Maaga akong nagising ngayong araw. Why? It's my check-up today. And guess what. Pwede na namin malaman ang gender ni baby. I'm so excited.
I looked at the bedside table. It's still 5:45. My husband is still sleeping soundly in our bed. Napagod to kagabi. May dinner meeting kasi sila kagabi at late na siya nakauwi. Kaya hindi na kami nagkausap pag-uwi niya. Bagsak siya sa kama pagpasok palang sa kwarto. Ni hindi na nga siya nakapag shower which is not so him.
Bumaba na ako para maghanda ng breakfast. Gusto ko ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Parati nalang siya yung naghahanda ng breakfast para samin ni baby. Palibhasa masarap siya magluto eh. Masarap din naman ako magluto pero siyempre mas masarap yung sa kanya. Aminado naman ako dun. ^^
Simpleng breakfast lang ang lulutuin ko. Hotdog, bacon, egg pati na din rice. Mamaya pa naman yun 6:30 magigising. Hopefully matagalan pa kasi puyat yun kagabi. Pero kahit anong puyat naman nun eh, magigising pa rin yun ng maaaga. Kaya dapat bilisan ko yung kilos ko.
Saktong 6:20 tapos na akong magluto. Siyempre ipinagtimpla ko rin siya ng paborito niyang kape. Everyday siya nagkakape eh. Bakit kaya hindi siya nerbiyoso? Oh well, mabuti na nga yung ganun eh.
Tinawag ko si manang para tulungan akong iakyat yung niluto ko pati na rin yung kapeng tinimpla ko. Ayokong itake yung risk na ako ang magdala nun. Baka kung anong mangyari sakin. Mabuti na yung nag-iingat. Breakfast in bed ang surprise ko sa asawa ko. Pambawi man lang sa effort niya.
Pinalagay ko nalang kay manang yung tray ng pagkain sa may table malapit sa balcony. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan ni manang. Hindi ko kasi natanong sa asawa ko. Medyo busy kasi siya tapos hindi naman kami nagkakausap ni manang. Yaan na nga lang. Sa susunod tatanungin ko na siya.
Umupo ako sa may bed naming. Sa pwesto kung saan natutulog ang asawa ko. Ang himbing ng tulog niya. Bakit ang gwapo niya kahit tulog siya. I trace his face. From his eyelashes to his closed eyes, down to his nose then yung lips niya. Ang lambot. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Hindi na ako nakapagpigil, kinurot ko ang pisngi niya.
"Aray!" Oops! Nagising tuloy ang mahal na hari. Hindi naman dapat ganun ang paraan ng paggising ko sa kanya eh.
"Sorry." I said to him habang nakapout. "Di ko sinasadya mahal. Ang gwapo mo kasi eh." Nakayuko na ako niyan. Baka kasi pagtingin ko sa kanya eh galit siya. Ayoko nun.
"So, pinagnanasaan mo ako habang tulog ako? Ganun ba baby?" I feel myself heating up. Waaah! Nakakahiya. Ganun ba yun? Hindi naman eh.
"Ehh.. Hindi ah!" Tanggi ko. "Masama na bang magwapuhan sa asawa ko ngayon?" Sabay tingin sa mata niya. Ang lapad ng ngiti niya ah.
Tumawa muna siya bago niya ako niyakap. "Hindi po baby. Kahit araw-araw kang magwapuhan sakin, ayos lang. Kahit minu-minuto mo ako panggigilan, ayos lang."
"Sabi mo yan ah." Sabi ko ng nakangiti.
"Ahh eeh.. Araw-araw nalang pala baka magsawa ka kaagad." Hindi nalang ako sumagot. May point din naman siya eh. Humiwalay na siya sakin pero hinila niya ako pahiga sa tabi niya. "So, care to tell me why you woke up so early today?"
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...