Prologue

29.9K 538 5
                                    

"Hoy! Kayong mga batang mga walang magawa sa buhay! Tigilan niyo nga yang batang yan." Sabi ng isang batang lalaki sa isang grupo ng mga kabataan na may binu-bully na isang batang babae.

"Sino ka naman? Gusto mo bang ikaw ang masaktan?"

"Baka naman kayo ang gustong masaktan. Kapag hindi pa kayo tumigil, matatamaan talaga kayo sakin." Maangas niyang sabi sa kanila.

"Umalis ka na dito. Wag kang makialam." Sabay suntok ng leader ng mga bata doon sa lalaki. Hindi niya inaasahan ang suntok na iyon kaya natumba siya.

Agad naman siyang nakabawi. Tumayo siya at pinagsusuntok isa-isa ang limang mga bata na kasing edad niya.

Natakot naman sa kanya ang mga bata kaya tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa ng batang babae na kanina pa umiiyak.

"Hoy uhugin! Tumigil ka nga sa kakaiyak mo. "

Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak ang batang babae.

"Sige ka. Pag hindi ka tumigil diyan pababalikin ko dito yung mga nambully-"

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng batang babae. Niyakap siya nito. Dahil sa pagkabigla, natumba sila pareho. Siya ang nasa ilalim samantalang ang batang babae ay nakapatong sa kanya.

*dug dug dug*

*dug dug dug*

"Salamat. Maraming salamat. Kung hindi ka dumating, baka may nangyari ng masama sakin. Ikaw ang savior ko. Ikaw si superman ko."

Medyo naiilang siya sa kanilang pwesto kaya itinayo niya ito. Naupo sila sa isang bench pero hindi siya magkatabi. Siya nasa isang dulo habang ang babae naman nasa kabilang dulo.

Hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya ang batang babae. Hinawakan nito ang kamay niya ang ipinwesto na parang nanunumpa.

"Dahil ikaw na si superman ko, ipangako mo sakin na ikaw ang magtatanggol sakin mula sa masasamang tao at hindi mo ako iiwan kahit kailan." Nakangiting sabi ng batang babae sa kanya.

*dug dug dug*

*dug dug dug*

Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Pero natagpuan na lamang niya ang sarili na nakangiting nakatingin sa batang babae at sinabing

"Pangako ko sayo uhuging bata. Simula sa araw na ito, ako na ang magiging tagapatanggol mo sa mga masasamang tao at hindi kita iiwan kahit kailan. Kahit buhay ko pa ang kapalit."

Niyakap siya nito. Pagkatapos ay hinampas sa balikat.

"Hindi naman ako uhugin eh." -_-

"HAHAHAHA!~" Tiningnan niya ito.

Siya na ang superman ng uhuging babaeng ito. Siya na ang magtatanggol dito. At hindi niya ito iiwan kahit kailan.

"Pangako, tayong dalawa ang magkasama habangbuhay." Natutuwa siya sa kanyang naiisip.

--

Votes and comments are highly appreciated. Thank you! ^_^
-REDShuffy

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon