Patrick's POV
Three days ago na, simula ng mangyari ang harapan nila ate Yanna at Hakiro. Well wala naman pinagbago sa bahay, about kay Hakiro, mukha naman siyang masaya, i hope masaya talaga siya at hindi na manumbalik ang trauma niya.
Alam mo iyon narinig at napanood ko lahat nong nangyari nong gabi na iyon. Si Bimo may pakana, kaya alam ko hindi ganon kadali maglet go, lalo na kung mahal mo 'yong tao kaya proud ako kay Hakiro nagawa niya iyon.Kung may natutunan man ako kali Hakiro at ate Yanna ay iyon ang hindi lahat ng pamamaalam malungkot, hindi rin lahat ng pamamaalam masaya.
Love will not always win.
May pag-ibig na dapat ipaglaban pero may pag-ibig rin na dapat sukuan na.
Ang pagmamahal ay talagang nga naman kakambal ang sakit, well base sa naranasan ko with Hoshi at nakita ko kali Hakiro ay talagang Love Hurts.
Hays buhay nga naman...
Kaya nitong mga araw, hinayaan ko magbonding sila Hoshi at si Hakiro. Kailangan nila iyon, tagal na nilang hindi nagkita at nag-usap and maganda bumuo sila ng panibagong alaala.
Sinamahan na rin namin si Hakiro sa doctor niya. For the first time rin, ipinaalam na ni Hakiro sa magulang nila ni Hoshi ang kondisyon niya. Naalala ko pa non, kung gaano kaseryoso ang usapan nila sa hospital kahit sa telepono lang, makikita mo talagang gusto na magbagong buhay ni Hakiro, nagsusumikap siya na malabanan ang sakit niya.
Nag-onsen ulit din kami pero hindi na don sa dating pinagliguan namin. Syempre naman ayoko na ring bumalik doon. This time puno lang ng saya at adventure ang pinagagawa namin. Masasabi kong naging close na kami ni Hakiro, hindi tulad nong unang punta at kita ko sa kaniya. Habang tumatagal nakikita ko, wala silang pinag-kaiba ni Hoshi, napakabait ni Hakiro at workaholic. Maybe sobra ko lang siya na judge dapat talaga kilalanin mo muna ang tao bago magsalita ng tapos.
Sobrang napahanga ako sa mga tao o kapwa pilipino na tinulungan niya para makapagtrabaho rito sa japan.
Idol ko na siya dahil don.
Ayon talagang nagiging okay na lahat, hindi naman kasi biglaan na maging ayos na kaagad ang lahat. Katulad lang ito ng mga sugat na hindi agad mabubura o huhupa. May process pa na kailangan pagdaanan at nasisiguro darating rin ang araw na makakamtam din ni Hakiro ang katahimikan at kasiyahan sa buhay niya. Malalampasan niya ang lahat ng pasakit sa buhay niya.
"Pat, wala ka ng naiwan?" Tanong ni Hoshi sa akin.
"Wala na." Imik ko at sinarado ang maleta ko.
Oo, nakakalungkot man pero kailangan na namin umalis ni Hoshi sa japan. Ang dami ko ring alaala at aral na babaunin. Natutunan ko na kailangan ko pang magsumikap para sa future rin namin ni Hoshi.
Bumaba na kami ni Hoshi, kasabay narin namin sila Hakiro. Hinatid kami nito sa sasakyan sa labas.
"Nandito na sasakyan niyo, magdadala sa inyo sa airport." Malungkot na sabi ni Bimo, madali kaming lumapit sa kaniya ni Hoshi para magpaalam ng ayos.
"Mag-iingat kayo dito Bimo ha, si Kuya pakibantayan yan maigi."
"Opo miss Hoshi makakaasa kayo,"
"Kuya Hakiro! Bibisita ulit ako o gusto mo ikaw naman bumisita sa manila. Promise ipapasyal kita roon! Magsasaya tayo pwede tayo mag boracay, batangas, at pumunta ng park!" As usual si Hoshi na sobrang taas lagi ng energy. Pati Kuya niya hindi malaman kung nanggaling ang pagiging energetic ni Hoshi.
"Nice idea, soon i'll visit Philippines."
"Yehey!"
"Paalam po, sa inyong lahat at maraming salamat po." Paamamalam ko sa lahat. Nagulat ako ng nilapitan ako ni Hakiro, alam mo iyon sobrang seryoso ng mukha nito at...
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...