Hoshi's POV
"A—Ano na naman ba ginagawa mo dito?!" sigaw ko, sa kasalukuyan nakaupo siya sa couch ko.
Wah! nagulat na lang ako kanina may nagdo-door bell tapos pagbukas ko ng pinto si CPS na naman.
"Aga-aga nakasigaw ka na naman, hindi mo muna ako inoperan ng breakfast tsk ibang klase ka talaga."
"Sabi ng wag mong sabihin ang salitang 'yan." sigaw ko, paulit ulit siya eh
"Aling salita? dibale nandito ako kasi para sa pinirmahan mong contract paper." mahinahon nyang sinabi habang nakangiti.
"Contact?! ha?!" naguguluhan kong pagtatanong.
"Contract." pagtatama niya sa sinabi ko. Anong contract sinasabi nito?!
"Wag ka ngang gumawa ng kuwento wala akong pinipirmahan na kontrata at kagabi, dinala-dala mo ako sa isang lugar tapos hindi mo ko hinatid pauwi pasalamat na lang ako na may nakaipit na one hundred pesos sa hoodie mo! kung hindi malamang maglalakad ako pauwi!" mahabang paliwanag ko grabe nakakainis siya at siya naman nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.
"Kasalanan ko ba? ikaw itong may ganang mag walk-out tapos maninisi ka tapos what the...Hindi mo ba binasa yung mga pinirmahan mo kagabi?!"
Napayuko na lang ako sa hiya, tama hoshi wala kang karapatan mag reklamo kasi ikaw ang nag walk-out. Wah bakit ko ba kinakausap sarili ko. Hindi kaya baliw talaga ako?! katulad ng iniisip ni CPS?!
Hindi sadyang ganto lang ako, Ang kaharap ko kasi ay isang Abno kaya ako nagkakaganto.
Binasa?! Pinirmahan?! yung autograph ba 'yon?!
"For you information antok na ako kagabi tapos pagbabasahin mo pa ako? isa pa 'yon kagabi kailangan mo lang pala ng pirma ko bakit mo pa ako dinala don?! pwede namang pumirma na lang ako dito hays Abno ka talaga!" sigaw ko sa kaniya, napaka-abno ng lalaking ito.
"Sana kagabi ay mag-uusap tayo kasama si Manager kaso wala siya at Ako? Abno?!" hindi makapaniwalang sabi nito.
"Oo, Abno ka!" halata naman sa kaniya bakit kailangan pang itanong.
"Anong sabi mo?!" may halong inis niyang tanong. Kitang kita ko ang kunot na noo niya.
"Abno ka!" paguulit ko.
"Aba inulit mo pa talaga," sabi tila nawawalan ng pasensya. "Kung Abno ako baliw ka!" sigaw niya at halatang inis na inis na siya.
>_<
"Pikon! and for your information I'm not crazy I'm perfectly fine." Bigla na lang ako nainis kasi parang wala siyang pake sa sinabi ko minsan na nga lang ako mag english babaliwalain pa? Kainis.
Nakita ko siya na kinuha nya ang bag na dala nya at may nilabas siyang papel.
Papel na naman.
"Basahin mo yan! kailangan mong panagutan ang pinirmahan mo!" sigaw niya sakin at galit na galit na siguro siya ngayon.
May pahawi hawi pa siyang nalalaman sa buhok at pahawak hawak sa batok na parang may iniindang sakit.
"Ano to?! at anong panagutan?" pagtatanong ko nakunot ang noo ko sa pagkalito.
"Basahin mo na lang." inip at inis niyang sabi.
Edi basahin, Sinimulan ko siyang basahin at halos manlaki ang mata ko sa nabasa ko.
(*゚ロ゚)
*I am ________________ willing to be a Fake Girlfriend of Social Media Artist Christian Patrick Salonga to pay my wrong doing on the event (4th Anniversary Of H5)
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...