Part 22.1: Sorry na..

7.8K 180 0
                                    

Short update lang po ito. Medyo busy na po kasi sa school. Sorry po.

-REDShuffy

----------------

Alexa POV~

Nagising ako dahil naramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko. Tumingin ako sa bedside table ko. Its still three in the morning. Madilim ang kwarto ko kasi nakapatay ang ilaw. Tanging ang lampshade lang na nasa bedside table ang nakabukas.

"Hmmmnnnn.."

I felt someone moved on my side. Pinanlakihan ako ng mata pagtingin ko sa gilid ko. Its my husband! How on earth is he here? Di ba nasa ibang bansa pa siya?

Humigpit ang yakap niya sakin. Kaya pala may mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko. Kamay lang pala niya yun. He is hugging me. Siniksik pa niya ang mukha niya sa may leeg ko.

I smiled. I miss this man, so much. I'm thankful andito na ulit siya sa tabi ko.

"Tangkad." I called him. Gusto kong patunayan na siya na talaga to.

"Hey tangkad."

"Hmmmn..." He answered without looking at me. Nakapikit pa ang mga mata niya.

"Kelan ka pa nakabalik?"

"30 minutes ago."

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka? Para nasundo kita."

"I don't want you to get tired. Madaling araw na."

"Kahit na. You should've told me." Nagtatampo ang boses ko. Ngayon na pala siya uuwi pero hindi ko man lang alam. I'm a bad wife.

"I'm sorry." Napakasincere niya magsorry.

"Tsaka, for the last three weeks since you went to that conference, hindi mo ako kinocontact. Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sayo. Parati kong iniisip kong kumain ka ba sa tamang oras. Kung ayos ka lang ba. Kung hindi ka ba nagkakasakit dun." I can't help but to tell him everything I feel. Ganun naman ako parati sa kanya eh. I'm always open. I don't want to hide something from him.

Mas nilapit pa niya ang katawan niya sakin. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako sa mga mata ko. He sighed before he speak.

"Marie, I'm sorry kung pinag-alala kita. You don't have any idea kung anong hirap ang tiniis ko para lang wag makipagcommunicate sayo.'

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Bakit mo naman ako titiisin? Nakakainis ka ah! Ako sobra ng nag-aalala sayo tapos ikaw, tinitiis mo lang pala ako."

"Kapag hindi kita tiniis, hindi ko matatapos ang conference. I knew the moment I would hear your voice, babalik agad ako dito sa Pilipinas para makita at makasama ka."

Nagblush ako sa sinabi niya. Ganun ba talaga ang mangyayari? Kaya ba hindi nalang niya ako kinontact?

"Then you should've emailed me then. Hindi mo maririnig ang boses ko."

He chuckled.

"Email, chat, tawag o text pareho pa rin ang epekto nun sakin. Simpleng reply mo lang, uuwi agad ako rito para makita ka. Ganyan kalakas ang tama ko sayo."

Hinampas ko balikat niya. Pero mahina lang.

"Che! Nakakainis ka."

Wala na kasi akong masabi. Pinagtawanan lang ako ng loko. Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. I miss this. I miss him. Binaon niya ulit yung mukha niya sa leeg ko ang hug me tighter.

"Baka mapisa na ako niyan." Ang higpit kasi ng pagkakayakap. Di naman sobra,yung tama lang. Yung yakap na nagsasabing ayaw niya akong mawala sa kanya.

I felt him smile. "I miss you."

Napangiti ako ng sobra sa sinabi niya. Akala ko kasi hindi niya ako namiss eh.

"I miss you too, sobra."

I can feel his breath on my neck. Nakakakiliti.

"How are you here nung wala ako? Kumain ka ba sa tamang oras? Baka naman hindi ka kumakain. Tsaka baka nagpupuyat ka."

He is really caring. Now, nagiging vocal na siya sakin. Masaya ako at ikinasal na kami.

"Di ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?"

"Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko doon Marie kasi alam kong mag-aalala ka."

Tama nga naman siya. I always want him to eat his foods on time.

"Baka naman nambabae ka dun? Naku tangkad pag nalaman kong nambabae ka dun, lalayasan talaga kita!"

"Your just paranoid. Ikaw lang ang babae ko, okay? Tsaka hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinong babae diyan. You are my dream. Ngayong akin ka na, hinding hindi kita pakakawalan pa."

I'm speechless. Galing din magpakilig nitong lalaking ito. Kung hindi kaya kami ikinasal, magiging ganito din kaya siya? Hmmmn...

"Matulog na tayo Marie, I'm still tired from my flight."

"I forgot,sorry. Let's sleep na."

He kissed my forehead, my nose, and my lips before he nuzzled on my neck to sleep. Napangiti nalang ako. My sweet husband. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.


Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon