Chapter 39: Flight

533 18 0
                                    


Patrick's POV

Nilagay ko na ang maleta ko sa likod ng kotse. This is the Day, pupunta na kami ng palawan para sa gaganapin na GT.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si hoshi. Pinaliwanag ko na sa kaniya ang lahat at sinabi ko din na magdala ng maraming damit dahil baka abutin kami ng ilang weeks don.  Bukod kasi sa GT, magbabakasyon din kami, time for relaxing. Buti na lang may passport na siya kaya hindi na kami nahirapan.

*Dial hoshi...

"Hello pat, napatawag ka."

"Susunduin kita," diretsong sabi ko at pinaandar ang kotse ko.

"Ha? Hindi na ako na lang pupunta—"

"No, I insist." sabi ko at napatahimik siya.

"Sige, hintayin na lang kita dito sa parking lot."

"Okay, papunta na ako jan, bye." binaba ko na agad ang tawag. Hanggang ngayon hindi parin ako mapanatag kasi naman alam kong may nagma-manman sa'kin, sa amin.

Nakarating agad ako sa parking lot ng building ni hoshi at nakita ko din siya. Nakasuot ng jacket na pink at paldang maong. Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kaniya.

"Ang bilis mo naman." Hindi makapaniwalang sabi niya at napatawa na lang ako. Tinignan ko din ang paligid, nagbabakasali na makita ko ulit ang nagma-manman sa amin.

"May hinahanap ka?" tanong niya. Nakalimutan ko na sa harapan ko pala si hoshi.

"Wala, Tara na." Sabi ko at kinuha ang maleta niya pero laking gulat ko ng hinila niya yon.

"Ako na!" sigaw niya.

"No, ako na." sabay hila ko din sa din sa maleta niya.

"Ako na, kaya ko naman." agaw niya ulit ng maleta niya.

>_<

"Sabing ako na!" sigaw ko at inagaw ang maleta pero hindi ko alam ang ire-react ko ng kamay niya ang nahawakan ko imbis na maleta. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at hindi ko mabasa ang reaction niya. Nahihiya na kinikilig? agad niyang tinanggal ang kamay niya sa akin.

"S—Sige i—ikaw na!" sigaw niya at naunang maglakad. Napatawa na lang ako sa nangyari.

Nakakamiss din pala yung una naming pagkikita. 'Yong tipong nagsisigawan kami at hindi magkasundo. Naalala ko ang sinabi ko noon sa kaniya.

"And One more thing... You will never be my Girlfriend."

At tignan mo ngayon ang nangyari.
Sabi nga nila wag magsasalita ng tapos. Akalain mo dadating kami sa punto na ganto. Natatawa at napapailing na lang ako sa naiisip ko.

"Hoy! Jan ka na lang ba?!" sigaw niya at nahihiyang tumingin sa'kin.

"Papunta na!" sigaw ko pabalik at nagmamadaling pumunta sa kotse at umalis.

Hindi ko maiwasan na tignan siya sa mirror na nasa harap ko. katabi ko siya pero ayoko namang isipin niya na tinitignan ko siya.

T—Tulog siya?

Napatingin ako sa watch ko at nakita na 3 pm na ang flight namin ay 4:30pm. Sakto naman napatigil sa ako dahil sa traffic. Tinignan ko tuloy si hoshi baka nagising pero ayon tulog pa rin. Hininaan ko ang lamig ng aircon sa tapat niya baka kasi lamigin siya.

Ngayon ko lang napagmasadan ng maigi ang itsura niya. Hindi naman siya ganon kaganda, tama lang. Tama siya hindi siya maganda dahil cute siya. Halatang may lahi siyang hapon. Nagulat ako ng dahan-dahan niyang minulat ang mata niya kaya agad ako umiwas ng tingin at nag focus sa pagdra-drive.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon