AIWH.CHAPTER46

13.7K 186 14
                                    

Iyak ng iyak si Clarize.. Kung anu-ano ng nangyayare sa pinsan nya!

Ngayon naman.. iba na!!

Nasa ospital nanaman si Kylie..

At nadagdagan na ang makina at kung anu-anong nakakabit kay Kylie.

Lahat ng nasa loob umiiyak.

Lahat nagagalit..

"S-sorry.. H-hindi ko intensyon na malaglag sya.. Sorry!!" sabi ni Razelyn.

"PWEDE BA!! PWEDE BA UMALIS KANA!! PLEASE!!" galit na sabi ni Clarize.

"Patawarin nyo ko.." umiiyak sya.

"Razelyn!! Umalis kana!!!" sabi ni Larra.

Nagsisisi si Razelyn sa nangyare. Pero.. kailangan na muna nyang umalis.. Galit sakanya ang lahat.

Di naman nya gusto yun e!!

"Kasalanan ko to!" malamig na sabi ni Kris.

"Di ko sya nailigtas!" sabi pa nito.

Hinahawakan ni Kris ang kamay ni Kylie. Halos ayaw bitawan!

Ayaw mawalang muli.. lalo na't malaki ang kasalanan nito.

Pinat ni Clarize ang likod ni Kris.

"Salamat..Kris.." sabi nito.

Umiling si Kris.

At may luhang.. unti-unting pumapatak.

"Kasalanan kong lahat."

-

-

-

-

Sobrang gulat ni Mae ng malaman ang nangyare kay Kylie.

Agad naman nyang sinabihan si Istian. Na ngayon ay.. may tinatawagan sa cellphone nya.

Na araw-araw nyang ginagawa kahit nung nasa malayo pa sila.

"ian.."

Napatingin naman ang lalaki dito.

"Si Kylie.. Nasa Ospital!"

"A-ano?! Saang Ospital?! NASAAN SYA?! ANO NG LAGAY NYA HA?!"

Nakaramdam ng sakit si Mae. Hanggang ngayon kasi.. Mahal talaga nya ang bestfriend nito! Bakit ba.. di sya magawang mahalin nito? Kaya nga.. nagsisisi na sya sa lahat ng kasinungalingang ginawa nya.

"S-sa.. sa WP!"

Agad namang lumabas ng condo ang lalaki at pumunta sa sinabing lugar.

-

-

-

Nagising si Kylie. Madaming tao.. Bakit ba nasa Ospital sya.

Nasaan ba si Chris?! Nasaan na ba yung mahal nya?!

"Clarize!.. Clarize!" tawag ni Kylie kay Clarize.

Napatingin naman lahat kay Kylie..

"Kylie!! Ano kamusta kana?! Sobrang nag-alala ko sayo!! Mahal na mahal kita!! Sorry kung di ako naniwala sayo! Kylie!!" sabi ni Kristoffer sakanya.

Pero laking gulat ng lahat ng iniwas nito ang kamay na hawak ni Kris.

"Kylie!" tawag ni Kris.

"Clarize!"

Lumapit si Clarize kay Kylie. "Ayos kana ba? A-ano bang nararamdaman mo"

"Clarize!!"

"Kylie.. Kylie!!" sabi ni Kris habang hinahalikan ang kamay ni Kylie.

Pinilit umiwas ni Kylie..

"Bitawan mo ko" sabi ni Kylie.

Gulat nanaman ang lahat. Ano bang nagyayare sakanya?!

Bakit parang may iba?

"Galit ka pa ba Kylie! sorry.. sorry di ako naniwala sayo.. nadala ako sa galit ko.. Kylie.. mahal na mahal kita!!"

"S-sino kaba?!" sabi ni Kylie.

"kylie!!"

Sobrang kaba at takot naman ang naramdaman ni Kris.

Bakit.. bakit.. di sya kilala ni Kylie?

Biglang pumikit si Kylie at hinawakan ang ulo.

"Masakit ang ulo ko! Sobra! Clarize! Masakit ang ulo ko.. Ahhh!! ang sakit!!!"

Alalang-alala ang lahat.

"CLARIZE!! ANG SAKIT NG ULO KO!! AAHHHH!! CLARIZE!!"

Biglang may pumasok na doctor sa kwarto ni Kylie.

Pinakalma si Kylie.. Di nila alam ang ginagawa nila kay Kylie!

Umiiyak lahat ng babae sa loob.

Yung tingin ni Kylie.. parang wala syang kilala sa mga nasa loob kundi si Clarize.

May tinatanong kay Kylie..

Lumapit ang doctor kila.. Kris.

"DOC! doc ano pong nangyare sakanya?!" sabi ni kris na halatang nag-aalala.

"Meron syang.. Amnesia!"

Halos mapatakip ng bibig si Clarize.

"Pero kilala po nya ako.."sabi ni Clarize.

Ipinaliwanag ng doctor sakanila na nawala ang mga pangkasalukuyang memorya ni Kylie.

Epekto ng pagkakauntog ni Kylie.

Agad lumapit si Kris sa kay Kylie.

"KYLIE!! KYLIE!!"

Tumingin si Kylie kay Kris.

Hinawakan nya ang kamay ni Kylie.

"Wag mo kong hawakan!! Sino kaba ha?!"sabi ni Kylie.

"Kylie!! ako to!! boyfriend mo!!"

Nagulat sya ng narinig na natawa si Kylie..

"Baka po.. nagkakamali ka lang..m-may boyfriend na po ako."

Nasasaktan si Kristoffer.. at hindi lang sya.. pati sila Larra!

"Clarize.. kaibigan mo ba sila?!" sabay turo kila Larra.

Napayakap naman si Larra dito.

"Kylie.. bestfriend mo ko!"

"Clarize.. A-ano bang sinasabi nila? Nasaan ba si.. Chris?"

Napangiti naman si Kris at niyakap si Kylie.

"Sabi na.. di mo ko makakalimutan!"

Pilit na bumitaw si Kylie.

"A-ano kaba?! Bitawan mo ako! baka mag-away kami ni Chris."

Di na talaga mapigilan umiyak ni Kris.

Pati si Lawrence sinuntok na yung pader.

"Clarize! nasaan ba si Chris?"

"Kylie!!"

Gulong-gulo si Kylie.. Hindi nya kilala ang mga nasa harap nya.

Laking gulat ng lahat ng may madaling-madali ang pumasok sa kwarto ni Kylie.

Napangiti naman at sobrang saya naman ni Kylie..

"Chris.."

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon