Phoebe's POV
"So ano mo talaga yung Dio na yon?" kanina pang tanong ni Mikay nandito kami sa Starbucks.
"Mikay please lang, nakailang tanong kana." sabi ko at pilit na ngumiti.
Alam niya talaga kung paano ako inisin. Mukhang nage-enjoy pa ang loka.
"Bakit? I'm just asking," natatawa niyang sabi bago inumin ang inorder niya.
"Fine, nagtratrabaho na kasi ako." paunang paliwanag ko at natawa ako ng mabilaukan siya sa iniinom niya.
"What?!" gulat na tanong niya habang naubo. Binigyan ko siya ng tubig.
"I'm working at Dio Gym." paliwanag ko at sumipsip ng cappuccino ko.
"Teka nagtratrabaho ka? HAHA, Anong nakain mo phoebingot ha?" tawang tawa niyang sabi at inirapan ko na lang siya. Inexpect ko naman to natatawanan niya ako.
"Ayoko na rin kasi umasa sa parent ko," mahinang sabi ko at yumuko dahil nahihiya ako kay Mikay. Sa lahat ng kaibigan ko bakit si Mikay pa kasi ang nakakita sa Dio na yon?
"Ano? wait teka ikaw ba talaga si Phoebe? o sinasapian ka lang?" sabi niya.
"Eh ikaw? kailan mo aayusin yang buhay mo? aasa ka na lang ba sa magulang mo? magsha-shopping ka na lang ba? gagala gamit ng pera nila habang buhay?" inis na sabi ko.
Ayoko sana umabot kami sa ganto ni Mikay. Pero masyado niya akong ginalit ngayon. Kita ko sa mata niya ang gulat at pagkapahiya.
"You don't know anything about me phoebe so shut up!" sigaw niya at dali-daling tumayo. Nakaramdam ako ng kaba sa ginawa ni Mikay at may mga iilan na customer na nanonood samin ngayon.
Doon lang ako natauhan...
My god nakalimutan ko ang issue ng pamilya niya.
"Eh ano naman kung gamitin ko ang pera nila? yung nga yung reason nila kung bakit lunod na lunod sila sa trabaho ngayon, kung bakit wala na silang pakialam sa'kin." naiiyak na sabi niya at agad akong na alarma.
"M—Mikay," nauutal na sabi ko.
Nice phoebe, pinaalala mo pa kasi kay mikay ang parents niya.
"Mikay!" sigaw ko pero nagmamadali siyang umalis at hinayaan ko na lang siya.
Sinira ko na nga ang araw ko, sinira ko pa araw ni Mikay. Sa sobrang hiya ko nagmamadali na rin akong umalis sa Starbucks.
Nandito tuloy ako sa daan palakad-lakad, Saan kaya ako pupunta? hapon pa lang, panigurado mabo-boring ako sa condo. As if naman may pupuntahan ako bukod sa condo.
"Teh," agad ako napalingon sa pamilayar na boses na yon. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin.
"H—Harold," hindi makapaniwala na sabi ko.
"Ay grabe siya oh, nakamake-up ako teh tawag mo pa rin sakin Harold kaloka." nagtatampo na sabi niya kaya naman nag-isip ako ng palusot.
'Harold sa umaga, Hannah sa gabi' naalala ko na sinabi niya sa'kin ito.
"Hannah, hannah, sorry hannah pala." nagmamadaling sabi ko. Tama na yung araw lang ni Mikay sinira ko.
"Oh papasok ka ba? may usapan ba kayo ni Boss teh?" pagtatanong niya na pinagtaka ko.
'Itutuloy ko pa ba ang work ko? tanong ko sa sarili ko.
"Uy teh! tulaley ka!" natauhan ako sa sinabi ni hannah.
"Ahh k—kasi"
"Nasa tapat lang tayo ng Gym teh, nga pala kailangan ko ng bumalik sa gym," natataranta niyang sabi at agad naman akong napalingon sa paligid.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...