~Lex POV~
"Mom, are you sure na alam niya na 8:00 am ang kasal? 8:25 na oh! Baka naman akala nun 8:00 pm. Alam niyo naman na conscious yun sa time. Kelangan pa sabihin kung am o pm."
Kinakabahan na ako. Kanina pa kaming lahat nandito. Dapat kanina pang 8:00 nagstart ang kasal pero hindi pa nagsisimula dahil hindi pa dumadating si Red, ang aking groom.
Napabuntong-hininga ako.Pang-ilang beses ko na ba ginawa to simula ng magising ako?
"Lex, iha. Darating si Red. Di ka niya ipapahiya sa kasal niyo. Alam mo naman kung ganu ka niya kamahal diba? Mas pipiliin niyang siya ang mahirapan kasya ikaw."
Sana nga ma. Asan ka na ba kasi Jarred Villanueva? Kakalbuhin talaga kita pag hindi ka pa nagpunta rito! Baka naman tinakbuhan mo na ako sa kasal natin? Hindi yun pwedeng mangyari!! Guguho ang mundo ko kapag hindi tayo ikinasal! Nakakaninis ka naman eh. Ilang buwan na natin tong pinaghandaan tapos hindi mo lang ako sisiputin? Waaaaahhhhhh!!
*tock tock tock*
"Ay kabayo!"
"Lex, iha, sorry kung ginulat kita." Si tita Mimi pala, mama ni Jarred.
"Ok lang po tita. Magugulatin lang po talaga siguro ako."
"Sorry iha kung hindi pa dumarating si Jarred. Pero sigurado ako na pupunta siya ngayon. Nauna kasi kaming bumalik ng Pilipinas. Nagpa-iwan siya kasi may inaasikaso pa siya sa business namin. Nangako naman siya na susunod siya. Hintayin na muna natin siya, iha."
"Wag po kayong mag-alala tita. Hindi ko po tatakbuhan sa kasal namin si Red."
Todo ngiti pa ako nung sinabi ko yan kay tita. Pero napakabilis ng tibok ng puso ko. Jarred, asan ka na ba kasi?? Panu nga kaya kung?? Panu kung?? Waaaahhhh---
*tock tock tock*
"Ay pating!"
"Tardz, sinung pating?"
"Mongz, ikaw pala yan. Sorry. Di kasi kita napansin eh."
"Halata nga. Ang lalim ng iniisip mo eh." Pumasok siya sa bridal car at tumabi sakin. Siya nga pala si Michaela Lopez, ang aking bestfriend at aking maid-of-honor. "Wag mo na masyado isipin si Red, darating yun."
"Alam ko naman yun Mongz. Pero di ko pa rin maiwasan ang kabahan. 30 minutes na kaya siyang late. Tapos nitong mga nakaraang araw di siya nagpapakita samin."
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...