AIWH.CHAPTER37

16.5K 241 14
                                    

KYLIE'S POV

 

Nandito kami ngayon ni Kristoffer sa Mall. Wala masama ba?! HAHA~

Ang gwapo-gwapo nya. Gusto sana nya isama si Krislie kaso lang makulit yun e! baka magkalat pa! HAHA!

Isang linggo na makalipas nung nangyare sa park. Eto! Masaya parin kami.

Magkahawak kamay kami. Ang saya-saya ko! Dahil hindi sya nagbabago. MAHAL KO SYA! MAHAL NA MAHAL. Hindi ko alam kung kailan ko sya minahal ng ganito. Pero ang alam ko! Hindi ko na kayang hindi makita ang bawat ngiti nya.

"Mhine! Diba model ka?" sabi ko.

"Wala na! Ayoko na." sabi nya.

"bakit naman?!" tanong ko.

Tumingin lang sya saakin at ngumiti.

"Bakit? gusto mo ba na lalong dumami kalaban mo sakin?" sabi nya.

"YABANG!" sabi ko.

Tumawa lang sya. Kaya natawa lang din ako.

Pumunta kami sa ChocolateHouse.

(*Q*) CHOCOLATESSSSS...

Kaso.. (-___-)**

Nandun nanaman yung mga babaeng tingin ng tingin sa BOYFRIEND KO.

Pinuluputan ko sya sa braso.

"Mhine. Di naman nila ako maagaw e! haha." sabi nya.

Baliw talaga neto! Nakakahiyaa~

Hanggang makalabas kami dun.. pinagtitinginan kami.

BAKIT?!

SAKIN LANG TONG LALAKI NA TO NOH!!

Pagkatapos naming maglibot-libot. Pumunta kami saamin.

Si Clarize naman. Nasktuhan namin na paalis.

=___= OK! Nagkita nanaman sila!!

Nagngitian silang dalawa. Kaya naman nauna na akong pumasok sa loob.

Loko tong lalaki nato! pagkatapos nung nangyare nung isang linggo mambabae na sya?!

"Mhine! Sandali lang naman" sabi nya. Hindi ko lang sya pinapansin. Magsama sila ni Clarize!

Umupo ako sa sofa at kinandong si Krislie. Badtrip!!

Tumabi naman sakin si Kris kinuha ang remote at binuksan yung TV.

"mhine! ang cute ni krislie no?" sabi nya sakin.

umusad lang ako papalayo sakanya.

"Mhine? May Problema ba?" sabi nya sakin.

ABA! Bakit tinatanong mo pa?!

In a relationship with a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon