Part 20: Positive

10.6K 188 2
                                    

Ang hirap pala kung ang asawa mo sobrang dedicated sa work niya. Kagaya nalang ng asawa ko, out of the country na naman dahil sa work. Bakit ako hindi naman ganun ka busy? Naba-balance ko naman yung work ko tsaka family life ko.

"Hoy, nakapangalumbaba ka naman dyan!"

Ang ingay talaga ng bestfriend ko. Nandito ako ngayon sa bahay ng bruhang ito dahil gusto niya raw magbonding kaming magbestfriend. Gusto nga niya mag mall kami kaya lang tinatamad ako mag mall. Kaya dito nalang kami sa bahay niya, movie marathon. Saturday naman ngayon at wala akong pasok.

"Namimiss ko na kasi ang asawa ko."

"Tigil-tigilan moko diyan Alexa Marie. Nagtatrabaho ang asawa mo dun."

"Palibhasa kasi wala kang asawa kaya hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon."

"Wag kang masyadong madrama diyan. Uuwi din yun."

"Eh, three weeks na kaya siyang nandun."

Opo. Tama kayo ng nababasa. Three weeks ng nasa ibang bansa ang asawa ko. Australia ba yun? O Austria? Ah basta nasa labas siya ng bansa at tatlong linggo na siyang nandun. Hindi pa niya ako kino contact simula ng umalis siya.

Dalawang araw pagkatapos ng family dinner namin kasama sina mama, lumipad siya papuntang ibang bansa dahil daw sa negosyo. Wala nga siyang sinabi sakin eh. Nalaman ko nalang nung papaalis na siya. Nakakainis nga. Hindi ko nga siya kinibo nung umalis siya. Pero kasi.

"Namimiss ko na siya Mongz." Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko dahil sa pagkamiss sa kanya.

"Hoy bruha! Wag ka ngang umiyak diyan. Nandito tayo para magsaya, hindj para isipin ang mga wala dito."

"Kasi Mongz. Hindi pa siya nagpaparamdam."

"At bakit naman magpaparamdam ang asawa mo? Patay na ba siya?"

"Mongz naman. Hindi sa ganun. Hindi pa kasi tumatawag si Jarred eh. Ni hindi niya ako tinetxt."

"Baka busy lang siya. Nasa trabaho eh."

"Eh bakit yung iba diyan kahit sobrang busy sa trabaho, nagagawa pa rin magtxt o tumawag sa mga asawa nila. Yung iba nga tumatawag sa skype tapos hinaharana nila yung nga asawa nila."

"Nagbasa ka na naman ng novels ano?"

"Oo."

"Naku! Tigilan mo yan Alexa Marie. Kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip mo eh."

"Past time ko lang naman Mongz."

"Kahit na. Makinig ka sakin Alexa Marie!"

"Oo na po, nanay!" Sabay belat sa kanya.

"Che!" Napipikon pa rin talaga siya pag tinatawag ko siyang nanay. Parang si mama lang kasi kung makasermon.

"Anong panonoorin natin?" Hmmnn. Oo nga noh? Ano nga bang magandang panoorin?

"Harry Potter?" Suggestion ko.

"Limampung beses mo na yang pinanuod eh."

"Magi?"

"Ayoko ng anime."

"Witches of the East End nalang Mongz. Please please please." Sabi ko sabay puppy eyes.

"Fine. Yung nalang. Hanapin ko muna yung copy ko."

"Yehey! Thanks Mongz." Love na love talaga ako ng bestfriend ko. Parati nalang akong pinagbibigyan.

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon