~~
"Raven, bumangon ka na diyan." Gising ko kay Raven. Alas siyete na ng umaga pero nakahilata pa rin siya. Hindi ko alam kung anong oras na siya natulog kagabi.
Pinauna na niya akong matulog dahil may tatapusin pa daw siya. Busy siya makipagtitigan sa kanyang laptop ngunit sinara niya ito nung sinabi kong matutulog na kami ng anak niya. Akala ko matutulog na din siya pero sinabi niya sakin na babantayan lang niya ako hanggang sa makatulog ako. Babalik lang siya sa ginagawa niya kapag nasigurado niyang tulog na ako. Hindi ko alam kung yun talaga ang ginawa niya. Nakatulog na agad ako pagkasabi niya nun.
"Gising na tanda. Kakain na tayo." Ulit kong gising sa kanya. Hindi pa rin kasi siya bumabangon. Ang dami na ng nasabi ko sa isip ko pero hindi pa rin niya dinidilat ang mata niya.
"Mmmmm..." Ungol lang ang tugon niya sakin habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Mukha siyang pagod pero bakit ang gwapo pa rin niya? Hindi pala siya mukhang pagod dahil pagod na pagod talaga siya.
Napabuntong-hininga ako. Anong oras kaya siya natulog?
"Kakain nalang akong mag-isa." May himig pagtatampo ang boses ko. Ayoko naman talaga siyang gisingin dahil puyat pa siya pero kasi hindi ako sanay na hindi siya kasabay kumain sa agahan. Tsaka nakakawalang-gana kaya kumain kapag mag-isa lang.
Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Pungay ang matang bumangon siya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Good morning Marie. Kain na tayo" Masiglang sabi niya ng nakangiti.
Napatingin naman ako sa katawan niya. Topless kasi siya kung matulog at naboxer shorts lang sa baba. Hindi maipagkakailang napakaganda ng katawan niya kahit hindi naman siya nag gi-gym.
"Alam kong masarap ako Marie. Pero wag mo naman akong pagnasaan ngayon. Manganganak ka na sa susunod na linggo tapos ilang buwan pa ang aabutin bago maghilom. Wag mo naman akong itorture." Pukaw niya ng atensyon sakin. Pinaikot ko ang mata ko.
"Kailan ka kaya mauubusan ng kayabangan sa katawan? Lumalala ka na yata eh." Nakakahiya yung ginawa ko.
"Wag mo na kasing ideny." Ngumiti siya sakin ng pang-asar ng ngiti.
"Che! Gutom ka lang. Ikain mo nalang yan."
Hinila ko na siya papuntang kusina. Hindi ko na siya pinagsuot ng t-shirt. Kami lang naman kasing dalawa ang nandito sa bahay. Hindi ko na rin siya pinagtooth brush, mabango naman hininga niya tsaka gutom na ako.
Nagsimula na kaming kaumain. Maaga akong nagigising sa umaga kaya naman ako ang nagluto ng agahan. Tiningnan ko ang asawa ko na nasa harap ko ngayo. Mahahalata sa mukha niya na kulang siya sa tulog.
Tahimik lang kaming kumain na dalawa. Gutom ako kaya hindi ko muna siya kakausapin.
Dalawang araw na simula ng umuwi kami galing sa isla.
The moment we kissed under the moonlight, I realized I am ready to face every struggles and trials that will come along our way. Basta kasama ko siya, alam kong kaya kong harapin lahat ng pagsubok na darating sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...