Phoebe's POV"Ano na teh? tulala ka na jan." imik ni Hannah sakin, umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagmasdan ang glass wall kung saan sa labas maraming sasakyan nadaan.
"Ay ang drama naman." pagpaparinig nito sakin kaya nilingon ko siya.
"Marami lang akong problema bakla." pilit na ngiting sabi ko sa kaniya.
"Kaloka to! makabakla wagas. Anakan kita Jan eh!"
"Nako ayan nga problema ko yung isa kong kaibigan nabuntis tapos may isa pa akong kaibigan na naguguluhan kung sino pipiliin niya yung past ba or yung present."
"Ay Sana all may pagpipilian ako kasi loyal kay papa Dio."
Bakla talaga.
"Pero yung isa, hindi basta-basta yun, usapang juntis yun. Sino ba daw ang ama? gwapo ba?"
"Hay nako bakla ka, wala kang matulong kaya quite ka na lang."
"Sinong buntis?"
Napalingon sa nagtanong si Dio na kakagaling workout dahil sobrang pawisan ito.
"Ako papa este boss dio."
Napatampal ako sa noo ko. Kahit kailan itong si Hannah.
"Ha?" takang tanong ni Dio sa pinagsasabi ni Hannah.
"Hakdog!"
"Tangina."
"Boss joke lang, makamura naman to."
Kung siguro wala akong isipin tinawanan ko na sila. Nilingon ako ni Dio.
"Sino yung buntis?"
May pagkachismoso din pala to. Tsk.
Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Hannah."Yung prenny niya na juntis."
"Ah..ganun ba." tangong-tango na sabi nito.
"Kaya ba nanghingi ka ng day-off?" agad ako tumango sa tanong niya.
"Kailangan kong bantayan yung kaibigan ko, maselan ang pagbubuntis ngayon pa lang. Nahihirapan na ako."
"Then, pwede mo siyang dalhin dito."
0_0
"At bakit naman?"
"Maganda sa mga buntis ang pagwo-workout."
"Nako wag na makunan pa yun."
"Believe me Phoebe, hindi ka ata nanonood sa mga YouTube about pregnant woman na nagyoyoga."
"Tsk wag na."
"Gusto mo ako pupunta sa bahay niyo."
"Hindi na boss Dio."
"Samin boss free na free kayo pumunta sa bahay namin." singit ni Hannah.
"Bakit buntis kaba?" sarkastikong sabi ni Dio.
"Nako matagal na boss, Ten months na nga sa tiyan ko eh."
Sira-ulo talaga tong si Hannah. Eh nine months lang naman ang pagbubuntis.
"Baliw." iritang sabi ni Dio. Bago tuluyang pumunta sa opisina niya.
Maya-maya lang umuwi na ako sa condo ni Hoshi pero bago ako umuwi namalengke muna ako, walang ng stock sa ref. Nakauwi ako maggagabi na.
"Hoshi! Mikay!" tawag ko sa kanila. Pero nagtaka ako kasi walang sumagot ni-isa sa kanila. Kinabahan tuloy ako. Nako nasaan kaya ang dalawang yun?
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...