3daysafter.
Alalang-alala na si Clarize kay Kylie! Lahat..Lahat ng kaibigan nito.. Nag-aalala na sakanya!
Hindi sya lumalabas ng kwarto! Ayaw ring kumain. Iyak lang sya ng Iyak.
Narinig nyang may tumatawag sa cellphone ni Kylie. Nasa tabi lang kasi nya ito at iniintay ang tawag o text manlang ni Kris. Pero hanggang ngayon.. WALA!
Umiyak nanaman si Kylie. Kahit parang wala ng lumalabas na luha dito..Pinipilit nyang magpakatatag. Ayaw nyang mawala si Kristoffer sakanya.
Tumawag nanaman yung number na palaging nagmimisscall sakanya.
At sa pangalawang pagkakataon.. sinagot nya ito.. kahit alam nyang hindi naman magsasalita.
"Hello?! Kailangan mo po?*huk* Kung pinagt-tripan mo ko..*huk* Please! Tigilan mo na..Lalo ngayong..Nasasaktan ako..Sobra!" sinagot na nya ang tawag. kahit alam nyang wala namang sasagot sakanya. Pero.. sa pagkakataong ito.. Di pinapatay sa kabilang linya..
[sorry. Kylie! Nandito na ako. toot toot toot]
Napatigil naman si Kylie. Parang.. kilala nya yung boses nayun?
Iniredial ko yung number kaso WALA na! PATAY NA YUNG Cellphone.
Humiga muli si Kylie.
Naalala nya ang sinabi ni Jared.. "Lalong mawawala sya sayo...Kung wala kang gagawin jan!!"
Oo! tama. Lalo syang mawawala sakin pag wala akong ginawa! kailangan kong magpaliwanag sakanya.
Nag-ayos ako. Napansin ko rin ang pagpayat ko at paglamlam ng mata ko kakaiyak.
Paglabas ko. nagulat si nanay ising at Clarize sa paglabas ko.
"Kylie! Ow. Kylie! Ayos ka lang ba?!" sabi ni Clarize sabay yakap sakin.
"Nakooo..anak alalang-alala na kami sayo! buti naman at lumabas kana."
"Okay lang po ako."
"Aalis na muna po ako."
"San ka punta?" sabi ni Clarize.
"Sa nag-iisang kaligayahan ko." sabi nito sabay umalis para pumunta sa bahay ni Kristoffer.
-
-
-
Nagpunta sya sa bahay nila Kristoffer.
Kumatok at nagdoorbell sya pero walang sumasagot. kaya naman naisip nya na baka wala ito dito.
Naisip nyang tawagan si Jared..
[Hello! Kylie.]
"Jared. K-kasama mo ba--"
[Oo! Pakipigilan lang..dahil..nagbago na sya]
Nasaktan lalo si Kylie. Ayaw kasi syang makita ni Kristoffer.
"Nasan ba kayo?"
[Sa Bar]
-
-
-
"HAHA! Your lips taste so sweet. and I love it!" sabi ng babaeng kahalikan ni Kris sa bar. bagong babae nanaman ang gusto nyang biktimahin.
Nang may babaeng sumusugod at nakipag-away sa babaeng kahalikan nya.
Napangiti si Kristoffer.
"Tol! iba nanaman yan..ano bang..nangyayare sayo?" sabi ni Carl.
"Hayaan mo sila." sabi ni Kris habang nakangiti.
Umiling-iling nalang si Jared.
"Kris! tell her kung sinong mahal mo!! TELL HER!!"
"Ugh. Tanya?"
"Kristoffer! I'm Marie!!"
"Ok. Marie! I'd like you to meet.. Ugh?"
"Michelle!" sabi nung babae.
"Michelle.. Your new replacement."
Nanlaki naman yung mata ni Tanya.Sinampal nya yung babae. "Di ko alam kung anong nakita sayo ng boyfriend ko!! AMPANGIT MO NAMAN!!" sabi ni Tanya. Nagsabunutan ulit sila.
Nanunuod lang si Kris. AT LAKING GULAT NYA, ng sampalin sya ng bagong EX girlfriend nya.
"What was that for?!" sabi ni Kris.
"OmyGod!! Sinaktan mo si Kris!! HOW THERE YOU!!"
Nagsasakitan ang dalawang babae at ng magsawa sila ay umalis na si Tanya.
Umupo sa tabi ni Kris si Michelle.
"Are you Okay? Honey?"
"Youre so beautiful." bulong ni Kris.
"I know!" sabi ni Michelle.
Nakangiti lang ito..
"I was talking to the girl behind you."
"WHAT?!" galit na sabi ni Michelle.
Nagalit ito..
at buong akala ng babae ay sya ang sinasabihan niya.
"I've been seeing someone else! GOODBYE!"
Lumapit si Kris sa ibang babae at umalis nalang si Michelle.
"Hi?-Omph!" yun palang ang sinasabi ni Kris ay hinalikan na sya nito.
Gusto nyang saktan lahat ng babae! Gusto nyang maramdaman nila kung paano lokohin at masaktan!
"Kris! Tama na! Di na talaga ikaw yan." saway ni Von.
Noon naman kasi Walang ganitong kagag*han ang kaibigang ito. Alam nilang sobrang nasaktan lang sya.
"No! Wag kayong makialam." sabi nito at patuloy ang paghalik sa babae.
Nakipag-away sya kay Lawrence mag-isa! nagkapuruhan sila..
At lalo syang nagalit ng malaman nyang...
nagmamahalan na yung gunggung nayun at Kylie! Yung lalaking yun pa mismo ang nagkumpirma!
Kaya naging dahilan ng pagbagsak ng luha ng isang matapang na gangster na tulad nya.
Kaya naman iyon ang inspirasyon nya para Manloko ng mga babaeng lumalandi sakanya.
Nagulat sya ng biglang may humatak nanaman sa buhok ng babaeng kahalikan nya at nag-away.
Napangiti naman sya! Ngiting Nasasaktan.
Muli nyang hinatak ang babae at hinalikan ito.. ng marahas sa harap ni Kylie.
MASAKTAN KA! G*GO KA! GIN*GO MO LANG AKO! sa isip ni Kristoffer.
"Nasasaktan na talaga ko Kristoffer!"
Napabitaw naman sya sa babaeng hawak nya. Kahinaan nya talaga pag nasasaktan at umiiyak si Kylie!! Kaya naman naitulak nya ang babaeng nakikipagflirt sakanya..
Wala ng magawa ang mga kaibigan ni Kristoffer. Di man maipaliwanag ni Kylie ang sarili nya sa 7G's gusto nyang malaman ni Kris ang totoo.
Umalis si Kris sa Bar. Sinusundan lang sya ni Kylie.
"Kris.. Kris.. sandali!!"
Lalong binilisan ni Kris ang paglalakad nya.
Dahil.. baka maging mahina nanaman sya!
"Kris!" hinawakan sya ni Kylie.
Huminto ito at tiningnan ang kamay na nakahawak sakanya.
Binigyan ito ng anong-karapatan-mong-hawakan-ako-look.
Kaya naman binitawan sya ni Kylie.
"Inuubos mong oras ko! Ano pa bang kailangan mo?"
Napaiyak nanaman si Kylie.
"Mahal kita!" sabi ni Kylie habang humahagulgol.
Natawa naman si Kristoffer. "HAHA! Ikaw?! Mahal moko?! Ahaha! nakakatawa ka! di mo na ako mapapaniwala! Pwede ba?! sabi ko naman sayo...Wag ka nang.. magpapakita!"
Tumalikod sya kay Kylie.
"yung BOYFRIEND mo mismo ang nagsabi sakin!! Congrat's sa inyo." sabi ni kris na puno ng galit.. di nya alam pero.. May luha?!
"Ano?! Si Jay Sinabi.. sayo..yung ganung bagay?" sabi ni Kylie. triple sakit naman ang nararamdaman nya. Pati ba naman si Jay?! may kinalaman dito?
"Ano?! Ha! Gulat ka no?! Alam ko at kinumpirma ko! pasensya na! napuruhan ko ata yung BOYFRIEND mo!" sabi nito habang nakatalikod kay Kylie at patuloy ang daloy ng luha.
"Hindi mo manlang ba ako papakinggan?! Totoo yung picture!! P-pero.. Wala akong ginawa!!"
Napahinto naman si Kristoffer. Gusto nyang maniwala pero.. matigas na ang puso nya..
"Kalokohan!" sabi nya at tuluyan ng umalis.
Nasasaktan talaga si Kylie. At kahit Wala ng luha ang lumalabas sa mata nya.
Naglakad sya ng walang buhay at walang inisip kundi ang mga nangyare.
Nagulat sya.. tumunog nanaman ang cellphone nya.
"Baka si Kristoffer na!" napangiti syang kinuha ang cellphone nya.
Pero si Jay pala.
Nagagalit si Kylie dito!!
Ito mismo ang nagkumpirma na niloloko nga nya si Kris? Ano bang nagawa nya dito?!
Sinagot nya ang tawag.
[Anne--]
"Jay!" garalgal ang boses nito dahil di sya makapaniwalang ginawa nga yun ni Jay.
[I'm Sorry! Sorry.. nasilaw lang ako! Anne! Please! Kakausapin ko nalang sya! Nasan kaba?]
"Di ko alam"
[Anne naman! nasaan kaba?]
"Di..ko..talaga..alam.."
Hinang-hina si Kylie. At bigla nalang natumba sa lugar kung saan di nya alam. Naglalakad lang kasi siya at walang patutunguhan.
-
-
-
-
Halos masiraan naman na ang ulo si Lawrence!
Gusto nyang sisihin ang sarili. Di na kasi nya alam ang ginawa! Di manlang nya naisip na si Kristoffer ang kaligayahan ni Kylie! Nag-aalala sya. Nag-aalala sya sobra kay Kylie! Nasaan na ba ito?!
Naiinis sya sa sarili dahil pumayag pa ito sa sinasabi ni Razelyn!
Pilit nyang hinanap si Kylie.. Kahit wala sa loob nya ay tinawagan nya si Kristoffer.
Di nya alam pero.. sinagot ni Kristoffer.
[Ano?!! G*go ka!! P*ta!! Papamukha mo nanaman ba sakin kung gano kayo kasaya ng malandi kong EX?!!] bungad ni Kris.
"G*go ka!! Mali ka!! Alam ko.. Ang g*go ko! Magpapaliwanag ako! Kaso sa ngayon.. Alam mo ba kung nasan si Kylie?! MAY MASAMANG NANGYARE SAKANYA!!!"
Sobrang gulat ni Kris ng malamang di makita si Kylie. at.. may masamang nangyare. Pero.. sadyang matigas na sya ngayon.
"Babe. Ang tagal naman nyan. Tuloy na natin yung ginagawa natin.." sabi ng napulot na babae ni Kris sa paligid.
Huminga ng malalim si Kris.
"Wala akong Pakialam!" sabay patay ng phone ni Kris.
Hinalikan nalang nya ng mariin ang babaeng kasama nya sa kotse.
kahit alam nya sa sarili nyang.. nag-aalala sya sa babaeng.. Mahal nya.
Pilit na hinahanap ni Lawrence si Kylie!
Alam nya sa sarili nyang.. mali sya.
Sobrang naiinis sya dahil sa ginawa nya! Sobrang naging miserable ang buhay ni Kylie dahil sakanya!
Halos mapasabunot sya sa buhok nya.. handa na syang magsakripisyo para sa kaligayahan ni Kylie. Pero.. Pero Huli na ba?
Ilang oras na ang nakakalipas. Pero.. di pa nya nakikita si Kylie.
Sobrang bilis ng kotse nya! Gusto nyang libutin lahat para lang makita si Kylie.
Pilit nyang tinatawagan si Kylie. Pero! Pero WALA!
Inulit pa nya..
Laking pasasalamat naman nya ng may sumagot.
"Kylie!! kylie!! ayos ka lang ba?! nasaan ka?!! Kylie."
[ugh. hello?]
Hindi.. hindi ito si Kylie.
"SINO KA?! NASAAN SI KYLIE!!!"
[Ah. sorry po! dinala ko po sya sa ospital nakita ko po kasi--]
"SAANG OSPITAL?!"
[Sa WP. Hosital po]
Agad iniliko ni Lawrence ang kotse nya at pumunta kaagad sa ospital.
Ang laki nyang tanga para maging ganito si Kylie!! Walang hiya sya!!
Sobrang.. naasabunot sya sa sarili nya ng may nakitang kung anong mga nakatusok sa katawan ni Kylie!!
Di na nya napansin si Mae na nagligtas kay Kylie ng makita si Kylie.
"Kylie!! Kylie!! sorry.. sorry!!" Napapaiyak na si Lawrence! Di nya alam na sya ang magiging dahilan ng pagiging ganyan ng babaeng..mahal nya!
Hinawakan nya ang kamay nito.. at umiiyak at pilit humihingi ng tawad.
"Ah! Maayos naman ang lagay nya..Nahimatay lang daw sya sabi ni Doctor."
Napatingin naman si Lawrence kay Mae.
"Ikaw ba?..Ikaw bang nagdala sakanya dito?" sabi ni Lawrence habang tutok na tutok sa pagtingin kay Kylie.
"O-oo!"
"Salamat..Maraming-maraming salamat."
-
-
-
-
Masaya.. Oo masaya si Razelyn sa mga nangyayare. Lalo na ngayon. Ngayong.. Nahahalikan na nya ang gustong mapangasawa.
At nalaman pa nya ang nangyayare kay Kylie.
Katabi nya ngayon si Kristoffer. Nakita nya ito sa daan. May babae kaya naman nakipag-away pa sya sa babae para lang dalin nya si Kris sa condo nya.
Naghahalikan sila. Pero hanggang doon lang naman si Kris. Alam nya ang limitasyon nya sa mga babae! Sasaktan lang naman nya ito.
Nang biglang magring ang phone ni Kris. Kaya napatigil sya sa paghalik kay Razelyn.
Di nya alam kung anong nagtulak para sagutin ang tawag ni Kylie. Oo! tumatawag si Kylie.. Sobrang nag-aalala sya dito.
[Kristoffer!!]
Halos maibato nya si Razelyn ng marinig ang boses ni Lawrence!
Ipinamumukha ba talaga nila sakin kung gano sila kasaya?!!! sa isip ni Kris.
"ANO?! MASAYA KAYO?!! G*GO KA TALAGA E!" sigaw ni Kris.
[p*ta ka! makinig ka muna!! pwede ba?!! Nasa ospital si Kylie!! Sa WP!]
At pagtapos nun.. Binaba na ni Lawrence!!
Gusto nyang puntahan si Kylie!! Gustong-gusto!!
Pero.. may pumipigil sakanya!!
-
-
-
-
"Kylie!!" sigaw ni Clarize.
Naiyak rin kaagad sya ng makita ang pinsan..
"Oh my God!!" sabi naman ni Larra at napayakap sa boyfriend na si Lester.
"Lawrence!! Anong nangyare?!!" sigaw ni Clarize.
"D-di ko rin alam. Basta nalaman ko nalang na.. dinala sya dito" sabay turo kay Mae.
"M-mae? Nandito kana?"
Tumango ito.. "At.. ibinabalik ko na sya sakanya!" sabi nito at ngumiti.
Di naman malaman ng mga tao dito na kasama nila ang sinasabi at pinag-uusapan ng dalawa.
"A-anong nangyare?" tanong ni Clarize.
"Ah. N-nakita ko lang syang walang malay sa daan malapit sa bar. Nakita daw po sya sa loob na galit na galit. at umiiyak!" sabi ni Mae.
Nagpaalam na si Mae.
"Salamat.. Mae!" sabi ni Clarize.
Tumango lang si Mae at lumabas na..
Parang masisiraan na ng ulo si Clarize sa nangyare sa pinsan!
"Kasalanan to ni Kristoffer!" mariin na sabi ni Clarize.
"O-oo! kasalanan nga 'to ni Kris." sabi ni Lester.
"H-hindi.. ako ang may kasalanan ng lahat." sabi ni Lawrence at pinilit na punasan ang luha.
"Sorry!"
"Hinding-hindi ko hahayaang..makalapit ulit sya kay Kylie."
-
-
-
Di alam ni Kristoffer kung papasok pa sya sa loob gayong narinig syang sinisisi ng lahat.
Napaka G*GO naman kasi nyang talaga! sya ang may kasalanan!!
Hindi sya karapatdapat makita ni Kylie!! Tutal.. pinagpalit na naman sya dito!
Umiiyak sya! Lalong nasasaktan!
Bakit ba sobra syang nasasaktan sa pinaggagagawa nya?! Kung nasasaktan si Kylie. Doble ang sakit nun kay Kristoffer.
Umuwi sya ng Umiiyak! Sinisisi ang sarili. Uminom sya ng napakarami!! sa loob ng kwarto nya sya nagwawala.
Hindi ako karapatdapat kay Kylie. Hahayaan ko nalang kung saan sya masaya!
Biglang bumukas ang ilaw ng kwarto nya.
"K-kuya?"
Tinatanong ni Danna sa sarili kung ano bang nangyayare kay Kristoffer.
Last time she checked. Masaya at inlove na inlove si Kristoffer. Pero bakit ganun?! Amoy syang babae.. At.. at sya na ulit yung kuya nya dati.
Niyakap nya ang kuya nya at napaiyak narin.
"A-ano bang nangyayare kuya?"
"Iniwan nako..ng..pinakamamahal ko..katulad ng..nanay ko.."
Lalong napaiyak si Danna sa nangyayare sa kuya nya. Di sya makapaniwalang ganito kahina ang kuya nya! At isa pa.. Mahal na mahal ng Ate Kylie nya ang kuya nya.
"K-kuya.. ang.. ang mama mo.."
Umiling ng umiling si Kristoffer.
"Pare-pareho silang nang-iiwan! hahah! Pero.. Mahal na mahal ko talaga si Kylie!! Sya ang kailangan ko para mabuhay!! Sya lang ang kailangan ko.."
"Kuya. sigurado akong *huk* mahal ka rin ni Ate Kylie. Tulad ng pagmamahal sayo*huk* ng Mama mo"
"Ano bang sinasabi mo! MANLOLOKO SILA!!"
"KUYA!! MALI KA!! NAMATAY ANG MAMA MO PARA LANG MALIGTAS KA!! SINABI NYANG SABIHIN NALANG SAYO NA MAY MAMA KANG NASA TABI MO KAHIT DI MO NAKIKITA!! PERO ANONG PINANIWALAAN MO?!! YUNG INIWAN KA LANG AT PINAGPALIT KA SA IBANG ANAK!! KUYA NAMAN! SI DAD ANG NAHIHIRAPAN E!! PINABAYAAN NYANG IYON ANG PANIWALAAN MO PARA LANG MALAMAN MONG NASA TABI MO SI MAMA MO!! kuya.. kuya naman.. ang hirap kasi sayo.. kung anong gusto mong paniwalaan iyon na agad ang paniniwalaan mo!!"
Natulala naman si Kris. "Umalis kana!" sabi ni Kris.
"Kuya naman e!!"
"Sabi ko UMALIS KANA!!"
"Aalis ako.. Pero sana naman! matuto ka namang makinig.. kuya.. kung gusto mong makita ang mama mo.. sumama ka sakin."
At pagkatapos nun. Umalis nasi Danna!
-
-
-
"Clarize?" sambit ni Kylie.
"Kylie!! Larra tawagin mo ang nurse!! gising na si Kylie!!"
Lumapit kagad ang lahat kay Kylie.
"Nasaan ba ko?" sabi ni Kylie.
Niyakap lang ito ni Clarize.
"Okay ka lang ba?"
Napagtanto ni Kylie na nasa ospital sya.
"Anong nangyare?" tanong nito.
"Wala lang.. pagod ka lang!" sabi ni Clarize.
Dumating naman ang nurse at tiningnan ang lagay ni Kylie.
Mabuti naman at makakalabas din sila ng ospital bukas.
"Alalang-alala sayo lahat.. lalo na si Lawrence."
Napatingin naman sya sa bestfriend nya. Kumirot nanaman ang puso nya at naalala si Kris.
"Nasaan si Kris?" sabi ni Kylie.
Napaiwas ng tingin si Clarize.
"Pinuntahan ba nya ko?! Nasaan ba yun?! Alam ko nag-aalala sya sakin!!!" sabi ni Kylie.
"W-wala na syang...pakialam..sayo." sabi ni Clarize.
"H-hindi totoo yan!! Mahal ako ni Kristoffer!! Mahal na mahal ako ni Krstoffer!! Aalis ako dito!! Hahanapin ko sya!"
hindi na makakalma si Kylie. Umiiyak nanaman sya!! Nasasaktan.
Pinipigil naman sya nila Lawrence sa pag-alis. Tinatanggal kasi nito ang dextrose na nakakabit sakanya.
"Kylie!! Kylie Please.. Sorry!! Sorry..Ako ang may kasalanan ng lahat..Mahal kasi kita.. pero pinagsisisihan ko na!! Please!! Aayusin ko lahat ng to!! Ako naman ang may kasalanan!"
Nagulat ang lahat sa sinasabi ni Lawrence pero.. napatigil naman si Kylie at umiyak nalang ng umiyak sa balikat ni Lawrence.
"Pero Kylie! Hayaan mo muna ngayon. Magpahinga ka muna ngayon. Please?"
Tumango naman si Kylie. Nakahinga naman ng maluwag si Larra,Lester at Clarize na umiiyak narin.
-
-
-
Todo pag-iisip naman si Kristoffer.
"Hindi ba talaga ako sanay makinig? Y-yung mama ko? Namatay dahil saakin?!" sabi nito sa sarili.
flashback
"KUYA!! MALI KA!! NAMATAY ANG MAMA MO PARA LANG MALIGTAS KA!! SINABI NYANG SABIHIN NALANG SAYO NA MAY MAMA KANG NASA TABI MO KAHIT DI MO NAKIKITA!! PERO ANONG PINANIWALAAN MO?!! YUNG INIWAN KA LANG AT PINAGPALIT KA SA IBANG ANAK!! KUYA NAMAN! SI DAD ANG NAHIHIRAPAN E!! PINABAYAAN NYANG IYON ANG PANIWALAAN MO PARA LANG MALAMAN MONG NASA TABI MO SI MAMA MO!! kuya.. kuya naman.. ang hirap kasi sayo.. kung anong gusto mong paniwalaan iyon na agad ang paniniwalaan mo!!"
end
naalala nya ang mga sinasabi ni Kylie sakanya.
flashback
"Hindi mo manlang ba ako papakinggan?! Totoo yung picture!! P-pero.. Wala akong ginawa!!"
end
Kung makikinig ba ako.. May magbabago ba?!
Hindi na nya ko dapat makita!!
BINABASA MO ANG
In a relationship with a Gangster (Completed)
RomanceIniba ko na yung title. :D Accidentally Inlove With Him itetch. ♥ Corny 'to kasi eto yung pinaka-unang nasulat ko , okay?