Alexa~
"Daddy, what's with the commotion here? Ang aga-aga, ang ingay mo. I'm still sleepy!"
Sabi ko sa kanya while yawning. Nasa panghuling baitang ako ng staircase sa may second floor ng bahay namin. Ayoko pa sanang bumangon dahil ang sarap pa ng tulog ko pero ang ingay kasi ni daddy. Di ba niya naisip na kailangan kong magpahinga kasi bukas na yung big day ko? It's still 5:30 in the morning for pete's sake! Kung di ko lang mahal tong ama ko eh. Hays. Nasira na tuloy ang mahimbing kong tulog.
"Bakit ba kanina ka pa hindi mapakali dad?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko sa sala. He keep on pacing back and forth. Ako ang nahihilo sa kanya. Geez! Pwede naman siyang umupo.
"Baby sorry for waking you. Di pa rin kasi namin macontact si Jarred. It's been three day na iha. Tomorrow is the big day and yet nawawala siya." Sabi ni daddy na puno ng pag-aalala ang mga mata. Yes, it's been a week since I last saw my groom. Since then hindi na siya nagpaktia dito. Well, ano pa bang bago? Minsan lang naman talaga kami magkita. Minsan nga umaabot pa ng dalawang linggo ang hindi namin pagkikita. And take note, not even a single text message or a single call.
"Dad, kalma lang po. It's okay. Baka hinahanda lang niya sarili niya for the wedding. Para sa future namin. Baka ine-enjoy niya yung last moments niya na magiging binata siya. You've experienced that before dad." I told him while smiling.
Sinabi ko lang yun para kumalma si daddy. Pero hindi yun ang nararamdaman ko. I'm also afraid na baka hindi nga sumipot si Jarred bukas. But why wouldn't he? We've been preparing for this for almost 6 months at di niya lang sisiputin? I know hindi niya ako ipapahiya. He loves me right? Kaya niya ako papakasalan dahil mahal niya ako at ganoon rin naman ako sa kanya.
"Dad, I'd better take Shexa outside. Magpapa-araw muna kami." Sabi ko nalang kay dadd ng hindi siya sumagot. I better run outside nalang din siguro para mawala yung pangamba sa dibdib ko. It's not a good way to start a day.
"Ok. You take care." He said then kissed my forehead.
Ilang araw na akong kinakabahan at mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ni daddy. Dahil lang siguro to sa excitement sa mangyayari bukas. At sana yun lang ang dahilan ng kaba ko ngayon.
Asan na ba si Shexa? Gagala muna kami saglit para mawala yung kaba ko. :)
--
Nasa park ako ngayon kasama si Shexa. May park kasi malapit sa subdivision at dito ako parati pumupunta pag gusto ko mag relax. It's my favorite place. Idagdag pa na sa park din kami ni Red unang nagkakilala.
Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Alexa Marie Montemayor. 22 years young. Fiancee ni Jarred Villanueva. I graduated college 2 years ago with a Latin honor. Bachelor of Science in Business Administration ang course ko. Siyempre ako kasi ang magmamanage ng company ni daddy. Kahit ayoko sana, I am left with no option. Unica hija ako eh. Ayoko rin naman na magalit sakin si daddy. I always want to make him proud. Si mom naman, well, she's always proud of me. Parati niya sinasabi sakin yan eh. But dad is different, he is always a perfectionist. Kaya I always do the best.
Jarred and I are in a relationship for 4 years bago namin naisipan na magpakasal. I was 18 nung naging kami. Siyempre, hinintay ko talaga na ligawan niya ako. Hindi ko inintertain yung iba kong mga manliligaw kasi ang gusto ko siya lang.
Hindi naman nagalit sakin si daddy nung naging kami ni Jarred. Botong-boto daw siya kay Red. And I'm happy dahil dun. At nung nalaman niya na ikakasal na kami, mas masaya pa kesa sakin. Di ko talaga gets si daddy. Pero thankful ako at hindi siya against sa amin ni Red.
Jarred was my first love. He's my superman. Ever since he saved me that day, hindi na siya nawala sa isip ko. That incident happened on summer. I was 9 that time. Nagbakasyon ako noon sa auntie ko. I got excited when my auntie told me na may park daw sa malapit. When she mentioned park, the first thing that came to my mind was flower. Mahilig ako sa bulaklak. Akala ko maraming bulaklak sa park na tinutukoy niya pero nanibugho ako ng makitang puro bermuda grass ang nandun at mga malalaking kahoy sa paligid. Wala masyadong tao doon. May iilang mga batang tulad ko na naglalaro.
But the next events terrified me. May mga batang katulad ko na lumapit sakin. Lima silang mga batang lalaki. Akala ko makikipagkaibigan sila. Pero inagaw nila yung dala kong lalagyan ng juice. Siyempre mahigpit ang hawak ko dun at ayokong ibigay sa kanila dahil akin yun. Tinulak ako nung pinakamalaki sa kanila. Yung isa naman bilang hinablot yung dala kong juice. I cried and cried after that. Buti nalang may isang batang lumapit sa amin at inawat sila. And that it him. Nung nakauwi na ako sa bahay, saka ko lang narealize na hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Kaya everyday, I went to the place where we first met hoping I will see him again. Pero bigo ako.
Buti nalang nakita ko siyang muli nung pasukan. I was first year grade four siya naman grade six na. At doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Jarred Villanueva. Pareho lang kami ng pinapasukang paaralan pero noon ko lang siya napansin.
It was high school days when I realized I had a major crush on him. Same school pa rin kami but he's my senior. And that major crush grew into love. Unbelievable but I became his stalker for many years. Kung nasaan siya, andun ako. Fortunately nung nagcollege ako, one of my friends happen to know him kaya nakilala niya ako. Then we became close friends. Hanggang sa he courted me when I turned 18. It was unexpected. Hindi naman kasi siya nagpaparamdam. But I was more than happy nung naging kami. Then 6 months ago, he proposed to me. I was the happiest woman alive nung time na yun.
At bukas na nga ang pinakahihintay kong big day.
"Shex, wag masyadong lalayo. Uuwi tayo ng maaga mamaya. Baka may asikasuhin pa para sa wedding bukas."
Para akong tanga na kinakausap ang aso ko. Shexa is a chihuahua dog. Regalo siya sakin ni lolo nung debut ko. He knows I love pet so much pero binawalan ako ni daddy na magkaroon kahit ni isa. Madumi daw kasi ang mga aso. Pero dahil isa akong spoiled na apo, binigyan ako ni lolo.
Excited na ako para bukas. Sana walang mangyaring aberya. I have dream of it as perfect wedding.
I heard my phone rang.
calling.. Nathaniel
I answered the call. Baka importante ang tawag.
"Hello, Nat. Ba't ka napatawag?" I asked him onset of the call.
"Sure ka na ba talaga para bukas Marie? May panahon pa para mag back out." Napabuntong-hininga ako.
"Nat, sure na sure na ako. Alam mo naman kung gaano ko pinaghandaan to diba? I've been waiting for how many years para mangyari to. Papalampasin ko pa ba ang pagkakataon?" I told him. It's too late to back out now. At wala rin yun sa mga options ko.
"I'm just asking. Pinapauwi ka na si Ninong." He's referring to my dad.
"Ok. On my way."
Kinakapatid ko si Nat. Nathaniel Buenaventura, is 4 years older than me at bestfriend ni Jarred at bestfriend ko na rin. He courted me before naging kami ni Jarred. Pero binasted ko siya dahil nga si Jarred ang gusto ko at hindi siya. Sinabi ko rin yan sa kanya at naiintindihan naman niya. He's sort of an older brother to me now. Grabe kung maka-alaga sakin, daig pa si daddy.
"Shex, uwi na tayo'"
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...