*Share* Ginawa ko tong chapter habang nakikinig sa mga kantang to:
Best part by H.E.R
I'm in Love by Ra d (Sobrang ganda ng kantang ito, sarap mainlove agad hahaha)
If I have a lover by Yongseo (English or Korean version)
Ito pa isa pang magandang kanta.
Attracted Woman by Monsta X kihyun and Monsta X Jooheon (Ost of kdrama Orange marmalade)
Pag natapos ang story na to. Ililista ko lahat ng song na ginamit ko. Tapos ilalagay ko din lyrics ^_^
-----------------------------------------------------------
Hoshi's POV
"A–Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko. Paano ba naman kasi nandito ala una na pasado tapos nandito sa harapan ko si Pat.
"Sabi ko sayo babawi ako diba?" nakangiting sabi niya.
Hala siya anong oras na kaya.
"Pwede mo ba akong samahan kumain?"
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi pa siya nakain?!
"Wait lang," sabi ko at nagmamadaling kumuha ng jacket.
Kawawa naman si Pat. Madaling araw na hindi pa siya nakain?! ganon ba talaga siya ka busy. Bat parang nagi-guilty ko? huhu.
"Tara," yaya ko. Hindi na ako nagpalit ng pajama baka kasi gutom na gutom na si Pat.
Pumunta na kami ng elevator. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil ang tahimik ni Pat.
"Naalala mo ba yung unang punta ko sa condo mo?"
Automatikong napatingin ako sa kaniya. Biglang nag-init ang mukha ko.
Wah! bakit kailangan niya pang ipaalala!
"Naka pajama ka rin non." natatawa niyang sabi at galit ko siyang tinignan.
"Ikaw kasi! nagmamadali ka non! Hindi tuloy ako nakapagbihis!" iritang sabi ko.
"Bakit ngayon? hindi naman ako nagmamadali pero nakapajama ka parin." asar niya sa'kin. Umiwas ako ng tingin.
Nandito ba siya para asarin ako?!
"Eh kasi..." panimula ko magsalita pero natigilan din ako ng makita ang masaya niyang mukha at kumikinang na mata.
Wah! anong nangyayari sa'kin?!
"Eh kasi ano?"
Napalunok ako sa bago magsalita.
'Eh kasi mas maganda ang ayos ko kanina kaso hindi ka dumating.' sa isip-isip ko.
"Wala." nakangiting sabi ko at gulat ako ng guluhin niya ang buhok ko at agad ko siyang pinigilan. Gawin ba naman akong aso?!
"Hindi ako aso!" reklamo ko.
"Hindi ba?" natatawa niyang tanong.
Lakas ng trip nito. Magsasalita sana ako kaso bumukas yung elevator at nauna siyang maglakad. Doon ko napansin na naka jeans siya at jacket din. Mukhang kagagaling niya lang sa shoot.
"Uy!" tawag niya sa'kin at nagmamadali akong pumunta sa tabi niya. Naga-alala ako baka dapat ngayon nagpapahinga siya. Hindi ko maiwasan maguilty.
"May problema ba?" tanong niya.
"Wala naman,"
Akmang guguluhin niya ang buhok ko pero nakaiwas ako. Ni-walang katao-tao dito sa baba ng building pati sa labas puro poste lang ng ilaw makikita. Nagsimula kami maglakad sa labas.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...