WARNING! SPG..
Alexa~
Isang taon na ang lumipas simula ng manganak ako. Sa loob ng isang taon, mas nakilala ko ang asawa ko. Kung dati sobrang sweet niya, mas naging doble pa ang kasweetan sa nakalipas na isang taon. Paggising ko sa umaga, parating may nakalagay na white rose sa bedside table namin. Siya din ang nagluluto ng breakfast namin. Madalas namin pagtalunan ang bagay na iyon. Pero kahit kailan hindi ako nanalo sa kanya. Kaya habang tumatagal nasanay na rin ako.
Mas hands-on din siya pagdating kay Rav. Isang iyak lang ni Rav sa gabi, bangon kaagad ang asawa ko. Siya na rin ang nagpapatulog ulit dito.
Isang sikat na architect na rin ang asawa ko. Hindi niya tinanggap ang alok ng papa niya na maging COO ng kanilang kompanya. Bagkus, nagpatayo siya ng sarili niyang office at doon tumatanggap ng kliyente para magpadesinyo sa kanya. Sa loob ng isang taon, sobrang dami na ng naging kliyente niya. At masaya ako dahil matagumpay siya sa pinili niyang career.
Ako naman, isang dakilang maybahay. Gusto ko sanang magtrabaho sa kumpanya pero gusto ko rin na ako mismo ang mag-alaga kay Rav. Kaya napagdesisyunan kong wag nalang magtrabaho. Hindi naman nagalit sa akin ang asawa ko. Sabi pa nga niya na mas gugustuhin niyang nasa bahay lang ako kasama ng anak namin kesa mapagod sa pagtatrabaho. Kaya naman daw niya kaming buhayin. Hindi din kami kumuha ng yaya para kay Rav o kaya naman kahit isang katulong. Yung katulong namin dati, bumalik na sa mansiyon ng mga Villafuerte.
Ngyon nga ay ang unang kaarawan ng anak namin. Ilang araw din naming pinaghandaan itong unang kaarawan niya. Excited kaming dalawa ni Raven para dito pero mas lamang siya. Gusto niya sana na isang engrandeng birthday party ang gawin para sa kaarawan ng anak namin. Pero hindi ako pumayag. Gusto ko yung simple lang. Tanging mga mahal lang namin sa buhay ang kasama.
Sa garden ng bahay gaganapin ang selebrasyon. Simpleng salo-salu lang kasama ng pamilya at malalapit na kaibigan at kamag-anak. Lahat ng naging parte ng love story namin ni Raven ay imbitado. May inimbitahan din si Raven na mga kliyente niya. Yung mga naging kaibigan na niya. Nandito sina daddy at mommy at ang buong pamilya ng mga Villanueva.
Saktong alas onse i-medya ng umaga nagsimula ang munting salo-salu. Pagkatapos naman ng kainan ay ang munting programa. May mga palaro para sa mga bata na nandito. Siyempre meron din para sa mga uugod-ugod na. Si ate Jianna nga pala ang emcee. Nagvolunteer siya para daw sa inaanak slash pamangkin niya. Hindi din mawawala ang pagblow ng candle. Kahit hindi pa nakakapagsalita ang anak ko, aba marunong umihip ng kandila.
Si Jarred ang naging official photographer ng buong selebrasyon. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa photography!
Katatapos lang ng blowing of the candle ay pumunta sa gitna ng stage ang asawa ko. Hindi ko naman alam na magbibigay pala kami ng speech. Hindi niya ako sinabihan!
"Ahh-- H-Hello." Muntik na akong matawa sa hitsura niya ngayon. Para siyang matatae na ewan. Halatang kabado siya kasi yung kamay niya nasa batok niya. Pero bakit siya kabado? At parang nahihiya?
Nasa kanya na rin ang atensyon ng lahat. Naghihintay ng kung ano ang sasabihin niya.
"Maraming salamat sa pagpunta niyo dito ngayon upang maki-celebrate sa unang kaarawan ng panganay namin. Panganay kasi masusundan pa yan!" Proud niya pang sabi sabay kindat sakin. Namula ang pisngi ko. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid.
"Pero hindi talaga ito yung rason kung bakit ako nandito sa harap niyo ngayon." Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. Tumingin siya sakin, particularly sa mga mata ko. "Almost 1 year and 9 months ago, I came back to the Philippines to become a Substitute Groom to my brother's fiancee. It was a decision na kahit kailan hindi ko pinagsisihan because my brother's fiancee is the only woman I have loved in my entire life. I thought maybe it was God's plan para makasama kong muli ang babaeng pinakamamahal ko. But her calling me someone else name broke my heart into pieces." I didn't know na ganun pala ang naramdaman niya nung mga panahon na yun. I'm sorry Raven. If only I knew.
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...