Chapter 7: Enchanted

907 24 2
                                    


Hoshi's POV

"Nandito na tayo!" sigaw ni Phoebe na umalingaw-ngaw sa paligid.

"Sakay tayo space shuttle." sigaw nila. grabe ang ingay ng mga 'to nakakahiya nakapila pa lang kami para magbayad, para makapasok tapos ganyan na sila ka hyper.

"Nope, Sasakay tayo sa ferris wheel." anyaya ni sinteya agad akong napailing.

"Hoy pwede ba manahimik kayo nakakahiya." saway ko sa kanila. Paano ba naman pinagtitinginan kasi kami ng mga tao dito tapos itong tatlo na ito daig pa nakalunok ng microphone ka-bwiset.

"Hoshi pinagtitinginan nila tayo kasi maganda tayo." pagmamayabang ni mikay

"Baliw ka talaga mikay pinagtitinginan tayo kasi tanghaling tapat naka jacket tayo" paliwanag ni phoebe, nga pala naka jacket kami kasi nga baka may makakilala samin lalo na sa akin dahil sa ginawa ko sa event na 'yon.

"Hays tama na yan tayo na next oh." sabi ko at tinutukoy ko iyong pila.

Ang nagbayad samin si Mikay libre niya kami rich kid this girl eh.

"Tara na whoop!" Nagtatalon na banggit ni mikay

"Anong una nating sasakyan Roller coaster?" sabi ni phoebe. Iniisip ko palang na sasakay kami sa roller coaster nasusuka na ako. Mahina sikmura ko sa mga rides na mabilis.

"Kayo na lang." kabadong imik ko.

"Hindi pwede dapat nilalabanan mo 'yang takot mo." pang-aasar sakin ni Phoebe, eh ayoko talaga.

>_<

"Kaya nga kalimutan mo 'yang takot mo katulad nang paglimot kay sceven opps sorry not sorry." singit ni sinteya at ka-agad nag peace sign sakin.

Tsk.

"Tama na 'yan tara na sumakay sa mga rides." anyaya ni mikay.

Una naming sinakyan ay Bumper car. Muntikan pang mag-away sina Mikay at Sinteya kasi laging binabangga ni Mikay si Sinteya. Ang pangalawa naming sinakyan yung barko, Jusko Ang puso ko parang malalaglag na tapos parang masusuka ako kaya 'yong tatlo haping-happy kasi yung itsura ko nakikita nilang takot na takot. Halos lahat ng ride nasakyan namin pati carousel yung mga pambatang rides sinakyan namin tapos yung ferris wheel hindi ko kinayanan nahilo ako.

"Mag 5 pm pa palang pero parang nasakyan na nating lahat ang rides." dumating kami magaalastres ng hapon, sakit na nang paa ko buti na lang walang masyadong tao.

"Ang sakit na ng paa ko wala bang upuan dito?" pagmamaktol ni Sinteya.

"Kaya nga tapos ang init pa." reklamo ni Mikay. Paano bang hindi iinit naka jacket kami tapos ako lang ata naka- taas ang hood para hindi ako makilala.

"Hubarin niyo na kaya jacket niyo." suggestion ko sa kanila, kita ko narin kasi na pawisan na sils kaya lang naman sila nag jacket kasi gusto nila akong damayan.

"Wag na okay na ako dito sa jacket na orange," masayang sinabi ni Sinteya.

"Masaya daw pero kanina nagrereklamo na mainit kagulo mo rin." pang-aasar ni mikay kay Sinteya.

"Pake mo ba?" sigaw ni sinteya.

>_<

Ayan na naman sila.

"Ehem, tama na yan" awat ni phoebe. Buti na lang nandito si Phoebe para magsaway at umawat sa dalawang 'to.

"Oy tingnan mo yun ang gaganda nila"

"Maganda nga mukhang syunga naman!"

"Tara magpapicture."

"Wag na nakakahiya."

Rinig na Rinig namin yung mga usapan ng mga bata grabe ang ganda raw namin.

"Tara sa horror house." pag-yaya ni Phoebe.

Ka-bwiset alam niyang takot ako sa horror house eh.

"Sige." sang-ayon ni sinteya.

Pati ba naman si Sinteya gusto sa horror house.

"Game ako diyan," hays pati si mikay.

"Pass ako." pag-ayaw ko. Swertihan na ako nga ako na nakasurvive ako sa mga ilang rides tapos ngayon mag-horror house kami? It's a no!

Ayaw ko nga baka himatayin ako sa loob. Tulad ng dati 'yong isa kong sapatos ko naiwan sa loob nakakahiya. Bumili pa ako ulit ng bago dahil hindi na kami bumalik sa horror house.

"Sama kana please." pagmamaka-awa ni phoebe.

"Kj naman, isa pa ikaw kaya nagyaya samin dito." pagpaparinig sakin ni mikay.

Okay minsan lang naman 'to.

>_<

"Sige na nga." sure na sabi ko, bahala na si batman, si Superman at si wonder woman.

"Yehey Tara na." exited na sabi ng tatlo.

Nagmadali kaming tumakbo papuntang horror house.

Ang creepy 'nong lugar, malamang horror house.

"Wow kunti lang nakapila tara pila na tayo." anyaya ni phoebe na nangunguna na sa amin.

"Ahh!" rinig kong sigawan sa loob.  Gusto ko nang mag-backout, kaso yung tatlo wala lang ang saya-saya nila samantalang ako naiiyak na sa kaba at takot.

"Omg! tayo na!" sigaw ni Sinteya na halatang exited na exited.

"Walang TAYO, ikaw at ako lang!" pagpapaliwanag ni mikay

"Hep! tara na sa loob," exited na sinabi ni phoebe.

"Oh last na kayo dito sa horror house enjoy." sabi ni kuya 'yong nagbabantay sa Horror house.

Sama-Sama kaming apat na pumasok sa loob.

"Wha!" natatakot sigaw ko kasi sobrang dilim sa loob tanging pulang ilaw lang naaninang ko.

"Ahh!" sigaw naming apat andaming nanggugulat tapos ang creepy pa nang tunog.

Nagsisisi na ako, ayoko na! gusto ko ng lumabas.

"Wha takbo!" sigaw ni Phoebe at nagtatakbo palayo sa amin, naiwan tuloy kaming tatlo.

"Wha!" Sigaw ni Sinteya.

"Ah ayoko na!" sigaw ko.

Nagkaniya-kaniya na kaming takbo. Natatakot na ako, ayoko na!

"Ahh"

"Whaa mama!"

"Ahh!"

Halos puro sigaw na lang naririnig ko. Hindi ko na kaya naiiyak na ako, Ayaw ko na.

"Sinteya!" sigaw ko lalo na napagtanto ko nagiisa na lang ako. Iwan ba naman ako?!

"Ayaw ko na!" sigaw ko habang tumatakbo hindi ko alam pero parang pa ikot-ikot lang ako asan ba 'yong labasan dito?

"Tulong! Ayaw ko na please!" sigaw ko, ayaw ko na talaga pakiramdam ko nasusuka na ako. Asan na sila phoebe, sinteya at mikay? iniwan na nila ako.

Nawala bigla yung takot ko ng biglang may yumakap sakin.

0_0

"Don't worry miss, everything will be alright." sabi ng isang lalaki. Tuluyan akong nanlamig sa takot. S–Sino to?

No! I'm not ok!

---------------------------------------------------------------------------------------------

To be continue, Vote and Comment ❤

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon