Chapter56

15.9K 179 2
                                    

       Kristoffer’s POV

Ayos. Pakiramdam ko makakagraduate ako ng dahil sa sarili ko. Masaya ko dahil dun. Bukas na yung graduation at inaayos na nila yung school. Kami naman eto, nakapila para sa picture pang annual. Graduation picture.

Nagpipicture-picture narin yung mga babae, remembrance daw. Err! Bukas pa kaya. Excited lang mga dude.

Tss! Pagkatapos ko..okay na! free na ko. wala nakong ibang gagawin kundi tumanga.

Lul! Ayokong tumanga dun. Kaya nauna nako sa mga tropa ko. Nagpaalam naman ako syempre!

Pumunta lang ako sa park para magmuni-muni. Naupo ako sa isang bench dun at kinuha yung cellphone ko.

Nagtext na pala.

| Uy moks! Tapos ka na? | galing yan sa babaeng iyakin.

Napangiti lang ako at tinawagan sya.

Isang ring palang sinagot na.

“Bilis ah?” puna ko.

“Tss! E hawak ko kaya yung cellphone ko. Moks ka talaga!” sabi nya.[Moks – mokong]Mokong daw ako. -__-

“Sabihin mo..kanina mo pa hinihintay yung tawag ko.” Napangisi ako dun. Kung nandito yan siguradong bukol ang aabutin ko.

“Ewan ko sayo. Feelingero ka masyado! San ka? Sunduin mo ko.” Ba, makautos ah.

“Ano ka prinsesa?Nasan kaba?”

“Kahit hindi ako prinsesa, susunduin at susunduin mo parin ako moks!Hahaha.”

“Yuck! Mukhang baliw yung tawa.” Natawa rin sya.

“Nandito ko sa labas ng school nyo.” Napataas yung kilay ko.

“Bakit ka nanjan?”

“Wala..mag-isa lang ako kanina eh! Di ko alam kung san ako pupunta kaya ayan! Dito ko napunta.” Sagot nya.

Pagkatapos nyang sabihin yun, pumunta na kagad ako sa gate.

Nakita ko syang nakangisi sakin.

“Namiss mo kagad ako?” bungad ko kaya ang resulta! Ayan, kutos.

“Sakit ha!” =__= “Tara pasok ka muna.”

“Bahay mo lang ‘to dre?”

“Open gate ngayon kaya wag kang mag-alala. Papaalam lang ako dun sa anim. Samahan mo ko!” hindi pa sya nagsasalita..naglakad nako.

Susunod yan panigurado..ayaw nyang nag-aantay eh.

Papasok palang kami, marami ng nakatingin. Teka! Parang alam ko na ‘to? Nangyare na rin to kay Kylie eh.

Nakatingin sila ng masama kay Mae.

“Wag mong pansinin.” Bulong ko.

“P-pero..bakit ganito? Nakakatakot eh!”>__<

Natawa lang ako at hindi sya pinansin.

Napanganga yung mga kaklase ko nung pinasok ko sa room si Mae. Parang tanga lang e no?

“Dude! Girlfriend mo?” tinalasan ko kagad yung tingin dun sa chismosong kala mo kaclose ko. Nagpatuloy lang ako paglalakad.

Nung Makita ko si Ram. Papalit-palit yung tingin nya samin ni Mae, ganun din si Larra at yung iba.

Kinuha ko yung bag ko.

“Ano?” puna ko sakanila.

Makatingin kasi eh.

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon