(This setting when Hoshi and Pat still in Japan.)
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Hoshi at kanina pa kami nagbiya-biyahe. Kung ano-ano na sinakyan namin.
"Maghintay ka lang, malapit na tayo." masayang sabi niya. As in sobrang lawak ng ngiti niya.
Aw napakacute talaga ng girlfriend ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman napisil ko ang pisngi niya.
"Pat naman eh,"
"Ang cute cute mo kasi, sarap pisilin ng pisngi mo." paliwanag ko at nginusuan niya lang ako.
Nasa tren kami ngayon, ibang-iba ang tren ng japan kumpara sa pilipinas.
"Baba na tayo," paalala niya sa akin. Gaya ng sabi niya bumaba na kami at si Hoshi lang naman ang nakakaalam ng pasikot-sikot dito sa japan. May tiwala ako sa kaniya.
Isa pang taxi ang sinakyan namin at nakarating kami sa isang malaking bahay, parang mansion na siya kung titignan.
"Hoshi, bakit tayo nandito?" tanong ko sa kaniya.
"Ipapakilala kita sa pamilya ko."
'Ipapakilala kita sa pamilya ko.'
'Ipapakilala kita sa pamilya ko.'
'Ipapakilala kita sa pamilya ko.'
0_0
Hala....
Ramdam ko kaagad ang panlalamig ng katawan ko dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang tinignan si Hoshi.
Mame-meet ko ang magulang niya ngayon na mismo?
"Pat hoy, okay ka lang?" tanong ni Hoshi at nagmamadali akong tumango pero ang totoo sobrang kinakabahan ako.
Bakit niya lang sa akin sinabi? Napatingin ako sa suot ko at doon pa lang nanlumo na ako, kung alam ko lang ito ang pupuntahan namin sana nakapaghanda ako ng ayos.
Nagulat ako ng hilahin ako ni Hoshi papasok don sa mansion. Pumasok kami sa loob, pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kaba.
Lord kayo na po bahala sa akin. Naway matanggap ako ng pamilya ni Hoshi.
Habang naglalakad kitang-kita ko na aligaga din ang girlfriend at tila may hinahanap. Nakapunta kami sa parang kusina, malaking kusina kung saan may mahabang lamesa na kahit siguro lahat ng kamag anak ko makakaupo.
"Dito ka lang muna,"
0_0
"A-Ano?" kabadong tanong ko.
"Hahanapin ko lang si Kuya Haki."
"K-Kuya?"
"Oo diba nasabi ko naman sayo na may kapatid ako?"
"Ah oo, tama kuya." tango-tango na lang na sabi ko.
"Dito ka lang, papupuntahin ko ang butler para samahan ka."
Butler? Meron silang ganon? Parang yaya? Talagang wala pa ako masyadong alam kay Hoshi.
"Hahanapin ko lang si Kuya Haki ah—"
"Who are you going to find?" nanggaling sa likuran ko ang boses na kinalunok ng wala sa oras.
"Ikaw, ikaw ang hinahanap ko Kuya haki."
"Welcome back my princess."
>_<
Napahinga ako ng malalim bago dahan-dahan lumingon sa likod ko. Agad na bumangad sa akin ang matatalim na tingin ng kuya ni Hoshi. Well hindi sila magkamukha, i mean malayo ang itsura nila sa isa't-isa. Mas mukhang hapon ang kuya niya.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...