Chapter48.2

14.2K 200 7
                                    

                  Danna’s POV

Nandito kami ni Carl ngayon sa isang eskinita, malapit kila ate Kylie. Nakatago at naghihintay.

Sa totoo lang. Wala akong alam at walang maisip gawin. Nakikita ko sa di kalayuan si Ate Kylie kasama ang iba.

Datirati, sila ni Kuya Toffer yung sinusundan ko. Dahil nakikita ko yung mga ngiti ni Kuya. Datirati yung masayang mukha ni Ate Kylie ay kay Kuya ko lang nakikita. Datirati si Kuya ang masayang ngumingiti kasama si Ate Kylie.

Masakit.

Ako palang nasasaktan na! Pano pa kaya si Kuya?!

“Danna! Ano bang gusto mong gawin natin?” tanong ni Carl na nakatingin lang sakin.

“Ewan ko. Hindi ko alam!”

“Bakit ka pa nagd-drama kung wala ka naman palang alam gawin?!” =___=”

“Carl! Manahimik ka kung ayaw mong.. ARGH!”

Wala talaga kong maisip gawin, lalo na pagnakikita ko yung ngiti ni Ate Kylie! Masayang-masaya sya! Nasa may labas sila ng kotse ng kasama nya. May dala silang rabbit at nag-uusap sila ng kung ano. Hindi ko man naririnig yung pinag-uusapan nila. Halata m okay Ate Kylie na masaya sya sa sinasabi nung kasama nya.

Kuya.. Sigurado akong gusto ka ding maalala ni Ate Kylie.

Parang may sariling utak yung mga paa ko. Tumatakbo ako papalapit sa dalawang kanina ko pa tinitingnan sa malayo.

Ilang hakbang papalapit sakanila, napansin na nila yung presensya ko.

Kailangan kong makausap si Ate Kylie.

Huminto ako sa harap nila at huminga ng malalim bago nagsalita. “Ate Kylie.” Ang hirap ng ganito. Parang kahit nasa harap ako ng pinakaclose kong babae, parang napakahirap kumilos.

“Ah! Hello?” ngumiti sya sakin atsaka dumikit sa kasama nya. “Ikaw yung kasama nung..."

"Oo, ako yung kasama nung BOYF----mmmm" taragis! anong problema nitong si Carl?!

"Bestfriend mo sya." pigil ni Carl habang pinandidilatan ako. Ano ba 'to? gaguhan? bakit nya ko pinipigilan?

"A..teka! Wag muna kayong aalis. May sasabihin lang ako sakanya." hinila ako ni Carl sa gilid. Parang tanga lang e!

"Ano ba! bakit o ba ko pinipigilan?" galit na sabi ko.

Binatukan naman nya ko. "Aray! ano ba! baliw kaba? kelan mo pa natutunang ganyanin ako?"

"Ano kaba! sa tingin mo ba kung sasabihin mo yan, lalapit ulit sya sayo? Alam kong alam mong nilalason ng lalaking yan yung utak ni Kylie!"

Mukhang nagegets ko na. "Sinasamantala nya yung kahinaan ni Kylie. Sinasamantala nya yung pagkawala ng ala-ala ni Kylie."

"Alam mo..may utak ka pala?"

=_____= "Kung sasabihin mong bestfriend mo sya. Magtitiwala sayo yang mokong nayan. Pwede mong masamahan si Kylie kung gusto mo. Wag ka lang magsasalita ng tungkol kay Kris pag nandyan yung mokong nayan. Temporary lang yung pagkawala ng ala-ala ni Kylie kaya alam kong maalala nya lahat."

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon