Kristoffer’s POV
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos magsalita nung principal namin. May mga guest speaker pang invited kaya ayun kahit boring kailangan makinig.
Nga pala, astig nung graduation namin kasi gabi.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon..
Kung sana nandito sya, mas masaya.
Nakakatawa lang kasi kahit graduation, eto nant-trip kami ng mga kaklase namin. Huli na ‘to kaya kahit di namin sila kilala.. nakikipagharutan kami.
Para ngang hindi graduation eh.
Magkakatabi kaming pito. Nandito rin si Lester kaso yung girlfriend nya bawal. Mahahalata eh! Haha~!
Nambully lang kami para maging magkakatabi.
Kanta dito, kanta doon. Yung iba ang OoA. Kung makaiyak wagas! Kala mo katapusan na ng mundo pagkatapos.
Pinagtatawanan nga lang naming walo yung mga babae sa harap eh. Nakakatawa kasi yung mga itsura. Tapos, kami rin yung pinaka-malakas tumawa at pumalakpak.
Kahit nga hindi naman kailangan pumalakpak..papalakpak kami.
Grabe! Parang gusto na nga kaming tusukin sa mata nung principal eh.
Kinuha ko yung cellphone ko dahil baka magtext na si Mae.. bukas pa ata graduation nun e? o ngayon? Ewan. Di nako kinausap nung pauwi kami eh.
Tek! Nagtext na pala.
| moks, sasaya ka na siguro. |
Napataas yung kilay ko. Sasaya nako?
Nagreply ako syempre. | Sinasabi mo jan? |
Sasaya ba ko kung wala sakin yung babaeng gusto ko.
“Pre! Sino yan?” tanong ni Jared.
“Chismoso.”
Pinatayo nanaman kami tapos kumanta. Yuck! Kumakanta si John, lakas lakas pa! sintunado naman.
Napatingin ulit ako dun sa dapat upuan ni Kylie ngayon.
Siguro kung nandito sya ngayon, ngingiti sya sakin.
Hay! Napailing nalang ako. Baliw ko talaga, bakit ba kasi ang bobo ng puso ko? Ayaw makinig sa sinasabi ko.
Kumanta ulit ng huling kanta.. matatapos na rin.
Lalo ng dumami yung umiiyak.
BINABASA MO ANG
In a relationship with a Gangster (Completed)
RomanceIniba ko na yung title. :D Accidentally Inlove With Him itetch. ♥ Corny 'to kasi eto yung pinaka-unang nasulat ko , okay?