AIWH.CHAPTER44

13.6K 182 15
                                    

A/N. Nagkaproblema po ito! pero ito na. :)

==

Hanggang ngayon.. Iniisip parin ni Kylie ang nangyayare sakanila ni Kris.

Wala syang alam! Mali lahat ng iniisip ng tao sakanya! Okay lang sana kung yung mga taong nakapaligid lang sakanya yung hindi naniniwala e! Pero ang sobrang masakit. Di naniniwala sakanya si Kristoffer.

"Anak! Ayos ka na ba?!" sabi ng mama ni Kylie. nandito kasi ang pamilya nya.

"Opo Ma!" sabi nito sabay yakap sa mama nya.

"Umuwi na tayo anak sa bahay. Dun ka na lang ulit!" sabi ng dad nya.

Niyakap rin sya ng Papa nya.

"S-sorry po talaga tito! Hindi ko po sya nabantayang mabuti." sabi ni Clarize.

Tinap lang ng tita Marshia yung balikat nya at ngumiti. Ginulo lang din ng tito Gilbert ang buhok nya.

"Ayos lang..Di mo naman kasalanan e!..Makulit lang talaga tong anak ko!" sabi ng papa ni Kylie.

Napangiti lang si Clarize.

Aalis na sila sa ospital. Pero ayaw ni Kylie bumalik sa Manila. Gusto pa nya kasing maayos sila ni Kris.Kaya naman ihahatid sila ng mga magulang nya sa bahay nila ni Clarize. Wala rin naman kasi itong magagawa kung ito ang gusto ng anak nila.

"Ma..Pa..Uuwi na po ako satin." malumanay na sabi ni Kylie.

Napahinto naman si Gilbert sa pagd-drive. "Ano?! Eh.. S-sige! Ihatid lang natin si Clarize."

Inistart muli na ama nito ang engine ng sasakyan.

Nakatingin lang sakanya si Clarize.

"Pero..pagkasama ko na po yung mahal ko." sabi ni Kylie habang nakangiti.. ng walang emosyon.

"Kylie.." mahinang sabi ni Clarize.

Nanghihina na si Clarize. Nagagalit na kasi sya kay Kris sa mga ginagawa nito kay Kylie! Ayaw na nyang makitang nasasaktan si Kylie.. dahil kay Kristoffer.

"Ikaw talaga anak! Hahahaha. sino ba kasi yang boyfriend mo ha?" tanong ng mama nya.

"Nako! Ikaw bata ka! Di mo manlang pinadaan sakin yang lalaking yan! baka mamaya saktan ka lang nyan! nako..Tamo! di manlang pumunta sa ospital?! ABA!" sabi ng papa nya.

Tumingin lang ito sa may bintana.

Halatang nasasaktan ang mga mata nya.

Alam naman ni Clarize ang nangyayare dito.

-

-

-

"Sige na anak! Wag ka ng gagawa ng kalokohan okay?! We have to go na." sabi ng Papa ni Kylie sabay kiss sa noo nito.

Nakayakap naman sakanya ang mama nya. "Please! Kylie.. Takecare of yourself ha?! Sobrang pinag-alala mo kami na dad mo." sabi

Tumango lang si Kylie. "Mahal ko po kayo. Ingat po!"

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon