Part 28 : Kiss and Make Up

8.5K 150 0
                                    

Wala akong ibang mapupuntahan kaya dumiretso ako sa bahay ng bestfriend ko. Hindi naman siguro yun naglakwatsa ngayon. Alam kong dadamayan din ako ng babaeng yun. Kahit na may pagka bitch yun, mahal na mahal ako nun.

Andito na ako sa tapat ng bahay niya. Nagbuntong-hininga muna ako bago ako yuluyang lumabas ng kotse ko at kumatok sa may pintuan. Sanay na akong pumasok agad sa bahay niya kaya lang wala ako sa sarili ngayon kaya naman kumakatok ako.

Ilang sandal pa ang nakalipas at pinagbuksan na ako ni Mika. Dahil na rin siguro sa sama ng loob na nararamdaman ko ngayon, bigla ko nalang siyang niyakap pagbukas pa lang niya ng pintuan. Doon ako umiyak ng umiyak. Para akong isang batan paslit na inagawan ng isang laruang manika dahil sa labis kong pag-iyak. Inalo naman ako ng bestfriend ko at inalalayan papasok sa bahay niya. Pinaupo niya ako sa sofa at siya na mismo ang yumakap muli sa akin.

Ito ang kailangan ko ngayon. Isang taong masasandalan. Hindi ko ito kaya ng mag-isa lang. Kailangan ko ng makakaramay.

Hindi ko alam kung ilang minute akong umiyak sa balikat ng bestfriend ko. Ang natatandaan ko lang ay nakatulog ako habang umiiyak.

Paggising ko, nagtaka ako kung nasaan ako. Ilang sandali pa ay bigla kong naalala ang lahat. Gusto ko sanang umiyak kaya lang ay naramdaman kong may gumalaw sa may tiyan ko. Tiningnan ko ito at napangiti ako ng may napagtanto ako. May isang anghel akong dinadala sa sinapupunan ko, dapat hindi ako masyadong mastress.

Hinimas ko ang aking tiyan at bumulong. Baby, kapit ka lang kay mommy ha? Pasensya ka na kung naging pabaya si mommy sa iyo kanina. Hindi na mauulit iyon. Magiging matatag na si mommy simula ngayon.

Bigla akong nakaamoy ng mabangong pagkain. Tumayo na ako at bumaba. Nasa ikalawang palapag kasi ang mga kwarto sa bahay ni Mika. Walang ibang kwarto sa baba maliban sa isang maid's room na hindi naman nagagamit dahil wala siyang maid.

Pagdating ko sa kusina, sakto naman na naghahain ng pagkain ang bestfriend ko. Napatingin ako sa labas ng bahay mula sa bintana ng kusina, madilim na. Anong oras na kaya?

"Alas 6 na po ng gabi. Ang haba ng tulog mo mahal na prinsesa." Sinimangutan ko siya.

"Uyy! Anong mukha yan? Bawal yan dito. Bawal kumain ang hindi nakangiti." Siyempre ngumiti ako sa kanya. Hindi pilit na ngiti. Siyempre naisip ko si baby. Kakain na kaming dalawa. ^^

"Ayan. Ang ganda na ulit ng bestfriend ko! Mana ka talaga sakin."

"Tumigil ka nga dyan mongz. Paano ako magmamana sayo eh hindi naman ikaw ang nag ere sakin."

"Ehh-- Kumain na nga lang tayo!" Ay, gusto ko yan, namin ni baby ^^

"Sure!"

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa sofa. Nagsalang siya ng dvd.

Ilang minuto kaming tahimik. Yung tv lang ang nag-iingay. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Tardz, bakit ka ba umiiyak kanina?"

Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Naiiyak ako.

"Kasi nakita ko siyang may kasamang babae kanina."

"Yun lang?" Medyo exagerated niyang tanong

"Oo."

"Tardz naman! Baka kaibigan niya lang yun."

"Yeah, kaIBIGAN." Pinagdiinan ko talaga yung ibigan.

"Yun naman pala. Eh bakit ba mo yun iniyakan? Pambihira ka naman tardz, dahil lang dun kaya ka umiyak? Nagsayang ka lang ng luha!"

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon