'Song for this Chapter: What I want to do if have a lover by G.Na ft. Rain (Korean version)
or
'If I have a lover' by Yongseo (English Version)
Must download it, enjoy reading while listening...
-----------------------------------------------------------
Hoshi's POV
"Sure kang hindi ka magswi-swimming?" pagtatanong sa akin ni Pat. Sa kasalukuyan kaming na sa table katabi ng pool kung saan naliligo sila Almer, Leslie, Jekoy at Jazell.
"Ayoko talaga," tanggi ko. Napabuntong hininga si Pat at kita ko ang sa mata niya na gusto niyang magswimming pero dahil siguro sa akin kaya hindi siya na sama kali almer sa pool.
"Maligo ka na don, okay lang ako dito." nakangiting sabi ko kay pat para makumbinsi siya.
"Pat! Tara na!" sigaw ni Jazell habang nage-enjoy sa pool at halos manlumo ako ng makita kung gaano kaperpekto ang katawan niya lalo na ngayon nakasuot siya ng two piece. Napatingin ako kay Pat na sa ngayon nakatingin sa pool.
"Sige na maligo ka na don, samahan mo na si Jazell." pilit ko kay Pat at agad siyang umiling.
"Dito na lang ako." mahinang sabi niya pero maya-maya lang tumayo siya at nagulat ako ng hilahin niya ako.
'Teka san ako dadalhin nito?' saisip-isip ko.
Sa ngayon tumatakbo kami para kaming mga batang nakalaya at tumatakbo. Hindi ko tuloy maiwasan malito o magtaka at halos mamangha ako sa laki ng ngiti ni Pat ngayon. Nakita ko na si pat ngumiti pero iba ang ngiti niya ngayon. Halatang nage-enjoy siya sa ginagawa niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay daming dalawa na magkahawak. Bigla ako nakaramdam ng kaba at exitement.
"San tayo pupunta?" tanong ko habang si Pat parang tumi-tingin sa paligid. Marami kaming nadaanan na bisita sa resort pero parang kami ni Pat napadaan lang.
"Just trust me okay?" ngising-ngisi niyang sabi. Dumaan kami sa maraming room at isang hallway ang dinaanan namin at don kami tumigil.
"Asan tayo?" kabadong tanong ko
"Secret," natatawa niyang sabi sakin at napuno tuloy ng excitement ang puso ko.
"Saan nga?" pagmamakulit ko at natawa naman siya. Naguluhan ako ng tumingin siya sa dulo ng hallway. Titingin din sana ako kaso pinigilan ako ni Pat.
"Pikit ka," masayang sabi niya. Nagsisimula na tuloy ako pagdudahan si Pat. Baka trip lang ako nito.
"B–Bakit?" utal na sabi ko at agad siyang pumunta sa tabi ko at tinakpan ang mata ko ng palad niya.
"Pat," kabadong sabi ko.
"Trust me." sinsirong sabi niya at nagsimula kaming maglakad.
Wala man akong makita pero nararamdaman ko na lumakas ang hampas ng hangin at sure akong hindi na simento ang inaapakan ko kundi buhangin.
"Tatanggalin ko ang palad ko pero pikit ka lang ha." Instruct niya sa akin at ginawa ko. Pumikit ako at naramdaman ang pagtanggal ni Pat ng palad niya sa mata ko. Halos magwala ang puso ko ng maramdamang hinawakan ni Pat ang magkabilang kamay ko at sa ngayon dahan-dahan niya akong hinihila.
"P–Pat," natatakot na sabi ko ng marinig ang mga alon. Pero hindi siya nagsalita dahan-dahan niya pa akong hinila hanggang sa maramdaman ko na basa na ang paa ko. Nanginig ang buong katawan ko sa lamig ng tubig.
"Shh okay lang, nandito ako." pagpapakalma sa akin ni pat. Dahan-dahan niya pa akong hinila ulit. Hanggang maramdaman ko na tumataas na ang tubig sa katawan ko. Senyales na palalim na.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...