Chapter 51: Secret

545 13 0
                                    

Sinteya's POV

Wah ano bang gagawin ko sa cellphone na ito?! kanina pa ring ng ring.

"Senyora, ndi nyo po ba sasagutin yan? kanina pa po tumatawag sa inyo." sabi sakin ni yaya. Nandito ako ngayon sa sala at yong cellphone ni gimena nasa lamesa na kaninang kanina pa nagriring.

"Maiwan ko na po muna kayo." sabay alis ni yaya sa harap ko.

Huminga ako ng malalim at tinignan muli ang numero.

"Sigarado akong hindi ito ang number ni Kiel." bulong ko sa sarili ko. Ayoko naman bumalik sa hospital. Siguro ibabalik ko na lang itong phone pagpasok ko sa school bukas.

"Nakalabas na kaya sa hospital si Gimena?" tanong ko sa sarili ko. Kasabay non ang pagring na naman ng phone niya.

Kaloka naman. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ang phone at huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag sa hindi ko kilalang tao.

"He—"

"Why are you not answering your phone?!" sigaw sa kabilang linya. Nanlamig tuloy ako sa kinatatayuan ko at halos masitayuan ang balahibo ko sa gulat at takot.

S—Sino to? Bose's ng isang lalaki at for sure matanda siya sa'kin.

"By the way, tell to Zeke, that he needs to go back here in state. The company needs him." galit na sabi sa kabilang linya at this time napaupo ako sa upuan dahil sa natuklasan ko.

0_0

S–State? Company?!

"And as soon as possible, kailangan niya ng makarating dito—" Binaba ko na kaagad ang tawag dahil hindi na kayang isink-in sa utak ko ang nalalaman ko. Napaisip tuloy ako. Sino nga ba si Kiel?!

Company? so mayaman siya?

Bigla kong napaflash back sa isip ko.

"Alam mo bang mas mahal patong tshirt ko nato kesa sa buhay mo? So pasalamat ka na lang mabait ako"

"Alam mo bang mas mahal patong tshirt ko nato kesa sa buhay mo? So pasalamat ka na lang mabait ako"

"Alam mo bang mas mahal patong tshirt ko nato kesa sa buhay mo? So pasalamat ka na lang mabait ako"

Napapansin ko din lahat ng gamit niya lahat branded? Kinuha ko ang phone ko at sinerch ang pangalan na ezekiel pero wala naman nalabas. Sinunod kong I search ang apilido niyang Chavez ay halos ganon din ang nalabas pero isang article ang nakakuha ng atensyon ko at agad binuksan yon.

OMYGOD! totoo ba tong nakikita ko? kinurap-kurap ko pa ang mata ko. Kahit dati pa ang picture, Kilalang kilala ko si Kiel ang nasa picture bata pa siya at si...si...ang pamilya ni Kiel ang nagmamay-ari ng CZ Company?! at ang mas malala pa kung san nagtratrabaho ang Daddy ko?!

Is this Coincidence?! kahit kinakabahan ako patuloy akong nagsearch tungkol kay Kiel buong magdamag, Hindi ko na namalayan nakatulog ako.

-----------------------------------------------------------

Siguro para akong zombie ngayon. Halos hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa natuklasan ko tungkol kay Kiel. Naglalakad ako papuntang classroom ngayon. Hindi ko na pinansin yong mga bumabati sa'kin. Nakapasok ako sa classroom at napansin ko agad na wala si Kiel.

Nakahinga tuloy ako ng maluwag. Kaagad kong kinuha ang phone ni Gimena. Kailangan ko ng maibalik ito. Hanggang ngayon pinagiisipan ko kung sasabihin ko ba kay Gimena yong sinabi sa tawag kagabi..

"Hi sinteya!" bati sakin ni Paul na sa ngayon palapit sa'kin pero hindi ko na yon pinansin at nagmamadaling lumabas ulit ng room. Nakalabas na kaya siya ng hospital?

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon