Kristoffer’s POV
Ano?
Nagpapatawa ba sya?
Lumayo sakanya? Ahh! Oo.. nakakain yun diba?
“Lumayo kana. Please.” Malungkot na sabi nya. bagsak balikat akong napahiwalay sakanya.
Seryoso, feeling ko namatay nako.
“Kristoffer kasi..”
“Kasi iba na talagang mahal mo. Ayaw mo na sakin. Ha, napapagod ka na siguro sakin sa kakasunod ko sayo?” okay. Sobrang galing nyang magpaiyak.
“Hindi s..”
“Noon hindi ako tumutigil kasi wala ka pa naman sinasabing tigilan kita, gusto kitang bumalik. Pero wala na siguro talagang pag-asa no?” pinunasan ko yung papabagsak kong luha bago pa nya malamang naiiyak nako.
Lumayo ako sakanya habang umiiling.
“Okay lang.. ha, okay lang. siguro hindi na talaga ako yung mahal mo no?” tangna! Sakit tanggapin.
Umiiyak narin sya.
“Ayoko sa lahat yung nahihirapan ka eh!” napayuko na ako at hindi ako makatingin sakanya. “Sige! Yun lang ba yung gusto mo,Lumayo ako? Baka naman gusto mo narin akong hindi Makita?” pinilit kong matawa. “Gagawin ko yun para sayo, pangako.”
Lumapit sya sakin pero nagstep-backward ako. “Wag ka ng lumapit Kylie. Simula ngayon dahil lalayo na talaga ako. Mahal kita eh.”
Pinilit kong tumingin sa mga mata nya. umiiyak sya.
“Hindi narin ako maghihintay.” Ngumiti ako saka tumalikod sakanya. “Mag-mag-iingat ka palagi ha? Sana maging masaya ka na.” pinunasan ko muna yung luha ko tapos itinaas yung isang kamay ko para kahit nakatalikod ako, alam nyang aalis nako.
Aalis nako.. at hindi nako babalik sakanya.
Wala akong gana sa lahat pero kailangan kong tapusin lahat ng kailangan kong gawin. Pumapasok ako palagi at ginagawa lahat. Hindi ako pwedeng bumagsak. Mag-aaral ako para sa sarili ko. Malapit na ang graduation namin at kailangan kong ipasa yun para makaalis ako ng bansa. Para narin matakasan kung anong nakakasakit sakin.
Tama, binago ko yung sarili ko kahit na para lang sakin. mahina ako sa loob pero malakas parin ako sa pang-labas. Kahit na araw-araw ko syang naiisip, kahit na sya parin ang laman ng puso ko, kailangan ko ng lumayo sakanya.
Maraming nagbago sakin pero hindi ang nararamdaman ko kay Kylie.
Hinding-hindi yun magbabago.
Ilang linggo na ba kong naging ganito?
Hindi nako naging tulad ng dati, ayoko ng gawin ulit sa sarili ko yun dahil sinabi ko na sa sarili kong hindi na ulit ako kailangan maging ganun. Wala na naman akong aasahan kaya wag nalang.
Alam kong maraming nagtataka sa mga nangyayare. Nagtataka sila sa mga nagbago.
Pero wala naman akong magagawa dun. Nirerespeto ko kung anong gusto ni Kylie. Mahal ko sya eh, sobra. Kaso pinipigilan ko na.
“Kuya!” kumatok ng dalawang beses si Danna bago pumasok sa kwarto ko.
Nakatakip ang mga mata ko ng braso ko dahil nakahiga ako at kakatapos ko lang magpakabusy. Ayan tuloy, naiisip ko na naman si Kylie.
Tumabi sakin si Danna. “Sama ka? Labas tayo! Kasama lahat ng barkada.” Napatingin ako sakanya.
“Sinong kasama?”
BINABASA MO ANG
In a relationship with a Gangster (Completed)
RomanceIniba ko na yung title. :D Accidentally Inlove With Him itetch. ♥ Corny 'to kasi eto yung pinaka-unang nasulat ko , okay?