Chapter 53: Pain

545 14 2
                                    


Hoshi's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang kwarto kung saan natutulog sa tabi ko si Marjorie at magkatabi naman si Nicole at Lorie.

Nagflashback sa isip ko ang nangyari kagabi. Nauna nga pala akong matulog kali Lorie tapos sila mukhang naglaro pa nong shot game. Dahan-dahan akong bumangon sa higaan para hindi magising si Marjorie. Kinuha ko ang phone ko at gulat ng makita ang oras.

'5:30 am palang?!' sa isip-isip ko.

"Ito na ata ang pinaka-maagang gising ko," bulong ko sa sarili ko at dali-dali pumunta sa banyo para toothbrush.

Kinuha ko toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste at nagsipilyo. Halos mapasigaw ako ng makita si Pat sa salamin.

"Kung hindi ko gagawin yon, maa-agaw ka ni Sceven."

"Maagaw ka ni Sceven sa'kin."

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko na para bang nakakita ng multo. Pinikit ko ang mata ko sa kaba at dahan-dahan minulat ang mata ko at nakita na mag-isa lang ako sa C.R

Wah! I'm sure na nakita ko si Pat! Wah! Kinalaki ko ng mata ng makita kung gaano kapula ang mukha ko at daig ko pa nagblush-on ngayon.

Wah anong nangyayari sa'kin?! nagmamadali akong magmumug at umalis sa kwarto.

Wala sa tinong naglakad ako. Ni-hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ang gusto ko lang makalayo sa banyo o sa kwartong yon.

Napahawak ako sa mukha ko at ramdam na ramdam ko ang init non, senyales na namumula parin ang mukha ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?!

0_0

Wag mong sabihin dahil kay Pat?!
Nalintikan na!

"Lintik na pag-ibig parang kidlat puso kong tahimik na naghihintay bigla mong ginulat." Napalingon sa lalaking kumakanta non at nakita ang gwardya na may buhat-buhat na kahon at nasayaw pa. Tinakpan ko kaagad ang dalawa kong tenga at nagmamadaling umalis sa lugar na yon.

Shocks dapat nanghingi ako ng mapa sa resort na ito. Para naman makapag-gala ako ng Hindi nag-aalala.

"Hoshi, wala lang yon, wala kang nararamdaman sa abno na yon at tsaka number one enemy mo yon, tama." pagkausap ko sa sarili ko.

Kahit ngayon araw lang ayokong makita si Pat. Ayokong mapahiya sa harap niya panigurado aasarin ako non.

"Hoshi!" napahinto ako sa paglakad. Wah! kasasabi ko lang ayoko siyang makita eh. Dahan-dahan akong lumingon sa taong tumawag sa'kin.

0_0

Si Pat..

"Hoshi!" sigaw niya sa di kalayuan.

I'm doomed. Hindi ko siya pinansin at nagmamadali akong tumakbo para iwasan siya.

Not now Pat. Sana kasi aware siya sa pinagsasabi niya eh. Para naman hindi lang ako ang mukhang baliw dito.





Patrick's POV

Siguro mga dalawang oras lang tinulog ko. Magmula kagabi hindi ako makatulog. Laging sumasagi sa isip ko ang lahat ng reaction ni Hoshi sa mga sinasabi ko at—I find it cute. Siya na yata yong babaeng pinakacute na nakilala ko lalo na pag nasigaw, madaldal at pag nakangiti siya, pati ako hindi ko maiwasan mapangiti at madamay sa mga tawa niya.

Nandito ako sa diner at napiling magkape. Nagulat ako ng may umupo sa harapan ko.

"Good morning sayo Pat," bati ni manager formaran.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon