Hoshi's POVHinanda ko na ang susuotin kong pantulog dahil magsho-shower muna ako para masarap ang tulog ko.
Fresh din pag-gising.
Mabilis akong natapos mag shower at
napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko kitang-kita ko ang imahe ko.Bukod sa buhok ko, tingin ko wala ng nagbago sakin. Kung ano ako noon ganun pa din ako ngayon.
Itong nararamdaman ko para kay Sceven, Hindi parin mawala-wala. Tapos eto pang si Pat ilang araw niya narin ginugulo ang puso at isip ko.
Pinagaalala niya ako at hanggang ngayon nagsisi ako na hindi man lang ako nagpahatid sa kaniya. Malay ko bang sa airport ang huli na naming pagkikita.
Nakakalungkot tuloy. May time na gusto ko siyang makita, nababaliw na ata ako. Siya na lang naiisip ko.
Napatingin ako sa phone ko. 11 na ng gabi hindi parin ako makatulog. Nahihiya akong itext or tawagan siya kasi baka maistorbo ko lang siya sa work niya or ginagawa niya.
Or maybe ako lang tong, napag-iwanan. Ako lang tong nag-iisip na may pakialam siya sa'kin pero ang totoo wala naman talaga.
Buti pa si Leslie nagme-message sa'kin. Nangangamusta. Siya wala talaga as in wala. Nakaka-disappoint.
Hinayaan kong bumagsak ang sarili ko sa kama at pinagpapadyak ang pas ko.
"Bukas pupunta ako sa S.U," masayang sabi ko sa sarili ko.
Gusto kong isurprise visit yong dalawa kong kaibigan. Ano kayang klaseng pamamalakad ni Geyl ngayon sa S.U binago niya kaya yong dati? nagkita na kaya sila ni Professor Will.
Pftt. Iniimagine ko palang natatawa na ako. Panigurado nakabusangot si geyl pagnasalubong niya yon. Number one enemy niya yon sa school namin. Maraming studyante ang gustong paalisin ang guro na yon kaso sobra talagang husay ng guro na yon. Pati mamahiya ng studyante napakahusay niya. Si sinteya, binu-bully parin kaya yon? hays lagot sakin kung sino man mang-away sa kaibigan ko.
Si Phoebe kaya. Kamusta yong trabaho niya? bisitahin ko rin kaya yon bukas. Total hindi naman ako magtatagal sa S.U
Bigla kong naalala sila Marjorie. Well Masaya silang kasama at kung tatanungin gusto ko silang makaclose pa kaso sa ngayon mukhang malabo may kaniya-kaniya kaming ganap sa buhay lalo sila nag-aaral pa.
Sa H5 wala naman akong problema, Maliban na lang kay Sceven... Sa tingin ko dapat hindi na kami magkita.
"Okay ka lang? Mina, may ginawa ba sila sayo?"
Bigla akong napaupo sa kama ng marinig ang boses na yan. Halos nagflashback ang lahat ng nangyari nong araw na yon.
Hanggang ngayon malinaw na malinaw parin sa alaala ko ang mga reaksyon niya, ang pag-aalala niya nong araw na yon.
Agad akong napailing sa iniisip ko. Mali. Mali.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaang lamunin ako ng antok pero ilang sandali lang hindi ko inaasahan na may magdo-doorbell sa pintuan ko.
'Pambihira sino naman ang mangiistorbo ng ganitong oras' reklamo ko sa isip ko.
Napatingin ako sa orasan ko at nakitang alas dose na. Nako for sure si Mikay ang nangiistorbo sa'kin. Trip niya na naman guluhin ako at ganito pang antok na antok ako.
Naglakad ako papuntang pintuan na Hindi pinakakawalan ang yakap-yakap kong unan sa pagtulog.
'Lagot ito sakin si Mikay." saisip-isip ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at halos manlaki ang mata ko dahil sa taong kaharap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...