Chapter51

14.9K 193 6
                                    

   Kylie’s POV

“Tita. Gusto ko po sanang isama mamaya si Kylie sa bahay.” Paalam ni Christian kila Mama.

Mukha yatang may pupuntahan nanaman kami. Masaya naman ako, kaso mukhang meron talagang tinatago sakin si Christian.

Kung anu man yun. Hindi ko alam.

“Christian.” Nakangiting sabi ni mama. “Pwede muna bang samin muna si Kylie? Namimiss ko na rin kasi yang anak ko.” Sabi ni mama.

Yung tingin ni mama, mukhang di ko nagugustuhan. Bakit kaya? Oo.. namimiss ko na sila. Palagi kasing si Christian yung kasama ko.. simula sa pagpasok sa school araw-araw. Sa pagpunta sa kung saan-saan. Lahat!

Feeling ko nga ayaw na nya kong mawala sa tabi nya.

Hindi naman sa hindi ako natutuwa.. pero kasi... parang hindi na maganda ‘to.

Madami pa kong hindi maisip. Maalala.

Pero bakit parang inilalayo nya ko sa mga taong.. gusto kong maalala?

“Ah ganun po ba tita?” malungkot na sabi ni Christian.

Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto kong maalala.. yung Danna, Yung Lawrence. Sino ba sila? Mahalaga ba sila?

Oo.. nararamdaman kong mahalaga sila.

Lalong-lalo na yung taong halos magmakaawa sakin maalala ko lang… si Kristoffer.

Si Mae.. palagi syang nagagalit kay Christian. Hindi ko alam kung saan yung palaging pinagtatalunan nila. Basta ang alam ko.. tungkol yun sa mga bagay na hindi ko na matandaan.

“Hindi ba Kylie?” bumalik ako sa kamunduhan nung banggitin ni Mama yung pangalan ko. Nakatingin sya sakin. “Ah! O-opo ma!” ngumiti rin ako kay Christian.

“Ah! Sige po.. sa susunod nalang po ulit.” Hinawakan ni Christian yung kamay ko. “Kylie.. I’ll call you later.” Nginitian nya ako at hinalikan ako. Ganun din kay Mama.

“Sige po tita! Aalis napo ako.” Hinatid namin sya hanggang dun sa labas.

“Sige! Ingat ka. Okay?” kumaway lang sya sakin habang papalayo.

Masaya ako. Oo, tama! Masaya nga ako.

“Pasok na tayo anak.” Aya ni mama.

“Mama.. bakit parang may iba sayo?” tanong ko. Hinawakan ko pa sya para lambingin.

“Ano namang iba?”

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon