My Psycho Fangirl Epilogue

606 21 4
                                    

Makalipas ng Dalawang taon.

"Goodmorning Manong!" bati ko sa guard nong nakausap ko dati nong naghihintay kay Pat.

"Magandang araw din, Si Sir Pat po ba ang hanap niyo? gusto niyo po ba tawagan ko po--"

"Hindi na." pigil ni Hoshi dito, nais niyang surpresahin ang kaniyang nobyo, ito ang second anniversary nila. Balak ni Hoshi at Pat na magbakasyon sa probinsya. Nagmamadali at exited na naglakad papasok si Hoshi sa building nila Pat, lahat ng staff o nagtratrabaho don binati siya. Nang umalis kasi sila ni Pat at pumunta ng Japan, wala silang kaalam-alam na silang ang number one usapin ng pilipinas ng araw na yun. Kumalat ang mga larawan at video kung saan nandon sila airport. May ilan pang gumawa ng hashtags para ipatrend at nagtrend ito World Wide.

"Magandang umaga." bati ni Hoshi sa lahat. Sumakay si Hoshi sa elevator at magsasara na sana yun kaso may biglang humabol at yun si Leslie. Nagkangitian ang dalawa.

"Nandito ka para kay Pat no?" pang-aasar ni Leslie kay Hoshi.

"Oo." nahihiya na sagot nito.

"Kamusta nga pala ang anak niyo ni Lorie?" tanong ni Hoshi.

Kinasal si Lorie at Leslie, biniyayaan din sila ng babae na anak.

"Okay kami, sobrang saya." abot tenga na ngiti na sabi ni Leslie. Naantig ang puso ni Hoshi, nasaisip-isip non na tama ang ginawa niya.

"At dahil sayo lahat yun Hoshi, thank you." sinsirong pagpapasalamat ni Leslie kay Hoshi.

"Babye!" paaalam ni Hoshi dito at naglakad papuntang opisina ni Pat. Gulat siya ng makita si Catty na mukhang naghihintay din sa labas.

"Catty!" sigaw ni Hoshi at kinawayan ito.

"Mina!"

Nagbeso silang dalawa. Nang umuwi sila Hoshi at Pat sa pilipinas naging magkaibigan sila. Maging sila Pat at Sceven naging magkaibigan ulit. Kinalimutan na nila ang mga nangyari noon. Bawat partido ay tinanggap ang kamalian nagawa nila. Ngayon masaya na silang nagkwe-kwentuhan patungkol sa buhay nila at pinagdaanan nila. 

Naroon at masaya silang nag-uusap biglang napadaan si Manager Formaran.

"Hi! Tito F!" bati ni Hoshi na kina tawa ng manager.

"Naghihintay na naman kayo. Yun talagang dalawang lalaki na yun daig pa ang babae kung mag-ayos ang bagal." pagbibiro ni Manager formaran at nagtawanan sila ni Hoshi at Catty.

"Mauna na ako." paalam nito bago ito umalis nakita niyang papalapit na ang hinihintay ng dalawang babae, walang iba kundi sina Sceven at Patrick kaya lalong lumaki ang ngiti nito sa labi.

Saisip-isip nito na mali nga siya. Akala niya noon, Hadlang ang mga babae, hadlang sa pangarap, hadlang sa lahat. Inisip niya lang ang sarili niya. Nasanay na siya ng mag-isa at puro trabaho ang inaatupag. Kung dati ang quotes ng company niya ay 'Passion is first in everything' ngayon napalitan ito ng 'Passion and Love in everything.

Namiss tuloy nito ang kaniyang kaisa-isang babaeng anak niya na si Jazell, na nasa state ngayon. Nagbago ito ng pangarap sa buhay at gusto nito na gawin ito sa ibang bansa. Bilang ama suportado niya ang kaniyang anak sa mga pangarap nito. Alam niya rin na hindi madali ang pinagdaanan ni Jazell kaya kung sasaya ito sa ibang bansa, sa paglayo sa kaniya susuportahan niya ito.

"Manager!" sigaw ni Sceven dito at nakipagkamayan. Ganon din kay Pat.

"Kayong dalawa lagi niyong pinaghihintay yung dalawa. Mga lalaki ba talaga kayo?"

"Manager naman. Siyempre, ang dami niyo kasing pinaasikaso sa amin."

"Siya mauna na ako sa inyo." paalam manager formaran at tuluyan ng umalis.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon