Raven~
It's our first day as husband and wife. Or should I say, our first day as substitute husband and wife. I know I am unfair to her. She's married to someone else. Pero as if naman may choice din ako. Mahal ko ang kakambal ko at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya kahit na kasama na dun ang magpanggap.
Pero bago ang lahat magpapakilala muna ako. I am Raven Villanueva, twin brother of Jarred Villanueva, ang husband-dapat ni Marie. Yun nalang muna ang sasabihin ko. Basta alam niyo na ako ay isang substitute groom lamang.
Pero wala akong pinagsisisihan sa nangyari. It's my decision kaya nangyari ito. As well as, it's my FAULT kung bakit nangyari ito.
Hmmm.. Ang bango naman.
Si Marie na siguro yun. Nagluluto. Nakokonsensiya ako sa kanya kagabi dahil sa ginawa ko. Buti nalang talaga may tumawag sakin, kundi, di ko na alam ang susunod na mangyayari. Lalaki din ako noh. Tsaka ang cute kasi niya pag naka pout. Di ko mapigilan yung sarili ko.
Alam ko nagtataka na si Marie sa ikinikilos ko. Yes, kambal kami ni Red pero we still differ from one another. Isa pa minsan lang kami magkasama ni kambal. Kaya hindi ko kabisado ang ugali at kilos niya. If only things were different.
I'm still lying here sa sofa. Dito na ako natulog kagabi. Nakatulog na kasi si Marie kagabi nung bumalik ako sa room kaya dito na ako natulog. I didn't bother to wake her up.
"Gising ka na pala. Halika, kain na tayo. Nagluto na ako." - Marie.
Naputol tuloy ang pag-iisip ko. Sinabi niya yun sakin while smiling so sweetly.
"Ok."
Yan nalang ang nasabi ko. Ano pa nga bang iba kong sasabihin?
--
Nandito ako ngayon sa kompanya nila ni dad. Parte na rin to ng pagpapanggap ko. I have to manage their company kahit na ito ang pinaka ayoko sa lahat.
"Good morning sir. Here's your schedule for today." Siya siguro ang secretary ni Red. Jacob yata yung name nito kung hindi ako nagkakamali.
"Pakilagay nalang sa table ko. Babasahin ko nalang yan later."
"Ok po sir. Do you need coffee?"
"No, thanks. I already had one earlier."
"Ok sir. Nasa labas lang po ako pag kailangan niyo ako."
I really don't have plans of being here. Pwede naman daw akong mag-absent for few days para sa honeymoon namin. Kaya lang ayoko kasing makasama si Marie sa buong araw eh. There's something in her.
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...