Part 2.1 - Preparation

16.9K 270 0
                                    

Alexa~


8 am pa magsisimula ang wedding pero 3 am palang gising na ako. Sabi ni mommy dapat daw mamaya pa ako 5:30 gigisingin at aayusan para fresh pa daw ako tingnan. Pero kahit anung gawin ko hindi na ako makatulog ulit eh. Pinainom na nga ako ni ate Jem ng gatas pero hindi parin umepekto. Ayaw pa rin pumikit ng mga mata ko.


Kaya heto ako ngayon, nasa may veranda, nagpapahangin at hinihintay ang tamang oras. Nakakainip pero nakakaexcite.


Kaya siguro ako maaga nagising kasi super excited ako. Pero bakit kinakabahan ako? Ganito ba talaga pag ikakasal? Super duper ang kaba? Ayokong mag-isip ng negative baka pumanget ako mamaya eh.


Napabuntong-hininga ako.


Be positive lang Lex. I told myself.


*tick tock

  tick tock

  tick tock*


Ang bagal naman ng orasan. 5:15 palang. Gusto ko na maayusan nila para mawala na yung kaba ko. Mapuntahan nga si mommy sa silid niya. 


I knocked twice. Baka tulog pa si mommy.


"Mom, areyou awake?' I asked from outside her room.


"Yes baby. Pasok ka. Bukas yan." – mom


"Any problem? Maaga pa ah." Tanong niya sakin pagpasok ko sa kwarto nila daddy. Wala si daddy ah. Asan kaya siya? Well, nevermind.


"No mom. Excited lang po ako para mamaya. Super ang kaba ko mom. Is it normal?' I asked her. Yun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Kung kahapon medyo lang, ngayon sobra-sobra na talaga.


"Alam mo baby, nung day ng kasal namin ng dad mo, parang gusto ko na magback-out sa kaba. Sinabi ko pa nga sa lolo mo na hindi ko na isusuot yung gown ko. Iniisip ko kung tama ba talaga na magpasakal na ako, este magpakasal. Pero sabi ng papa na isipin ko daw yung image ni Alex. Ayun, pumikit ako, then I saw him smiling at me. At sabi ko sa papa, ready na po ako. Sobrang kaba ko rin nung time na yun pero dahil lang siguro yun sa excitement kagaya mo. Natural lang yan anak. Pero pag nakita mo na si Jarred sa harap ng altar, mawawala din yan."

Ginawa ko ang sinabi ni mommy. I imagined Jarred's face. Hindi naman siya palangiti eh. Tatlong beses ko pa lang yata siya nakikitang ngumiti sakin. When he asked me to be his girlfrieng, nung binigyan ko siya ng second chance and when I said yes to his proposal. But nevertheless it relieved me. I still want to see more of it.


"Oo nga po mom. Thanks po. Narelieved po ako sa sinabi mo. Mom, pwede na po ba akong ayusan? Malapit na rin naman 5:30 eh."  I'm so excited pero nandito pa rin ang kaba.


"Sige na nga. Atat na ang baby ko na ewan kami ng daddy niya." Biro ni mommy sakin.


"Mom naman." Natatawa kong sabi.


Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon