AIWH.CHAPTER47

16K 193 15
                                    

"Ano bang nangyayare kay Kylie?! bakit di nya tayo kilala?" sabi ni Larra habang umiiyak.

Nasa labas sila ng kwarto ni Kylie.

"B-baka panandalian lang yan.. Larra! maaalala nya rin tayo." sabi ni Lester.

Lumapit naman si Lawrence kay Kris. Tahimik lang ito at nakatulala! di makapaniwalang..di na sya kilala ni Kylie.

"Tol..maaalala ka rin nya!..sigurado ako dahil..Mahal ka nya!" sabi ni Lawrence.

Napatawa naman si Kris. "Kasalanan kong lahat to e!..Di na tuloy nya ako maalala."

"Kris.." sabi ni Clarize.

"I-iiwan na nya kaya ako? Bakit yung lalaking yon pa ang naalala nya!! bakit..di nya ako kilala?!" sabi ni Kris.

Kilala yun ni Larra dahil nandun din sya nung nagk-kwento si Kylie.

"Kris..Wag kang mawalan ng pag-asa!" sabi ni Larra.

"Pero.. pero mahal na mahal ni Kylie yung lalaki na yun!!" sabi ni Kris.

Si Kylie at Chris lang ang nasa loob.. at.. at masaya si Kylie.

"Clarize!"

Napatingin ang lahat sa nagsalita.

"Nasa loob ba si Christian?"

Si Mae.

Tumango si Clarize.

Napaiyak naman si Mae.

"Kahit kailan.. si Kylie lang talaga ang mahal nya!" sabi nito.

Nanghina naman si Kris sa narinig..

Kung kailan naman..alam na nya ang lahat.. kung kailan naman wala na syang problema sa babae.. Kung kailan naman nagmahal sya ng totoo..

Saka pa ba sya susuko? Kung si Kylie nga di sumuko e!

Napatayo si Kris at agad binuksan ang pinto ng kwarto ni Kylie..

Pero.. di nya nakayanan ang nakita..

Naghahalikan ang babaeng mahal nya at ang mahal nitong lalaki!

Parang hiniwa ang puso ni Kris. Parang dinudurog ang damdamin nya!

Nasasaktan sya! kaya naman napasuntok nalang sya sa pader at umalis ng ospital.

Di sya nagagalit kay Kylie..

Nagagalit sya sa sarili nya!

Sya ang may kasalanan ng lahat.. ng lahat lahat.

Gusto nyang magalit.. kaya naman nakipag-away sya sa mga lalaking nakasalubong nya.

Napuruhan sya dahil..wala na syang lakas.

Nagulat nalang sya ng may babaeng tumutulong sakanya.. at napaalis yung mga lalaki..

Nakatingin lang ito sakanya.

Tumayo si Kris at pinagpagan ang sarili. idinura din nya ang dugo sa mga labi nya.

"Dapat di mo nalang ako tinulungan..Dapat lang naman talaga sakin yun e!"

Hinila sya nito papalayo.

At.. nakarating sila sa isang payapang lugar.

Umupo ang babae. at nagsalita.

"Boyfriend ka ba ni Kylie?!" tanong nito kay Kris.

Iniwas nya lang ang tingin dito.. "Asawa!"

.

"A-asawa?"

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon