Hoshi's POV
Nagising akong may ngiti sa mukha. Hanggang ngayon Hindi ko parin maalis sa isipan yung nangyari kagabi. Lahat ng sinabi ni pat paulit-ulit sa utak ko.
Napahawak ako sa puso ko.
"Wah! grabe ang lakas ng tibok ng puso ko." bulong ko sa sarili ko. Nagmamadali akong pumunta ng banyo at nagtoothbrush.
Napaisip tuloy ako. Trip lang ba ako ni pat?
Agad akong napailing.
Imposible. Kagabi. Halos mailang ako kasi sobrang seryoso niya at yong mga tingin niya.....
*Flashback*
"Minsan maaga ako makatulog, pero ngayon...Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog." sagot ko sa tanong ni Pat. Kung lagi ba daw ako puyat.
"Ganon ba?"
"Oo, Teka nga lang ba't ba tanong ka ng tanong sa'kin?" reklamo ko.
Kanina ko pa siya napapansin. Tanong ng tanong tungkol sa'kin. Nagmamadali akong maglakad para mapunta sa unahan niya. Naglakad ako patalikod, kumbaga paatras ako ako naglakad para makita ko ang mukha at reaction niya.
"Baka matumba ka," nagaalala niyang sabi at natawa lang ako.
"Hindi no, ginagawa ko to lalo na pagkausap ang mga kaibigan ko." pagmamalaki ko. Patuloy parin kami sa paglakad.
"Ikaw, lagi bang busy schedule mo? lagi ka bang gabi umuuwi?" curious na tanong ko at agad akong napatakip sa bunganga ko. Agad naman sumilay ang ngiti sa mukha niya.
Dug.Dug.Dug.
Lalo siyang gumagwapo pagnakangiti siya. Hindi ko mapigilan sarili ko na titigan siya.
"Minsan, kadalasan gabi talaga ang shoot, sa umaga recording at pictorial." paliwanag niya.
Grabe ganon pala siya kabusy. Laking gulat ko na lang na may bato akong naapakan na dahilan ng pagka- outbalance ko pero bago pa man ako malaglag nahawakan na ako ni Pat sa magkabilang balikat.
Dug.Dug.Dug.
Kapwa kami nagkatitigan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halo-halong kaba at saya ang nararamdaman ko. Ang lapit namin sa isat-isa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang pagtitig din sa kaniya.
"Bakit ba...Ikaw...Hoshi...Gusto ko malaman lahat sayo, lahat lahat sayo."
'Bakit ba...Ikaw...Hoshi...Gusto ko malaman lahat sayo, lahat lahat sayo.'
'Bakit ba...Ikaw...Hoshi...Gusto ko malaman lahat sayo, lahat lahat sayo.'
'Bakit ba...Ikaw...Hoshi...Gusto ko malaman lahat sayo, lahat lahat sayo.'
Paulit-ulit yan sa utak at hindi ko alam ang sasabihin ko. Pinangungunahan ako ng kaba. Walang sabi sabi nagmamadali akong tumakbo palayo sa kaniya.
Don ko lang narealize, Nasa tapat na pala kami ng building ko. Napahinto din ako sa pagtakbo.
Wah! Nakakahiya ayokong makita siya at nagiinit ang mukha ko. Bakit ba may palinya pa siyang ganon. Magkakasakit ata ako sa puso, kanina pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Huminga akong malalim at hinarap siya.
"M–Mauna na ako, Goodnight! I mean, Good morning?" naguguluhan na sabi ko. Naguguluhan na din ako sa sarili ko.
"Hoshi!"
"Ano?" sigaw ko dahil malayo kami sa isat-isa.
"Thank you, Goodbye and See you again!"
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...