Hoshi's POVNandito kaming apat sa kotse pauwi na sa condo ko.
Nakakapagtaka lang walang na-imik sa aming apat. Iyong maingay na Sinteya at Mikay na parang nakalunok ng microphone tameme ngayon anyare?
Kanina nagkikita kami maayos naman lagay namin. Si sinteya halatang badtrip ngayon anong nangyari sa babaeng 'to?
Si Phoebe naman nakasimangot.
Si Mikay ayon nag dra-drive chill-chill lang.
Ako? ito maraming tanong sa isip ko.
'Don't worry miss everything will be Alright' halos magitla ako ng maalala ko yung bosss na 'yon sa isip ko.
Hala ewan ko kinakabahan ako.
'I'm red' omygod bakit nage-echo 'yong boses na iyan sa utak ko?
Red? Code Name? Omygod hindi kaya Red kasi para sa dugo?
Agad ako napailing, hindi mali ang iniisip ko wah nakakatakot!
"Okay ka lang? Hoshi?" sabay yugyog sakin ni mikay doon ako natauhan. Nasa shotgun seat ako katabi ng driver.
"O..Okay lang naman hehe," utal na salita ko.
"Sigurado ka?" paniniguro nito sakin.
Hindi mikay, Hindi ako okay.
"Oo naman." sabay smile ko para i-sure siya.
"Bwisit ka hindi naman ako maliit lintek ka magsama kayo ang panget niyo!" Sigaw ni Sinteya na kina-gulat ko, what i mean kami nila phoebe, ako at si mikay napahinto sa pagmamaneho.
Nakayukom ang kamao ni Sinteya halatang galit siya. Anyare sa babaeng 'to?! At sinong kausap nya?! bigla bigla na lang nagsasalita
Omyygad baka—baka may ibang nakikita si sinteya na hindi namin nakikita.
Wah!
>_<
"Hoy anong problema Jan? ba't ka nagmu-mokmok Jan?" tanong ni mikay.
"Oo nga kanina ka pa, ang tahimik mo anyare sayo? sinong sinasabihan mo nang pangit?" sunod-sunod na tanong ni phoebe.
"May kilala kayong red?" biglang singit ko sa tanungan nila.
"Red?!" sabay sabay nilang tanong habang nakatingin sakin. Buti na lang napatakip agad ako sa tenga ko.
"Oo nga." kailangan unli?
"Red as in pula?!" tanong ni sinteya or should i say sigaw?
"Oo nga unli? paulit ulit gusto mo gawin mong blue hehe, red nga sabi, sa tagalog Pula." sabi ko. Hays nakakaloka itong mga kaibigan ko.
"Wala akong kilala na red ang name" paliwanag ni phoebe. Ops sasabihin ko ba sa kanila na code name lang 'yon? wag na nga lang.
"Wait isa-isa nga lang kay sinteya muna tayo." mahinahong pagsasalita ni Phoebe.
Tiningnan lang namin si Sinteya nang *Anong nangyari sayo kanina?! Look*
"Ok fine," sabi ni sinteya habang nakataas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
"Nong nagkahiwalay-hiwalay tayo sa exit sa horror house na 'yon, siyempre mag-isa lang ako na-isipan kong bumili ng inumin tapos habang nagtext ako sa inyo naglalakad ako 'non may lalaki akong nabangga at natapon yung juice ko sa kanya," mahabang pagkwento ni sinteya sa nangyari sa kaniya kanina.
"O tapos anong nangyari?" sabi ni Mikay na halatang exited sa susunod na pagkwe-kwento ni Sinteya. Inirapan tuloy siya nito.
"Ayon nag-bangayan kami kasi nagulat ako ng isaboy niya rin sakin yung hawak niyang Zagu tapos hindi niya raw sinasadya tapos kesho daw ang mahal mahal ng damit niya na kayang bilhin ang buhay ko, kainis talaga then sinabihan niya akong kesho daw bumili ng chip na Jacket ay bumili na lang daw ako ng-----" Bitin na pagpapaliwanag ni Sinteya.
"Ano ba yan may pa thrill pa." reklamo ko.
"Bumili ng ano?" tanong ni mikay.
"Nang alin?" tanong ni phoebe.
"Nang C–Cherifer" nahihiyang sabi ni sinteya tapos umiwas siya ng tingin sa amin, siguro nahihiya siya?
Hindi napigilan ang tawa namin nila phoebe. Grabe hindi naman ganoon kaliit si sinteya pero nakakatawa kasi siya ang pinakamaliit sa aming magka-kaibigan at pinakamaganda.
Ayaw na ayaw niyang sinasabihan siyang maliit talagang kaiinisan niya ang taong magbanggit sa kaniya ng salitang iyon.
"Nakakainis pag nakita ko siya lagot siya sakin, nakakainis talaga!" iritang sabi niya at sabay gulo buhok niya para na siyang baliw.
"Siguro pag nandito si Geyl malamang nasuntok niya na 'yon." natatawang wika ni Mikay.
Si Geyl....
"Kaya nga namimiss ko na si geyl kailan ba uwi ng babaeng 'yon? hindi man lang nagte-text or tawag." halatang pag-kamiss ni Sinteya kay Geyl.
Close kasi sila as in super close.
Si Abegail Vinuya (Geyl) best friend din namin 'yon kaso ayon kinailangan pumunta ng US para asikasuhin yung business nila. Isa siyang taga pagtanggol namin sa magkakaibigan, nakakamiss ang babaeng 'to grabe. Dalawang taon na namin siya hindi nakikita.
"Okay tapos na yung kay sinteya ikaw naman hoshi, sino si red? boyfriend mo? ayie." exited na tanong ni Phoebe.
"Wala akong boyfriend, Si red ahm siya 'yong tumulong sakin makalabas ng horror house 'yon lang." paliwanag ko. Si Red siya tumulong sa akin samantalang sila iniwan lang ako.
"Omg, baka destiny mo na 'yon." kinikilig na sabi ni mikay.
"Destiny agad?" mahinahong tanong ko.
"Nandito na tayo!" pahayag ni mikay. Napalingon naman ako tama siya nasa tapat na kami ng building ko kung nasaan ang condo ko.
------------------------------------------------------------------------------------
To be Continued, Don't forget to Vote and Comment ❤
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...