Kylie’s POV
“Sige na Christian, Nandito nako.”
“Are you sure you don’t want me there with you?” sagot nya na para bang malungkot.
“I’m with Clarize naman eh. So don’t ‘cha worry k?” tiningnan ko si Clarize na nakapeace-sign pa. Ewan ko ba sa taong ‘to. Panay ngiti eh! Nung isang linggo payan. Ewan ko ba!
“Sige na, ingat ha?”
“Tch! I miss you already. Can we meet tomorrow? Hati na kasi yung time mo sakin saka jan sa mga kaibigan mo eh.” nangiti naman ako dun. “Nagkita naman tayo kahapon a?tapos minu-minuto pa tayong magkausap. Nababaliw ka na ata e?” narinig ko syang nagsigh. “Natatakot lang ako.” Napakunot yung noo ko.
“Natatakot san?” napatingin sakin si Clarize. Naiinip na ata. Nasa school kasi kami. Naaalala ko nga ito, kaso ewan..
“Matagal pa bayan?” naiiritang sabi ni Clarize.
“Christian?”
“Wala,wala. Hindi ba talaga ko pwedeng sumama sayo jan?”
“Kung nag-aalala ka sakin, nandito naman si Clarize.Di ako papabayaan nito.”Natawa ako.“Sige na.Alis nako ha?”
“Teka. Pwede bang makausap si Clarize?” tiningnan ko si Clarize, nandito pala si Danna at Carl. Wow! Sila nanaman.Alam ko na din yung totoong hindi ko bestfriend yang si Danna. Natatawa nga ako pag naaalala ko yung mga pinagsasasabi netong babaeng to. Nga pala, pinapaalala narin sakin nila Danna yung mga di ko naaalala. Kilala ko na yung ‘seven Gwapito’s’ Ew, nakakatawa yung pangalan. Hahaha! Pero tama! Gwapo nga sila. Kaso medyo iwas sila sakin pag magkakasama kami, oo lumalabas na nga kami..makakatulong yun diba? Kaso nga lang, kasama si Christian. Ngayon lang ata kami nagkahiwalay kaya minsan tumatakas nalang ako sakanya pag gusto ko.
“Ah” tiningnan ko si Clarize. “Gusto ka raw makausap.” I mouthed. Inirapan lang ako tapos parang nainis. “Oo na.” kinuha nya yung phone.
“O? ano na?.. baliw kaba? Bakit ko naman papabayaan ‘to?... aba! E kung gusto nyang makipag-usap sa kung kanino nya gusto e!.. Oo na!” tapos binabaan na ni Clarize. Binigay sakin yung phone ko tapos nauna na. Galit?
“Intayin mo naman ako!Uy!”sumobra ata dami ng tao. Nawala na si Clarize sa paningin ko!
“CLARIZE!!”T__T Nasan na si Clarize?!!
Tingin ako ng tingin sa paligid ko..May ilang nginingitian ako. Syempre nginingitian ko nalang din.
Unti-unting nawala yung tao sa paligid. Tatawagan ko na sana si Clarize kaso lang, mula sa likod. May bumangga sakin..nalaglag tuloy yung dala ko, kasama yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
In a relationship with a Gangster (Completed)
RomansaIniba ko na yung title. :D Accidentally Inlove With Him itetch. ♥ Corny 'to kasi eto yung pinaka-unang nasulat ko , okay?