If you love someone, let them know how you feel. Exert effort. <3
--
Sampung araw na simula ng nandito kami sa isla. At kung tinatanong niyo kung bored na ako. Hindi. Hindi ako bored. SUPER bored ako. Wala na akong ginawa kundi ang matulog, kumain, maglakad-lakad, kumain, matulog. Minsan nanonood ako ng tv, ng mga movies, nagsu-surf din ako sa internet pero sobrang hina ng signal! May cellphone nga, ang hina din makahanap ng signal. Napapanis na din ang laway ko dito. May kasama nga ako pero hindi ko siya gustong kausapin. Mas ok sakin mapanis ang laway ko kesa kausapin siya. Umiiwas din naman siya sakin eh kaya fair lang yun.
Pero nasaan na kaya siya ngayon? Mag-iisang oras ko na siyang hindi nakikita. Ala-una na ng hapon. Huli ko siyang nakita kanina nung kumain kami ng pananghalian. Yes, sabay kaming kumain. Hindi nga lang kami nag-usap. Nakakawalang gana kaya kumain mag-isa kaya pinasabay ko nalang siya. Siya din naman nagluto ng pananghalian namin eh. Baka naghuhugas pa siguro yun ngayon. Pero ang tagal naman yata. Matingnan nga.
Baka sabihin niyo namimiss ko yung tao. Hindi ah! Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba ang kasama ko. Baka ako nalang pala mag-isa dito sa islang ito. Hindi ko pa naman pagmamay-ari to. =_=
Pagpunta ko ng kusina, wala namang tao. Asan na kaya yun? Tapos na kaya siyang maghugas? Malamang! Isang oras na kaya ang nakakalipas. Siyempre tapos na yun. Ang tanga mo talaga Alexa. Haays! Nababaliw na yata ako.
Dumiretso nalang ako sa labas. May isang pintuan sa may kusina kung sakaling gusto mong lumabas mula doon. Paglabas ko, nashock ako sa nakita ko.
Isang adonis na nakaboxer short lang ang naglalaba. Wala siyang pang-itaas kaya kita ko ang kanyang mga abs. Ang ganda ng katawan niya. Mukhang inaalagaan talaga ng mabuti. Nakaharap siya sakin pero nakatuon ang pansin niya sa kinukusot niyang mga damit.
Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magkusot ng damit. May washing machine naman sa tabi niya pero nagkukusot pa rin siya. Bakit parang gumwapo siya sa paningin ko? Siguro dahil madalang lang ako makakita ng lalaking naglalaba. Si daddy nga hindi naglalaba eh. Ako nga washing machine ginagamit ko pag naglalaba. =_=
Mukhang napansin na rin niya ako dahil bigla na lang siyang tumayo at lumapit sakin.
"Marie, may kailangan ka? May masakit ba sayo?" Kaya ako nakokonsensya eh. Dahil sa ugali niya. Haays!
"Ayos lang ako. Bakit hindi mo ginagamit ang washing machine? Sira ba?"
Nagkamot siya ng batok bago sumagot sakin. Hindi na naman ako naglilihi ah! Bakit ang cute niya tingnan kapag ganun?
"Hindi sira ang washing machine. Ayoko kasi i-washing machine yung mga damit mo baka masira."
Natouch naman ako dun. Kaya pala siya nagkukusot dahil ayaw niyang masira damit ko. Paano naman yung kamay niya. Baka magkasugat-sugat. :(
"Baka magkasugat-sugat kamay mo."
Ngumiti siya sakin. Kinikilig ba siya?
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...