Hakiro's POV
Life is simple,
Pwede kang mamuhay ng masaya, depende sa gusto natin.
I'm come from wealthy Family, everything i need i get in just blink of an eye.
Marami akong kaibigan, maraming nagmamahal sa akin, nadyan ang magulang ko, kasamahan namin sa bahay, my granpa and grandma. Makikita mo iyon sa kanilang mata, kung gaano sila kasaya na makasama ako.
Mga matang nagpapakita ng kasiyahan, nagbibigay liwanag sa mundo ko.
Kaya pinakapaborito kong parte ng mukha ng tao ang kanilang mga mata. Kasi dito pa lang makikita muna kung gusto ka ba nila o hindi. Tanggap ka ba nila o hindi.
Sabi nga nila, ang mga mata ay hindi kayang magsinungaling. Hindi kayang maglihim o magtago, kaya sa bawat taong lumalapit sa akin mata ang una kong napapansin sa kanila.
-
-
-
-Pero lahat ng ito ay unti-unti rin nawala sa akin dahil sa araw na 'yon.
Ang araw na sana hindi na lang dumating.
Hinihiling ko...
Sana hindi na lang ako naging makulit.
Sana nagstay na lang ako sa kwarto o nagbasa ng libro.
Sana wala na lang akong napakinggan.
"Your son, will bring misfortune to your life and even to the person close to it."
I heard everything...
Tradisyunal sa pamilya namin ang maagang pag-alam ng magiging kinabukasan namin balang araw.
Maski ako sa mga narinig ko, hindi ko iyon nagustuhan, kumpara sa dapat na hinahangad kong kinabukasan para sa akin ay malayong-malayo sa sinabi ng babaeng manghuhula.
Puro negatibo ang lumabas sa bibig nito at kita ko pa nong oras na iyon ang reaksyon ng magulang ko. Na lalong nagpabahala sa akin.
Lahat ng narinig ko tumataktak sa isipan ko, pilit kong nilibang ang sarili ko para makalimutan ang pangyayari na iyon pero...
Wala pang isang linggo. Ramdam ko ang pag-iba ng pakikitungo sa akin ng tao sa paligid ko.
Lahat sila tila dumidistansya sa akin.
Parang ayaw na nila sa akin.
Ang pinakamasakit, maski sarili kong pamilya ramdam ko ang paglayo nila sa akin.
"I'm sorry Hakiro, busy si mommy."
"Son, i have alot of works. You should just study in your room."
Puno ng pagtatampo ang puso ko, nalulungkot ako lalo na nakikita ko ang mata nilang umiiwas, sensyales na nawawalan na sila ng pagkagusto sa akin.
-
-
-
-Ilang araw pa lumipas, walang pagbabago. Parami ng parami ang tao sa bahay na ayaw makipag-usap sa akin.
Hanggang sa dumating na pati mga malapit kong kaibigan nalaman sa kumakalat na hula sa akin. Na labis kong pinangamba..
"Hakiro, totoo ba? malas ka?"
Paano nila nalaman?
"Sabi sa akin ng magulang ko, bawal daw kitang lapitan."
"Hindi totoo yan!" Tanggi ko sa kanila. Bakit ba nila ako hinuhusgahan, akala ko ba magkakaibigan kami? Bakit pati sila parang gusto na akong layuan?
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...