Chapter55

14.5K 171 5
                                    

    Kylie’s POV

Ilang araw nalang ba?Ilang araw nalang para matapos ‘to?

Haaaay! Sobrang miss na miss ko na si Kristoffer. Hindi na talaga sya nagpapakita. Nakakalungkot. Mas gusto ko pa yung noon. Yung hindi nya ko tinatantanan.

“Lutang ka nanaman babe. Kanina pa ko kwento ng kwento ha? Tss.” Parang naiinis na sabi ni Christian. Isa pa ‘to.Hanggang kelan pa ba sya magiging ganito sakin?Hindi ba nya sasabihin sakin yung totoo?

“A-ah!S-sorry.”

“Palagi ka nalang ganyan! Pag kasama kita feeling ko wala naman dito yung isip mo! Sino bang iniisip mo ha?” nakakunot noo sya at halatang hindi na nagugustuhan yung ginagawa ko.

“W-wala. M-masakit lang yung ulo ko. Would you mind if umuwi nalang tayo after this?” inaayosna kasi namin yung mga kailangan ayusin para makagraduate na kami.

Bumugtong-hininga sya at umiling. “bahala ka!” pumasok sya sa faculty at kinausap na namin yung mga teacher namin para sa clearance.

Halata sa mga kilos na wala na sya sa mood na kausapin ako ng matino. Gusto ko sanang itanong sakanya kung pwede na ba kong bumalik sa dati kaso..natatakotako.

Ang tanga tanga ko naman kasi masyado. Badtrip!

“Hahatid na kita.” Nauna syang maglakad sakin palabas.Ang lamig ah?Ganun nalang ba yun?

Wala akong balak tumanggi dahil baka sa masabi ko na yung gusto kong sabihin.

Nung nasa kotse na kami. Walang nagsasalita.Walang umiimik.

Nakakabinggi.

“Kylie..kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na.” he broke the ice.

Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko na ba?Agad-agad? O kailangan ko munang palipasin?

“Christian..” masasabi ko ba? Parang di ko kaya. “Christian, kasi..” go sabihin mo na Kylie, please! “Kasi..meron akong nararamdamang..”hindi ko matuloy. Pano kung masaktan ko sya?

Jay! Sana nandito ka. “Ano kasi..”

“Kylie! wag mo kong iiwan.” Napakagat ako sa labi ko nung sinabi nya yun. Pano nalang ako makikipaghiwalay ng maayos kung ganito? “Please Kylie.”

Hininto nya yung sasakyan at tiningnan ako diretso samata. “Kylie, ikaw lang nagpapasaya sakin. Hindi ko naman sinasabing ikaw yung buhay ko pero pag nawala ka sakin parang hindi na ulit ako mabubuhay ng katulad nito.” Yung mga mata nya, mukhang…iiyak na.

Tumingin sya sa taas na para bang pinipigilan yung pag tulo ng luha nya.

“Kylie Please!”

Di ko na napansin na umiiyak na pala ako habang niyayakap sya.

Ang hirap pala.

                                            Jay’s POV

Inaantok nako, buti nalang kasama ko ulit tong si Razelyn. Daldal dito daldal doon.

Nasa mcdo kami kasi sabi nya puntahan ko sya. Masyado nakong mabait no?Para nakong mga alila ng mga ‘to.-__- palagi nalang ako.

“Lawrence, may gusto ka parin kay Kylie?” out of the blue na tanong nya habang kumakain ng fries.

Nakakunot ang noo kong tumingin sakanya. “Sinasabi mo dyan?”Kilala  nyo pa ba ‘to? Sya yung gusto ko dati. Sya rinyung may kasalanan kung bakit may nagawa ako kay Anne noon. Sya rin yung may kasalanan kung bakit nawala yung konting ala-ala NOON ni Anne.

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon