Chapter 20: Clown

685 21 0
                                    

Sinteya's POV

"Bansot!" Sigaw na umalingawngaw sa loob ng room. Agad ng nag-init ang ulo ko.

Nasa pintuan pa lang ako pero... kainis talaga ang Kiel na 'to. Siya talaga sisira ng araw ko.

"Omg girl bansot daw haha."

"Ako ba 'yon?! maliit ako kyah."

"Baby Kiel ko."

"Omg si sinteya ba ata sinabihan niya."

"Kilig ako!" 

Napuno ng ingay ang room namin kainis mayabang na nga papansin pa.

"Makasabi ng bansot feeling ang tangkad niya." bulong ko sa sarili ko.

Naglakad ako sa unahan para makiusap sa isa kong classmate na malandi like duh. Babawi ako *insert evil laugh* humanda ka Kiel.

"Chloe palit tayo upuan" bulong ko sa kanya, sabay puppy eyes ko.

"Seryoso ka? kyah ayaw mo bang katabi si kiel?!" hindi makapaniwala na sabi niya sa'kin.

Kainis ito ang landi talaga kailangan pang sumigaw? sure akong narinig niya.

"Sige, hi Kiel!"

Nabigla ako ng bigla na lang siyang tumayo at nagtatakbo papunta kay Kiel.

Grabe ang epic ng itsura niya diring-diri siya kay Chloe.

"Pfttt haha." tawa ko grabe landi talaga ng classmate ko. Slight lang naman ako na malandi.

Pinagmamasdan ko lang sila sa gitna hindi ko talaga maiwasan na matawa kasi grabe makapulupot si Chloe.

Tulad ng ibang room may kaniya kaniyang gawain dito yung iba naga-advance reading, Yung iba katulad ko na natatawa sa ginagawa ni Chloe kay Kiel, 'Yong iba walang pakielam at yung iba naglalandian.

"Ano ba! pwede ba lumayo ka nga sakin!" iritadong sigaw ni Kiel.

"Ano ka ba naman babe kiel love kita." sabay pacute ni Chloe like yuck.

Ang laugh trip talaga.

"Ano ba! Hindi ako napatol sa CLOWN!" sigaw ni Kiel halos ng classmate namin napatawa sa sinabi ni Kiel.

"Pftt haha." Laugh trip. clown?! natatawa talaga ako kasi naman ang kapal mag make-up ni Chloe.

"ALIS!" sigaw niya kay Chloe at lahat ay natahimik sa pagtawa dahil sobrang lakas ng sigaw niya.

Hala galit siya.

"I hate you na break na tayo! I hate you." sabay walk-out ni chloe.

Pinanonood ko lang si Chloe na tumakbo sa pintuan hanggang mawala na siya sa paningin ko.

May naramdaman akong guilt kaunti lang teka bat ko ba nararamdaman ang guilt eh siya nga tong bully sakin nararapat lang sa kaniya 'yan.

Nagulat ako ng tumayo siya at papunta siya sakin?

0_0

"Hoy ikaw." seryoso niyang sabi.

"A...Ano?" pagtatanong ko, pilit kong diniretso ang pagsasalita ko. Nagbalik na agad ang ingay ng classroom namin at nagsimula na naman mag bulong-bulungan may lahi ata silang bubuyog.

halos manlaki ang mata ko nang hatakin niya ako palabas ng room teka san kami pupunta?

Halos hindi ako makapagsalita, kinakabahan ako masiyado siyang seryoso ngayon, mas gusto ko pang asarin niya na lang ako ulit kaysa ganto.

Nagulat ako ng bigla siyang huminto. Teka nasa garden kami? anong gagawin namin dito?

"A..Anong ginagawa natin dito?" mahinang pagtatanong ko.

"Masyado mo kasing pina-iinit ang ulo ko." seryosong paliwanag niya. 

Pinapa-init ang ulo? siya nga tong nanguna samin.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam na mainis." confident na sabi ko.

"What?" tanong niya at halatang naguluhan siya.

"Isipin mo yung mga ginawa mo sakin noong last week alam mo bang sirang- sira ang araw ko ng dahil sayo at isipin mo na kunwari ikaw si Chloe at ako naman ikaw." sabay turo ko kaniya sa dibdib niya. Wow ang tigas. Agad akong napailing. Sinteya focus. 

"Ganyan ang nararamdaman ko naiinis ako sa tuwing sasabihin mo ako ng bansot, pandak at marami pang iba dapat lang sayo iyan ng maramdaman mo kung pano ang mabully." sigaw ko sa kanya. Sa dami dami ng babae ako pa talaga binully niya.

"Hindi moko naiintindihan." seryosong paliwang niya

"Talagang hindi."

"Slow mo!" sigaw niya

"Aba ako pa ang slow!! kapal."

"Hindi mo ba nakikita? o napapansin?" galit na tanong niya sakin.

Hala don't tell me...

Ito na ba? Gusto niya ba ako?

0_0

Tinamaan na ba 'to sakin? well hindi na ako magtaka halos lahat ng lalaki sa S.U may crush sa'kin.

^_^

Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako.

"Ano bang gusto mo? makipaglandian sa mga kaklase natin na babae o gusto mo bang sumali ako sa tropa ng mga kaklase nating lalaki kahit alam mo na bad influence sila, Ikaw lang! ikaw lang ang kilala ko sa school na'to. Oo tinatawag kiyang bansot kasi ayaw mo akong pansinin." sigaw niya at seryoso sya

So kulang lang siya sa pansin? well sabagay transferee siya.

"Kung ayaw mo sakin mas ayaw ko sayo." sabi niya at iniwan ako.

Kaagad akong humabol sa kaniya at pinigilan siya.

"Sorry na." seryoso ko na sabi pero...nilayasan lang ako punyemas.

Hindi ko nga alam kung dapat ba talaga mag-sorry or what, naisip ko lang na baka maisipan niyang lumipat ng school panigurado patay ako kay Geyl pagnalaman niyang ako ang dahilan kung bakit mababawasan ng studyante sa school na ito.

"Hoy sorry na nga!" sigaw ko, Aba pabebe ang lalaking ito. Ayaw talaga akong pansinin.

Tumakbo ako at humarang sa pintuan ng classroom namin.

"Sorry na please." pakiusap ko sana gumana ang puppy eyes ko.

"Tsk." sabi niya.

"Libre kita lunch mamaya, deal?" sana pumayag na siya.

"Pwede ka namang mag approach sakin kasi ng maayos kung gusto mo ng kaibigan." malambing na sabi ko at seryoso niya akong tinignan.

"Deal." sabay pasok niya sa room namin.

Ayie! Wala talagang makakahindi sa akin. Well sa ganda kong ito? sino ba namang hi-hindi?

Maswerte kami walang guro kundi pinagalitan na kami. Grabe ba't kailangan kong maguiltt? bahala na lunch lang naman.

Pero ang cute din nitong si Kiel. Gusto makipag-kaibigan sa akin. Ayaw pang aminin baka nga nay gusto narin siya sa'kin hihi.

-----------------------------------------------------------

To be Continued, Dont forget to Vote and Comment ❤

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon