Chapter 63: Picture

430 8 0
                                    


Phoebe's POV

"Hingang malalim, Kaya mo ito Phoebe." bulong ko sa sarili nandito ako sa harap ng pintuan ni Dio. Hindi naman nagkakalayo ang condo naming dalawa.

Bwiset kasi si Hannah. Dahan-dahan akong kumatok at abot-abot ang kaba ko ng bumukas agad ito. Bumungad lang naman sakin ang Topless na si Dio.

"S–Sorry," sabi ko at agad na tumalikod dahil sa hiya, narinig ko na sumara ang pinto at bumukas ulit yon.

"Pasensya na, pwede ka ng humarap." Nahihiya niya ring sabi at ako naman humarap na sa kaniya.

Salamat naman nakasuot na siya ng damit.

"A–Anong pakay mo? bakit ka nandito?" tanong niya at ako naman napalunok ng tatlong beses agad.

Sana gumana ang palusot ko.

"H–Hihingi sana ako ng ulam." mahinang sabi ko at tama ang hinala ko tatawanan ako ni Dio.

"Pftt HAHA seryoso ka?"

Kung wala lang akong kailangan sayo, malamang iniwan ko na itong Dio na'to.

"Oo nagugutom kasi ako," sakay ko sa trip ko.

Wah! nakakahiya! pakiramdam ko namumula ang mukha ko.

"Well tamang-tama nagluluto ako, hintayin mo ako dito—" isasara niya sana yung pinto kaya pinigilan ko siya.

"Hindi mo ako papa-pasukin?" seryoso na sabi ko at halos manlaki ang mata niya.

"Ano?"

"Hahayaan mo talaga akong maghintay dito sa labas?" nagpout pa ako para lang papasukin niya na ako.

"Hindi sa ganon—" sabi niya at sabay kamot sa batok. Ang cute niya sa part na yon.

"Bakit may tinatago kaba?" asar ko kay Dio.

'Pasensya kana Dio, may kailangan lang talaga akong kunin sa loob ng condo mo.' saisip-isip ko.

"Tinatago? wala."

"Wala naman pala eh."

"Pumasok kana nga," naiinis na sabi niya at pinapasok ako sa condo niya.

0_0

Ang laki naman. Kulay black lahat ng gamit. Parang kay hoshi na condo. Nasa baba ang kitchen at nasa itaas ang kwarto.

"Black lover ka pala." pagbukas ko ng conversation.

"Ahh oo," hiyang-hiya na sabi niya.

Umupo ako sa may sala at napukaw ang atensyon ko sa dalawang dumbbell na color black din.

Napatingin ako sa kaniya. Paano ba to? paano ko papaalisin tong si Dio? mahihirapan ako dahil kailangan ko pang umakyat sa kwarto niya.

"Dio nagugutom ako may pagkain kaba Jan?" pag-aarte ko.

"Oo naman, titignan ko kung luto na yung niluluto ko—"

"Kuha mo na rin ako tubig yong malamig na malamig na tubig. Salamat." nakangiting sabi ko. Napabuntong hininga na lang siya.

"Okay," naglakad na siya papuntang kusina kaya naman ako dahan-dahan naglakad papuntang itaas.

Gosh sana naman makita ko kaagad ang pinapakuha ni Hannah sa'kin para naman makaalis na ako dito.

Nakarating agad ako sa kwarto, gaya ng design sa baba, puro black din dito. Mapa kama, cabinet, lamp at marami pa. Agad akong pumunta sa cabinet. Una kong binuksan yung malaking cabinet.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon