Part 22.2

8.6K 160 1
                                    

"Iha may board meeting ka after 15 minutes. Be prepared. "

"Salamat ate."

Andito ako ngayon sa kompanya. Isang linggo na ang lumipas simula ng dumating ang asawa ko. At sa loob ng isang linggo na yun, hindi ko pa nasasabi sa kanya na buntis ako. Plano kong sabihin sa kanya yun sa birthday niya. Surprise ko para sa kanya. Alam ko magiging masaya si Jarred kapag nalaman niya na magkakaanak na kami.

Sa isang linggo rin na lumipas naging busy kaming dalawa. Siya sa kumpanya nila. Ako naman sa kompanya namin. Pero kahit busy kami, we make sure na mayroon pa rin kaming time sa isa't isa. Sabay kaming pumupunta ng office sa umaga tapos sinusundo niya ako paghapon na. Ayaw na ayaw niyang napapagod ako.

Ano nalang kaya kapag malaman niyang buntis ako? Naku! Baka patigilin ako nun sa pagtatrabaho. Hindi pwede yun! Over protective pa naman yun sakin. Kahit na ganun, hindi ako nasasakal. In fact, I find him sweet.

Speaking of sweet. Nung araw na umuwi siya may hinanda siyang surprise sakin pagkagabi. Hindi talaga nauubusan ng supresa ang mahal ko.

~Flashback~

Paggising ko kinaumagahan, ako lang mag-isa sa kama. Hindi kaya nananaginip lang ako na umuwi siya? Pero nayakap ko pa nga siya eh. Panong wala siya rito. Ganun ko na ba talaga siya ka miss kaya napanaginipan kong andito na siya? Nalungkot ako bigla.

Makaligo na nga lang. Kailangan ko pang magpunta ng office. Marami pa akong kailangan gawin dun.

Pagkatayo ko, nagtaka ako sa nakita ko. Merong isang boquet of roses sa sofa na katapat ng kama namin. Lumapit ako doon at kinuha ang rosas. Napangiti ako. Meron isang note na nakalagay sa rosas. Sigurado ako ng sulat kamay niya to.

'Good morning baby. I cooked you breakfast.

Nauna na akong umalis. Sorry. I love you.

-Asawa mong gwapo'

Natawa naman ako. Kailan pa naging conceited si Jarred? Pero hindi na yun mahalaga.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Kahit tapos na akong maligo at kumakain na ngayon, hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi ko.

"Baby, ang sweet ni daddy mo. Lalong naiinlove si mommy. Sana palagi nalang siyang ganyan." Kausap ko sa anak ko. Kahit na alam kong fetus pa lang siya, iba yung saya na nararamdaman ko sa kaalamang may isang anghel akong dinadala sa sinapupunan ko. Isang anghel na magiging anak ko at tatawagin akong mommy. Alam kong magiging masaya rin si Jarred pag nalaman niya ito. Pero hindi ko muna sasabihin sa kanya ito.

"Baby, secret muna natin kay daddy to. Ok? Sa birthday nalang niya natin sabihin para surprise sa kanya. Malapit na rin naman yun. 2 weeks nalang. "

Tinapos ko na ang pagkain ko. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at nag-ayos na ng sarili.

Pagdating ko sa kompanya, naging busy ako na halos nakalimutan ko na ang oras. Kung hindi pa tumawag ang asawa ko para tanungin kung kumain na ba ako, hindi pa kakalam ang sikmura ko.

"Baby, kumain ka na ba?" Anong oras na pala? Nanlaki ang mata ko pagtingin ko sa relo ko. 12:45 na! Patay!

"Ah ehh.." Pano ko ba sasabihin sa kanya na hindi pa ako kumakain?

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Hindi ka pa kumakain." Sigurado akong nakakunot na naman ang noo nito. "Magpapadeliver nalang ako diyan. Kainin mo agad pagdating diyan, ok?"

Napangiti ako. Isa ito sa mga katangiang gusto ko sa kanya. Grabe niya ako kung alagaan. Pero hindi naman siya ganito nung magkasintahan pa lang kami. Ngayon lang siya ganito sakin.

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon