Chapter 96: Flight

456 14 5
                                    

Song for this Chapter: Anyone of us by Gareth Gates.

Must listen while reading this Chapter!

Enjoy reading!

-----------------------------------------------------------

Hoshi's POV

"Hoshi...kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ng mga kaibigan ko sakin nandito kami ngayon sa kwarto. Inaayos ko na ang gamit ko, mamaya kasi flight ko na.

Imbis na sagutin sila, nginitian ko silang lahat. Napadako ang tingin ko kay Geyl na mukhang ayaw din ako paalisin.

"Mamiss ka namin." naiiyak na sabi ni Mikay at niyakap ako nito.

"Wag mo kaming kakalimutan ha!" sigaw sakin ni Sinteya na umiiyak na ngayon.

"Ihahatid pa natin siya sa airport." sabi ni Geyl at bigla na lang umalis.

Mamaya pa nag-asikaso na ako. Nagbabaan sila at iniwan ako mag-isa sa kwarto.

May napansin akong paper bag sa gilid ng Kama ko at nagmamadali ko yung kinuha. Binuksan ko yun at halos kainin na naman ako ng emosyon dahil sa nakita ko.

Kinuha ko ang laman non. Yung Headband na angel at yung sungay.

*Flashback*

"San tayo pupunta?" tanong nito sakin at pumasok ako don sa ponytail shop.

Agad kong dinampot ang headband na may design na Halo, yung pang angel.

Tiniad ko ang paa ko para lang maabot si Pat at sinuot ang headband na yun sa kaniya. Bakas ang pagkailang nito lalo na maraming babae ang namimili sa shop nato.

Nang maisuot ko sa kaniya ang headband Hindi ko mapigilan Hindi matawa.

"Hahaha"

"B..Bakit?" takang tanong niya at tumingin sa human sized mirror at lalo akong natawa sa reaksyon niya. Tinanggal niya shade at pagkakahood niya. Nilibot ko pa ang tingin ko at nakita ang pang rabbit na headband.

"Pat!" tawag ko sa kaniya. Pero Hindi ko inaasahan na lagyan niya rin ako ng headband.

Nagmamadali akong tumingin sa salamin.

>_<

"Bakit naman, itong sungay binigay mo sakin." maktol ko pero tinawanan niya lang ako.

So siya ang angel at ako ang demon?!

>_<

"Bagay kaya sayo" asar niya sakin. Tatanggalin ko na dapat yung headband pero naunahan ako ni Pat. Nagulat ako ng ipagpalit niya yung amin.

Sinuot niya sakin yung may halo na design tapos sa kaniya yung demon style.

Sabay kaming tumingin sa salamin at napatawa sa itsura namin.

"Ma's bagay sakin yung angel" tango-tangong sabi ni Pat.

"Hindi kaya, mas bagay sakin" sabi ko habang inaayos ang pagkakalagay nito sa ulo ko.

*End of flashback*

Namalayan ko na lang lumuluha na ako.

Mahal na mahal ko si Pat.

Sobrang sakit kasi...Wala akong magagawa ayaw niya na sakin.

Hindi ko naman pwedeng pilitin yung tao na mahalin ako.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon