Part 23

7.9K 198 1
                                    

Thank you for loving the story kaya I dedicate this to you @ZerahRuth. Sorry kung matagal ang update. Kaya, heto na siya. Enjoy!


==========**


It's been two weeks. At ngayon nga ay birthday ng asawa ko. Actually I prepared a surprise for him. Pero hindi niya alam. Surprise nga diba? Akala talaga niya nakalimutan ko na birthday niya ngayon, which is part of my surprise. Kaya nga hindi ako kinausap simula ng umalis ng bahay kanina. Nagtampo siguro. Kahit batiin kasi siya, hindi ko ginawa.

Andito ako ngayon sa bahay namin. Hindi ako pumasok sa kompanya. Pinacancel ko kay ate Janeth lahat ng appointments and meeting ko for today para sa surprise na gagawin ko. Ano yung surprise ko? Malalaman niyo later. :D

It's 9 in the morning. Katatapos ko lang maghanda ng sarili ko. I need to prepare for later. I want it to be perfect.

~~

"Hi ma. I miss you." Bungad ko kay mama pagdating ko sa bahay nila. Andito ako ngayon sa bahay- o mas tamang sabihin na mansiyon ng mga Villafuerte. Dito ko balak gawin ang surprise ko para sa asawa ko.

"I miss you too iha. Matagal-tagal na rin nung huli kang pumunta rito."

"Oo nga ma. Sorry naging busy lang ako."

"No worries iha. I'm glad you are here now. Magkwentuhan muna tayo. Maaga pa naman eh."

"Sure ma."

Dumiretso kami sa may garden nila. Ang ganda talaga ng garden nila. Kung wala siguro kaming garden sa likod ng bahay, malamang gugustuhin kong dito na lang kami tumira ni Jarred. I really love flowers. Ang ganda sa mata.

Nagkwentuhan kami ni mama. Catch up lang siguro namin kasi matagal na rin naman kaming hindi nakapagkwentuhan. Kahit close na kami ni mama, medyo nahihiya pa rin ako sa kanya minsan. Hindi naman yun maiiwasan eh.

Nung naging kami ni Jarred after my debut, super against si mama sa relasyon namin. "Hindi ko gusto ang babaeng yan para sayo Jarred!", yan ang palagi niyang sinasabi dati. Pero nung nagpropose na sakin si Red, hindi na siya tumutol pa. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin at ok na kami, siya lang pala. Wala naman siyang sinasabi samin. Basta hindi na niya kami sinasabihan ng ayaw niya sakin. Simula nga nuon, mas kami na ang magkasama kesa sa anak niya. Shopping here, shopping there. Minsan naman, kaming tatlo ni ate Jianna at ni mama.

Every Saturday naman, dito ako nakatambay sa kanila. Ayoko kasi pumasok sa trabaho tuwing Saturday. Si Red naman, tutok sa trabaho eh kaya kahit weekends, nasa kompanya. Pareho lang sila ni daddy. Si mommy naman, busy sa clothing line niya sa Paris. Kaya ako nalang ang naiiwan sa bahay. At para mabawasan yung pagkabagot ko, dito ako natambay. Naging bonding day na namin ni mama ang Saturday. At sa tuwing nandito ako, nagbebake kami ng cookies at chocolates. May mga putahi din ng pagkain na tinuturo siya sakin.

--

Everything is ready for his birthday. The foods, the gifts, pati na rin mga bisita nandito na. Well, except for one. THE BIRTHDAY CELEBRANT. Tatawagan ko nga muna siya.

calling mahal <3 ...

Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang naka phonebook sa name niya. Gustong-gusto daw kasi niya kapag tinatawag ko siyang ganyan. Hayaan nalang natin.

*ring ring ring*

"Hello baby." Ang lambing talaga ng boses ng lalaking ito. Akala ko hindi niya sasagutin dahil sa ginawa ko kanina. "May problema ba?"

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon