"Jiana?"
"The one and only." Sabi niya sakin ng nakangiti.
"Waahhh!! Ate, namiss kita." Sabi ko sabay takbo papunta sa kanya tapos niyakap siya.
"HAHA! I miss you too baby girl. " Sabay yakap sakin pabalik.
She's Jiana Villanueva. Ate ni Red. Close kami niyan. Parang kami na nga ang magkapatid at hindi sila ni Red. Mas close pa kami kesa sa kanila ni Red. Puro Red nalang sinasabi ko. ^////////^
Anyway, yun nga. Madalas din kasi akong tambay sa shop ni ate. She's a fashion designer and a runway model. Sikat siya all over the world not just because of her being a model but also because of her clothing line, Raven's. Nagtataka nga ako kung bakit Raven's ang name ng clothing line niya. Wala namang boyfriend si ate. Wala din akong nababalitaan na dinedate niya. When I asked her kunh bakit Raven's amg pinangalan niya, sabi niya lang, 'Because I love Raven'. Kaya mas lalo tuloy akomg naguluhan. Pinabayaan ko nalang. Despite of her success she remains humble. Kaya nga I like ate Jiana so much eh.
"Ehem!" Nakalimutan kong may asungot pa pala kaming kasama rito.
Bumitaw naman kami ni ate sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Bakit si Jianna lang ang may hug? Wala bang akin Marie?" Sabi ni Nat ng nakasimangot.
"HAHAHAHA! Bigla nalang tumawa si ate Jianna sa tabi ko. Umupo muna siya bago nagsalita ulit. "Napaghahalataan ka Nathaniel!"
Ok gets ko na. Tiningan ko si Nat. Lalong sumimangot ang mukha. Haha. Kawawa naman.
Magkaibigan din si ate Jianna tsaka si Nat kaya ganyan naang niya asarin. Hindi naman talaga napipikon yang asungot na yan. Nag-iinarte lang yan. HAHAHA!
"Nathaniel, alis na muna ako. May kailangan pa akong asikasuhin sa shop." Paalam niya kay Nat.
"Agad-agad ate? Kadarating ko lang eh." Sabi ko sa kanya. Sinadya ko talagang palungkutin ang boses ko. Pero knowing Jianna, hindi tatalab sa kanya ang ganyan. tsk!
"HAHA! May next time pa naman baby girl. Sige na, malelate na ako. Babush!" Tapos tumakbo na siya papuntang pintuan. Napailing nalang kami ni Nat. Napaka carefree talaga ni ate.
"Sira talaga yung babaeng yun. Haha!" Natawa nalang din ako. Paupo na ako sa sofa nang may nagsalita sa may pintuan.
"Hoy Nathaniel! Magbehave ka. May asawa na yan. Geh! Chiao!" Si ate Jianna habang nakasilip ang ulo. Hahaha.
"Isip-bata/Isip-bata!" sabay naming sabi ni Nat. Tapos sabay kaming humagalpak ng tawa.
Nung nahimasmasan na kami sa pagtawa, nagpaalam siya sakin na kukuha lang daw siya ng aking favorite na strawberry juice. Alam na alam talaga niya kung anong gusto ko.
Nilibot ko ng tingin ang buong office. Napangiti ako sa aking nakikita. Just like how I wanted it to be. Para lang akong nasa bahay. Actually isang buong floor ang office na to. May bedroom dito tsaka mini kitchen. Grabe kasi si mommy. Pag nag-aaway sila ni daddy, hindi niya pinapapasok sa bahay. Kaya no choice si daddy kundi magstay sa hotel that night. Ang kaso, nung nalaman ni mommy na dun siya nagstay, lalong nagalit. Kaya nagpagawa nalanh si daddy ng room sa office niya. Para pag magkaaway sila ni mommy, dun nalang siya nag-oovernight. Pero so far, isang beses lang naman sila nag-away ng ganun na humantong sa di pagtulog ni daddy sa bahay.
"Mahal na prinsesa, ito na po ang juice niyo." Sabay lagay ng baso ng juice sa may table na katabi ni sofa. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Nat.
"Salamat, alipin." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Hindi kaya ako KJ. Alam ko naman yung salitang go with the flow. HAHA!
"Tss. Ginawa mo pa akong alipin." :( Nakasimangot niyang sabi. Tinawanan ko lang siya.
"Marie, tapusin ko lang tong ginagawa ko tapos samahan na kita."
"Huh? Wala ka bang meeting today?"
"Meron pero ipapacancel ko nalang. Alam ko naman na kailangan mo ng kasama ngayon." Ngumiti siya. A sincere smile.
"Thank you Nat."
"Malakas ka sakin eh." Sabi niya sakin sabay kindat.
Di na ako nagsalita pagkatapos nun. Nagconcentrate na rin siya sa pagbabasa ng mga papeles na nasa mesa. Sobrang dedicated ni Nat sa trabaho. Kaya nga pala siya ang nandito ngayon sa halip na sakin dahil naka on-leave pa ako. Next week pa daw ako pwede pumasok dito. Pero dahil nga wala ang aking asawa, nandito ako ngayon. Haay! Naalala ko na naman si Red. Kumusta na kaya siya? Di man lang nagtxt eh. :(
Di ko maiwasang pagmasdan si Nat. Bakit kaya wala pang girlfriend ang asungot na ito? Gwapo naman siya. Matangos ang ilong. Makinis ang mukha. Makapal ang kilay na bumagay sa kanyang mukha. Yung buhok niya na kahit gustong habulin ng suklay ay nakakadagdag ng kagwapuhan niya. Tapos yung dark eyes niya na parang hihigupin ka pag nakatingin siya sayo.
"Pumasa ba ako Marie?" Tanong niya sakin ng nakangiti. Hindi ko namalayan na nakatingin na rin pala siya sakin.
"Below average Nat." Sagot ko habang tumatawa. Umarte naman siya na parang nasasaktan. "Tapusin mo na nga lang yan."
Pinagpatuloy naman niya ang ginagawa niya. Kinuha ko yung ipod ko sa bag pati rin ang headset. Makikinig nalang muna ako ng music habang naghihintay sa kanya.
***
"Marie, gising na."
"Hmmmnn..."
"Gising na. Alis na tayo."
Pagmulat ko ng mata ko, ang mukha ni Nat ang nabungaran ko. Nilinoy ko ang paningin ko upang alamin kung nasaan ako. Shocks! Andito pa pala ako sa office.
"Sorry, nakatulog ako." Hinging paumanhin ko sa kanya.
"Ok lang. Sofa mo naman ang mangangamoy eh."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Anong mangangamoy?"
"Mangangamoy laway. Tulo laway mo eh habang natutulog ka." Sabi niya sakin sabay smirk. Napahawak ako sa baba ko. Pero..
"Wala naman eh. Nakakainis ka talaga!"
"Uto-uto! Hahahaha.. "
"Kainis ka talagang asungot ka!"
"Halika na nga. Baka maging dragon ka na dyan." Sabi niya habang tumatawa pa rin.
"Ano pang hinihintay mo dyan? Umaga? Halika na nga." Sabay hila sakin. Kita mo tong taong to. Nagtatanong nga hindi naman ako pinapasagot. Tapos bigla na lang manghihila. Asungot talaga!
***
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...