Sinteya's POVKanina ko pa nararamdaman ang tensyon sa pagitan ni Mikay at Geyl. And this is all my fault, alam ko nagkakaganito si Mikay dahil sa mga sinabi ko noong mga nakaraang araw. I feel so guilty, binack stab ko si Geyl and ngayon nagagalit sa kaniya si Mikay.
What to do? What to do?
Pabalik-balik na akong naglalakad dito sa daan. Maybe kailangan kong kausapin si Mikay at ipaliwanag ang lahat sa kaniya. Tatalikod sana ako pero hindi ko inaasahan na pupunta si Kiel sa kinaroroonan ko.
"Sinteya." Imik nito sakin at pinagpapawisan agad ako. Ganto kalakas ang epekto sakin ni Kiel. Nagmamadali akong tinalikuran siya, hindi ko man alam pasikot-sikot sa resort nato gagawin ko ang lahat makalayo lang sa kaniya.
"At alam kong hindi ito yung perfect timing para sabihin to sayo pero Sinteya Gusto kita...I'm sorry.. kasi matagal pa bago ko malaman yung nararamdaman ko para sayo..."
Ni-walang araw na hindi sumagi sa-isip ko ang sinabi ni Kiel. Magkahalong saya at sakit sa tuwing maalala ko ang sinabi niya. Pero ganun pa man nawala na ang tiwala ko sa kaniya kaya tama na layuan ko na lang siya.
Ano ba kasing pumasok sa utak ni Geyl at sinama pa si Kiel at Gimena dito?! Okay lang si Gimena pero yung Kiel na yun Hindi. Never.
Gabi na kaya naman nakaramdam din ako ng panlalamig sobrang lakas kasi ng hangin, namalayan ko na lang papunta ako sa maliit na bar dito sa resort. Ramdam ko parin ang pag-sunod sakin ni Kiel.
Aba hindi talaga siya titigil?
Nagmamadali akong pumunta sa isang stool at umorder ng inumin. Napatingin ako sa katabi ko. Isang foreigner na ang lungkot-lungkot. Nilagok nito ang inumin niya.
"H..Hi." nauutal na sabi ko. Mukhang kailangan niya ng kausap. Matamlay itong tumingin sakin.
"Hello."
"I'm sinteya calo and you are?"
"I'm Stefan Montefalco." Imik nito sakin, may accent pa ang pagsasalita nito.
"Nice meeting you. Wala kang kasama?" pagtatanong ko. Well feeling close muna ako.
"Ahm I don't understand what you saying. Sorry."
Bigla naman ako kinabahan. Nako mapapasabak ako sa pag-english.
"What I mean you seem alone----" hindi ko na ipagpatuloy ang sasabihin ko nang biglang may humablot sakin.
"I'm sorry, I have to go." nagmamadaling sabi ko at kita ko ang seryosong mukha ni Kiel. Nagmamadali itong hinila ako palayo kay Stefan.
Ano bang problema niya. Dinala niya ako sa tabing dagat kung saan may punong malaki dito at tumigil siya sa paglakad.
"Pwede ba bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag. Ginamit ko ang buong lakas ko, para mabitawan niya ako at nagawa ko yun. Galit ko siyang tinignan.
"Nakita mong may kausap ako diba? ganyan ka ba kabastos?!" unti na lang sasabog na ako sa galit sa kaniya. Lasing ata siya, galit din siyang tumingin sakin.
"Stop making me jealous!" bulyaw niya sakin. Halos manlaki ang Mata ko sa sinabi niya. Ang kapal naman niya noong ako ba, nagreklamo kahit ang daming babae na lumalapit sa kaniya. Aalis na sana kaso pinigilan niya ako. Tinulak niya ako sa may puno na kinakaba ko.
"Sinteya.."
"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang layuan mo na ako? ha?" sigaw ko muli sa kaniya para matauhan na siya. Kita ko ang paglamlam ng mata nito agad.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...