong nabow at pinaglapat ang ang dalawa kong palad gaya ng kinaugalian ko sa japan para magbigay galang at pasasalamat.

"Salamat sa inyo," sabi ko at hindi ko mapigilang itago ang saya nang nararamdaman ko ngayon.

"Nako ikaw pa Hoshi, Pamilya na ang turing namin sayo kahit pa kakakilala lang namin sa'yo love ka na namin." si marjorie.

Lahat ng pangamba at kalituhan na nararamdaman ko biglang nawala napalitan ng nagu-umapaw na emosyon.

"Kahit kailan ang drama ng mga babae." pagpaparinig sa amin ni Almer at natawa na lang kami. Lahat kami napatingin kay Jazell nakacross-arm ngayon. Kung titignan wala siyang pakialam pero parang gusto niya rin makisama sa amin kaso nag-aanlinlangan siya.

"Don't expect na may sasabihin ako." masungit niyang sabi. Lumapit ako ng kaunti sa kaniya. Siguro magmula ngayon kahit anong pang-iinis niya sa'kin, awa na lang mararamdaman ko sa kaniya.

"Naiintindihan kita." mahinang sabi ko yung tipo kami lang nakakarinig. Nagbago ang ekspresyon niya tila may sinabi akong hindi niya inaasahan. Nagsimula maglakad papunta kay Pat.

"Ano okay ba? nagugutom ka na?" tanong niya pero nginitian ko lang siya.

"Mukhang gutom kana nga," natatawa niyang sabi.

"Ayieee!" kantyaw samin ng grupo. Napadako ang tingin ko kay Sceven na nakaiwas ng tingin ngayon.

Nagsimula kaming pumunta sa kaniya-kaniyang upuan at kumain. Masaya akong nakikinig sa mga kwento nila lalo na tungkol sa love story nila kung pano nila nakilala ang isa't-isa. Yon na masaya na sana kaso napunta ang usapan sa amin ni Pat.

"Kayo paano kayo nagkakilala ni Pat?" tanong ni Lorie na sinunandan pa ng ilang tanong tungkol sa amin.

Bigla na lang ako kinabahan. Ni-hindi ako makatingin kay Pat ngayon na katabi ko. Naramdaman ko din ang gulat at kaba ni pat sa tanong ni Lorie. Nagflashback bigla sa'kin yong unang pagkikita namin ni Pat, Yong dumaan ako sa exit para lang makita si Phoebe, kung saan pinagkamalan kong bakla si Pat! at sinabihan niya pa ako na...

"And One more thing... You will never be my Girlfriend."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

"Omg parehas kayong namumula ni Pat! nakakakilig kayo!" tili ni nicole. Napahawak naman ako sa mukha ko. Shocks! nakakahiya.

"W—Well yong pagkikita namin, ahmm.." panimula ni Pat na kinabilis ng tibok ng puso na kina-taka ko.

"Ano ba yan Pat? may pa suspense pa," reklamo ni Jekoy sabay kagat sa chicken na hawak niya.

"Una naming pagkikita, Unexpected, yong tipong nagkasagutan pa kami."

Lahat natahimik sa kwento ni Pat. Hindi ko maiwasan na tignan siya. Panigurado ang tinutukoy niya yong pagkikita namin sa exit.

"Tapos, doon nagsimula matapos ang pangyayari na yon, palagi na lang siya yong naiisip ko, pati sa panaginip naririndi na ako sa sigaw niya. Yong nagkita kami ulit hindi ko na siya pinakawalan pa." natatawa niyang kwento. Halos lahat kinilig sa sinabi ni Pat pero ako hindi ko alam, naguguluhan, kinakabahan, natataranta. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Seryoso ba siya? parang walang naman ganong nangyari o sinasabi niya lang to dahil...sa kontrata.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon