Song for this Chapter: Migraine by Moonstar88
-----------------------------------------------------------
Aligaga si Hoshi sa pagluluto, maingat siya kung kumilos kasi ayaw niya makagawa ng ingay at ayaw niyang magising ang kaibigan niya na si Leslie na nakahiga ngayon sa sala niya.
Hindi siya mapakali kung anong lulutuin o gagawin kasi bukod sa kulang siya kaalaman sa pagluluto. First time niyang magpatulog ng lalaki sa condo niya. Hindi naman na iba sa kaniya si Leslie turing niya dito ay kaibigan. Kinuha niya ang pwedeng lutuin sa ref niya at nagsimulang magluto.
Habang aligaga si Hoshi sa pagluluto. Sa sala nagising si Leslie at agad nitong ininda ang sakit ng ulo at halos mabuhayan siya ng makaamoy siya ng sunog. Nagmamadali itong napabangon at hindi maiwasang tignan ang paligid niya.
"Hindi ito ang bahay ko," bulong nito sa sarili nito. Sapo-sapo nito ang nanakit nitong ulo habang naglalakad papuntang kusina kung saan nangangamoy may nasusunog.
Bumungad sa kaniya si Hoshi na nakaapron na may design na hello kitty. Bakas dito ang pagkalito at kita rin na hindi niya alam ang gagawin niya.
"Pftt..." pigil na tawa ng binata habang pinagmamasdan si Hoshi sa kusina.
"Huhu paano ba ito?" dismayang-dismayang sabi nito. Sa sobrang alala nito sa niluluto nito, ni-hindi niya man lang napansin si Leslie na nasa likuran niya na kanina pa siya pinapanood.
Napansin ni Leslie ang isang apron na nakalagay sa lamesa na may design na spongebob kaya naman kinuha niya yon at pumunta sa dalaga sakto naman ang harap nito at nakita niya ang binata.
"L–Leslie," Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Ako na," pagsuggest ni Leslie na siya magluto pero agad namang tumanggi si Hoshi.
"Hindi...Magpahinga kana muna."
"Okay lang ako,"
"Hindi nilalagnat ka kaya kagabi. Magpahinga kana lang." nag-aalalang sabi ni Hoshi kaya naman umupo na lang si Leslie sa lamesa.
Ilang minuto din ang lumipas at pumunta na si Hoshi sa lamesa dala ang niluto nito na Hotdog, Itlog, tocino at halos lahat ito ay nasunog kaya naman hindi mapigilang mapangiti ni Leslie.
"P–Pasensya na overcook hehe." nahihiyang sabi ni Hoshi.
"It's okay—"
"Magluluto na lang ako ulit,"
"Hindi...Okay na ito sa'kin."
"Sorry hindi ko alam natataranta ako eh kaya ayan nasunog. Nalakasan ko ata ang apoy." nakayuko nitong sabi at nahalata naman ni Leslie na hindi nagustuhan ni hoshi ang ginawa niya, ang kinalabasan ng pagluluto niya.
"Then I'll cook."
0_0 - Hoshi
"Nako hindi pwede. Hindi ka pa nga nakakainom ng gamot baka lalong tumaas lagnat mo." alalang-alala na sabi ni Hoshi.
"Wala akong lagnat Hoshi—"
"No. meron kaya!"
"Look I'm pretty fine. Ganon lang talaga ako pagnasosobrahan sa inom. Nagiinit ang katawan ko na parang nilalagnat ng mataas." paliwanag ni Leslie at si Hoshi tila nagflashback ang nangyari kagabi kung saan kung gaano siya nag-alala kay Leslie dahil akala niya may mataas talaga itong lagnat dahilan kung bakit natulog narin siya sa sala.
"Sure ka?" nagdududa nitong sabi.
"Oo,"
"Mabuti kung ganon." seryosong sabi ni Hoshi.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...